Chapter Ten: Can I have this dance?
Halos mapaos ako kakatili... Kinakabahan ako sa kung anong ire-reply ni Vance sa message kong iyon sa kanya. Hindi ko alam kung mababawi ko pa ba iyon o hindi na. Iniisip ko kung anong gagawin ko... Pero kakaisip ko nun, hindi ko na rin namalayang nakatulog na ako. Nagising ako sa boses ni ate Sheena. Para siyang may kaaway, pagmulat ng mata ko...
"Ay, sa wakas at nagising ka rin!!!" Sabay nilang sabi ng kuya ko. So, sila pala yung kanina ko pa naririnig na nagsisigawan?? Akala ko nananaginip ako...
"Anong nangyari Klarrize???!!!" Sabay nila muling sinabi.
"Oy, anong problema niyong dalawa?? Kanina niyo pa ko sinisigawan ah??" Sabi ko sa kanilang dalawa. Pero imbis na sagutin ako, napahilamos sa mukha niya si kuya. Si ate Sheena naman napamaywang. Tinitigan ko sila... Hay... Ano ba'ng ginagawa nila???
*BLAG*
Nagulat ako at nawala ang konsentrasyon ko sa pagtitig kanila kuya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si mama ng naggagalaiti... Ano ba'ng nangyayari??
"Hm, Ma." Sabi ko.
"Ay, mabuti naman at gising ka na Klang-klang! Akala ko kailangan ko pang tawagan si Vance para siya ang gumising sayo!!!" Sigaw ni mama na kalakip na inis. Bahagya naman akong nabingi ng marinig ko ang pangalan ni Vance. Pakiramdam ko, mag-ba-blush na naman ako...
"Ah- Teka??! Anong nangyari sa mata mo ha?? Di ba't maaga kang natulog kagabi??? Bakit namimilog ang mga mata mo, at ang laki ng eye bags mo??!!" Nagulat naman ako sa sinabi ni mama kaya agad akong napatayo sa kama at pumasok ng banyo para makita kung totoo ba ang sinasabi niya.
"Ma! Hala?!" Sigaw ko mula sa banyo at saka tumakbo palabas nito. Napailing na lang sa akin sina kuya at ate Sheena.
"Hmp! Anong oras na??" Nag-aalalang tanong ko...
"Mabuti at naitanong mo yan, bunso..." Umpisa ni kuya. Lahat sila nag-aalala at nagpa-panic.
"Alas-singko na, Klarrize." Dugtong ni ate Sheena sa sinabi ni Kuya.
Nalaglag ata ang panga ko sa narinig ko, kaya naman kinailangan ko pa iyong pulutin para makapag-react ako sa sinabi nila...
"ANO??!! Eh, bakit ngayon niyo lang ako ginising?!" Maktol ko. Kaya lang agad naman akong nakatanggap ng batok galing sa nanay ko.
"HMP! Huwag mo kaming sisihin! Sisihin mo ang sarili mo!!"
Pagkatapos ng mahabang panenermon ni mama, ay agad na kaming pumunta sa salon na pinuntahan namin kahapon ni ate Sheena. Dala nila mama ang dress at sapatos ko pati na rin lahat ng mga gagamitin ko.
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga pinag-gagagawa ng mga bakla sa'kin. Basta ang alam ko lang... Saktong alas-siete nila ako natapos ayusan. Hinatid ako nila mama sa school dahil sabi ni Vance doon na daw niya ako susunduin. Malayo pa kami pero super kinakabahan na ako. Ramdam ko ang malakas na pag pintig ng puso ko. Ang nanlalamig kong mga daliri sa paa at kamay.
"Huwag kang kabahan, kaya mo yan... okay?" Sabi ni mama sa napaka lambing at kalmadong boses. Hinawakan niya ang mga kamay ko at may inilagay sa palad ko.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...