Chapter Eleven: Zoren Diaz
My sixteenth birthday was very unforgettable. I mean, hindi lang family ang kasama ko sa napakaespesyal na araw na iyon. Vance was also there. He even planned the whole thing of surprise for me. That day, pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa mundo. Hindi ko kasi akalain na, alam niya. Na maaalala niya yung araw na iyon. Kasi mismong ako, hindi ko naalala. I was so occupied para maisip pa na birthday ko. Pero siya, wow. He's really doing a great effort para mapakita at mapadama sa akin na mahal niya ako.
Bakasyon na, akala ko, dalawang buwan kaming hindi magkikita. Kasi siyempre bakasyon at paniguradong may kaniya-kaniyang lakad hindi ba? Lalo na kami dahil matagal na nilang pinlano ang pag-alis namin papuntang Romblon. Gusto kasing makita nila kuya iyong Busay Falls doon. Isa raw kasi iyon sa pinakamataas na waterfalls sa pilipinas. May taas daw iyon na 250 meters, at dumadaloy naman yung tubig noon sa pitong pools doon. Kahit ako excited sa pagpunta, pero bago kami umalis, naisip ko na sayang hindi namin kasama si Vance. Parang ang saya kasi ng bakaasyon kung magkasama pa rin kami hindi ba?
Maaga akong natulog nung gabi dahil sabi sa'kin nina kuya maaga raw kaming aalis. Kinaumagahan nagising ako dahil sa isang pamilyar na boses. Tinatawag nito ang pangalan ko mula sa labas ng kwarto ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko, tumayo saka tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Vance, naka-gray shirt at shorts. Naka-smile sa'kin sabay sabing...
"Good morning!" Ngingiti na sana ako sa kaniya. Kaya lang dumating si kuya at sinabing...
"Di ka ba magmamadali?" Napatingin ako sa hitsura ako at agad-agad na sinarado ang pinto.
Pakiramdam ko sinakluban ako ng sobrang kahihiyan. Biruin mo ba namang napakagulo pa ng buhok ko. I-consider niyo na rin na ang haba ng buhok ko kaya magmumukha talaga akong bruha. Tapos hindi pa ko nakakapag-tooth brush, tapos hindi pa ko nakakapagtanggal ng muta sa mga mata ko. Tapos baka mamaya may mga tuyo pa kong laway sa gilid ng labi ko, tapos...
"Waaah!!! Nakakahiya talaga!!!" Sigaw ko sa unan, para hindi marinig sa labas. Sobra talaga akong nahihiya sa kaniya. Nakit aniya ako na ganoon ang hitsura.
Buong biyahe namin, wala akong imik. Ayaw kong magsalita kasi nahihiya ako. Nang maklarating naman kami dumiretso agad ako doon s akwarto namin ni mama. Natanggal lang iyong nakakahiyang feeling ko nung kausapin niya ako ng nandun na kami sa falls. Actually, kinakausap naman niya ako kahit kaninang nasa biyahe ako lang itong ayaw makipag-usap sa kaniya. Pakiramdam ko kasi mangangamatis ako sa sobrang kahihiyan eh.
"Huwag ka ng mahiya sa'kin tungkol dun sa kanina. Actually, dapat mag-apologize ako sayo for doing that. Hindi ko naisip na baka hindi ka pa ready. Sorry ha?"
Kinikilig ako ng sobra sa tuwing maaalala ko iyon. Napaka-sweet niya, na kahit wala naman siyang kasalanan, nag-sorry pa din siya. I mean, isn't he so considerate? After that vacation in Romblon mas lalo pa akong napalapit sa kaniya. Unti-unti kong nararamdaman na totoo yung pagmamahal na sinasabi niya para sa'kin.
