Chapter Twenty Nine: “That I'm not a princess, this ain't a fairy tale, I'm not the one you'll sweep off her feet, Lead her up the stairwell. This ain't Hollywood, this is a small town,” – White Horse by Taylor Swift
Klarrize Buentaje's Point of View
"It's Us who have missed EVERYTHING out!" sabay na sigaw nilang dalawa sa akin habang napapagitnaan ako sa isa sa mga benches malapit sa canteen.
"'Yun ba yung boyfriend mo?? Siya na ba 'yun??" tanong ni Rex, pero di ko pa naibubuka ang bibig ko ng bigla ulit siyang magsalita. "Ang gwapo-gwapo!! Paano mo ba nabingwit yun?? Kay Yummy naman nun!!!" kinikilig niyang tili. Pero gaya ng nauna, hindi pa ako nakakasagot ng ang magsalita naman ay si Shayne.
"Sino yung humila sayo kahapon sa canteen?? Sino yun?? At anong ibig sabihin nito?? Bakit kayo magkasama nung transferee na yun?? Kilala mo ba siya?? Boyfriend mo ba tala-hmmpf!" tinakpan ko ang bibig niya at saka sinabing...
"Pwede bang tumigil muna kayo??" para kasing uhaw na uhaw talaga sila sa impormasyon. Ano ba naman ito?
"E kasi naman, kapapasok mo lang nung nakaraan tapos ganito na agad ang eksena, girl??" -Shayne
"Dalawang gwapo at kilalang papa agad ang nali-link sayo! Di mo ba alam na nakakagawa ka ng mga haters’ ngayon??" sabi ni Rex as a matter of fact tone saka ngumuso sa likuran ko.
"Haters?" maang kong tanong. Saka titingin sa likuran ko pero nagulat ako sa chorus nilang sagot sa akin.
"Ay oo girl!" sabay na sagot nila pero tinapunan ko lang sila ng nagtatakang tingin.
"So, ano?? Magpaliwanag ka na." dagdag pa ni Shayne na tinanguan ng isa.
"Okay, fine. Ganito kasi yun..." Ikinuwento ko sa kanila every little detail na nangyari sa akin the past weeks and months. How my boyfriend and I broke up. How I met that guy and how I ended like this.
"So, you are his slave now dahil lang sa simpleng bagay na 'yun??" makahulugang tanong ni Shayne habang si Rex ay naghihintay ng confirmation sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.
Mabilis na natapos ang mga sumunod na klase ko nung araw na iyon. Hindi na nangulit pa sina Shayne at Rex at mukhang nakuntento sa lahat ng mga binahagi ko pero sinabihan rin nila ako na kailangan ko silang i-update sa mga nangyayari sa akin. Shayne even advised me to just forget Vance because he's a jerk for cheating on me. Pero sa tingin ko hindi ko iyon magagawa o masusunod man lang dahil alam ko sa sarili ko mismo na atttached pa din ako sa kanya.
Sobrang pagka-attached na kahit puso ko ayaw makinig sa sinasabi nang utak ko. Lahat ng bagay pinapaalala siya sa akin. Kahit saan ako magpunta siya lang ang nakikita ko. Ni hindi ko alam kung paano siya kakalimutan kung ganito. Lalo na nung mangyari yung insidente nung nakaraang araw kung saan yinakap niya ako. Ramdam ko ang sincerity sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ramdam ko ang pananabik sa simpleng gesture na ginawa niya 'nun.
So, paano ko siya magagawang kalimutan? Kung hindi lang ako ang may nararamdaman pa??
"Let's go." narinig kong usal nitong katabi ko. Bitbit na niya ang mga gamit niya at mukhang handang-handa nang umalis. Tatanungin ko pa lang sana siya kung bakit? Saan ba kami pupunta? Pero di ko na nagawang itanong nang buhatin niya akong muli. Nahihiya ako. Kanina niya pa ito ginagawa.