Days have passed and ayun, pasukan na naman. And siyempre, fourth year na kami. Sinong mag-aakala hindi ba? Biruin ninyong makakarating pala ako ng fourth year??? Haha, I feel so blessed! Unang araw pa lang ng pasok pero sobrang ganado akong pumasok. Ewan ko rin kung bakit pero napaka-aga ko talagang nagising. Kaya nga, maaga rin akong nakarating sa skul. May flag ceremony kaya naman, isang oras na lang at may mga kasama na rin ako. At tulad ng madalas kong gawin habang naghihintay, natulog muna ako. Nagising naman ako na medyo marami ng tao. Pinapipila na rin kaming mga estudyante dahil bago daw simulan iyong flag ceremony ay mag-aanounce muna sila ng mga assigned sections namin. I was a bit pissed by that. Naisip ko kasi, bakit hindi na lang nila pinost bago magpasukan para naman hindi ganito yung system nila ngayon. Ayan tuloy marami ang nagkakagulo.
Hinihintay kong mai-announce ang pangalan ko sa bawat section, pero aaminin ko. Hindi lang naman yung pangalan ko ang inaabangan ko pati na rin yung pangalan niya. Siyempre gusto kong malaman kung classmates pa rin kami. Habang nagsasalita yung teacher sa harap na hindi ko pa alam ang pangalan dahil teacher siya sa fourth year ay hindi ko mapigilang hindi mag-pray. Hinihiling ko kasi kay Lord na sana maging classmates kami. O kung hindi man sana naman ilagay niya ako sa section kung saan magiging maayos ako. Pero habang taimtim akong nagpe-pray, nagulat ako ng marinig ko siyang magsalita.
"Tama na yan, natawag na tayo." Pauna niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
"Doon tayo pipila, oh?" dagdag pa niya saka tinuro iyong isang pila kung saan naroon halos lahat ng mga naging classmate ko noong third year.
Natuwa ako ng makita silang lahat. Pakiramdam ko sa kaunting panahon na nakilala ko sila noong third year, parang napalapit na rin sila sa'kin. Nasa new room na kami, at nagkakagulong muli ang mga classmates ko. Kakaunti lang naman ang nadagdag sa amin, ganoon rin ang mga nabawas. Pero masaya pa rin ang lahat. Puro orientations lang ang nangyari. May bago ring sitting arrangements na naganap. And I admit na medyo nalungkot ako dahil hindi ko siya katabi, at itong kulangot na 'to ang naging katabi ko...
"Pengeng papel."
"Wala ka bang papel?"
"Manghihingi ba ko kung meron?"
"Psh, pilosopo." bulong ko.
"Ano yung sinabi mo?" tanong ni nakakainis na seatmate.
"Wala, sabi ko. Bakit nag-aral ka pa??" sarcastic kong sabi at saka tinuon ang atensyon ko sa papel ko at sa sinusulat ko.
Buong maghapon wala siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako. Naiinis na nga ako sa kaniya dahil isa siyang malaking harang sa view ko. Paano ba naman nasa kaliwa ko siya. Tapos next to him was Vance. Hindi ba't sobrang nakakainis yun?? Hindi ko pa magawang makausap si Vance kasi nga ayaw kong magkaroon na naman ng issue sa amin. Ayaw ko kasi sa lahat iyong pinag-uusapan ng mga tao.
"Hoy, bakit tulala ka ha?"
"Paki mo ba?"
"May paki ako kasi sa side ko ikaw nakatingin. Don't tell me—!" sabi niya na nakatayo.
"Ano?" bored kong tanong.
"May crush ka na sa'kin no?" Sabi niya na para bang nakalunok siya ng mega phone dahil lahat ng tao sa room narinig yung sinabi niya. Napaubo ako ng di oras dahil sa kulangot na 'to. Alam niyo yung tipong wala naman kayong ubo pero dahil sa bigla mong nalunok yung laway mo naubo ka?? Ganon, ganun na ganun yung nangyari sa'kin. At ang sakit sa lalamunan.
"Sabi na nga ba at may crush ka sa'kin eh. Kung sabagay, sino ba namang makaka-resist sa charms ng isang Zoren Diaz! Hahaha."
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
Storie d'amoreAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...