Narinig ko ang tinis ng tili ni Rex at ng ibang babae. Pero hindi pa rin nakatakas sa tenga ko ang mga bulungan ng iba sa paligid. Sinabihan ko ulit siyang ibaba ako pero hindi siya nakikinig. Lalo akong nawiwirduhan sa kanya, sa mga ginagawa niya. Ang bilis niyang maglakad, nalagpasan agad namin ang mga tao sa hallway, ang mga building... narito na kami ngayon sa parking lot. Agad niyang binuksan ang pinto at iniupo ako sa passenger's seat. Nang makapasok siya at makaupo, saka lang ako ulit nagsalita.
"You know what? Ang weird mo. Sobra. Hindi kita maintindihan. Di ko alam kung anong gusto mo. Kung ano talaga ang kailangan mo." paunang sabi ko at tinignan siya pero wala man lang bakas ng kahit na anong emosyon sa mukha niya. He even turned the stereo on.
"Ano ba talagang gusto mo? Alam mo, hindi naman sapat yung pagkapahiya sayo ni mama nung hinatid mo ako sa bahay para lang gawin akong slave o kahit na ano. Kaya pwede bang sabihin mo na kung anong gusto mong mangyari??" matapos kong sabihin ang mga iyon ay saka lamang siya tumingin sa akin at nagsalita. Di ko maintindihan ang nakikita ko sa mga mata niya, hindi ko siya magawang basahin...
"I want Naiome back." tiim bagang niyang sagot sa akin at saka pinaandar ang engine ng sasakyan niya. Ni hindi ko nagawang mamangha sa ganda ng kotse niya ng dahil sa mga pinapakita niya sa'kin.
"Ha? E, kung yun ang gusto mong mangyari hindi naman ako si Naiome." naiinis na sabi ko. Dinig ko pa lang sa pangalan niya naiinis na ako, kumukulo na ang dugo ko at parang gusto ko ulit manampal.
"I know. Masyado kang malayo compare to her." usal niya na lalong nakapagpainit ng ulo ko. What does he mean by that???
"Look at yourself, hindi ka marunong magdamit ng maayos." he commented while looking at me from head to toe, criticizing what I am wearing.
"What's wrong with T-shirt, pants and a pair of sneakers????" naghuhuramentado kong tanong.
"Your hair is a mess. It looks more like a bird's nest." he added. Agad naman akong napatingin sa salamin to check if he is telling the truth. And yes, he's right so I just shut my mouth.
"You look like a nerd because of that glasses." oo nga pala, hindi na ulit ako nagsuot ng lenses ko simula nung time na yinakap ako ni Vance. Ewan ko, pero mas gusto ko itong ganito ako.
"You say things like a guy. You walk like a guy. You sways your hands like a guy. It just that... everything in you shouts that you are somehow like a guy." diretsong sabi niya. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. Tumango-tango ako.
"Y-You're right." my voice broke.
"Definitely right. What you said was all true. Kaya siguro nagawa akong palitan ni Vance ng ganun-ganun lang. Because I am nothing compare to that Naiome." I wiped my tears.
"She's better than me, way prettier than me, smarter than me... She's a princess. Not like me who's more like a damsel in distress. Right??" I asked looking at him straight in the eyes.
Xayromie Perez's Point of View
Nakahinto ang sasakyan dahil red light at may mga tumatawid. Nakatingin siya sa akin ng tiim, na parang gusto niyang tumagos ang tingin na iyon sa kaibuturan ko. She's crying... again. I didn't mean to say all of those things to slap her in the face. I don't know pero kusang lumabas ang lahat ng iyon sa'kin.
I saw her look to those people crossing the street. She's intently looking to something... no, to someone. I looked at her, magkasalubong ang mga kilay at tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luhang hindi ko alam kung kailan titigil. Then something hit me, the persons whom she's looking at were not just people whom we rarely see. They were the ones who broke our heart.
They walk like nobody's watching, holding and swaying each other’s hands, smiling and laughing like a real couple would do. Well, sila naman na talaga. But damn those two! Bakit nagpapakasaya sila ng ganyan like they didn't hurt us??
"M-Maybe it just happened that... Vance rescued me from the trouble where I am before. He let me experience some things that he knew I couldn't feel because I am not her princess. I-It's her..."
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
عاطفيةAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...