Chapter Sixteen: Distance
Klarrize Buentaje's Point of View
Another days and weeks had passed, natapos na rin ang araw ng exam ko sa Xavier University. Maging ang competition ko sa Photojournalism tapos na. Pero hanggang ngayon cold treatment pa rin ang natatanggap ko mula sa kanya. He will answer my texts 'ok', 'k' or just creepy smileys. Anong klaseng sagot 'yun hindi ba?
Aaminin ko, habang tumatagal na ganito siya sa akin unti-unti na rin akong naiinis sa kanya. Ang daming dahilan para mainis ako at magalit ng tuluyan sa kanya. Pero hindi ko ginagawa at pinipigilan ko 'yung inis na iyon dahil hindi ko pa naririnig ng maayos kung ano talaga ang nangyayari sa kanya at ginaganito niya ako.
I keep on texting him, calling him kapag hindi kami nagkikita sa school. Pero wala. Wala pa rin. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya sa totoo lang. February na ngayon at malapit na rin ang Prom. Pero sa tingin ko, hindi na ako pupunta doon dahil galit pa rin sa akin si Vance. Narecieve ko na rin ang resulta ng exam ko sa Xavier at pumasa ako. Nanalo rin ako sa RSPC, isn't it wonderful? Pero bakit ganun? Hindi ko makuhang magsaya?
Ni hindi ko kasi alam kung natuloy rin ba siyang mag-exam. Kung pumasa ba siya katulad ko. Kung matutuloy pa rin ang mga planong inisip namin noon. Hindi ko alam. Kahit na ano sa kanya ngayon wala akong alam. Sobra talaga akong nalulungkot. Bukod sa ganito sa akin si Vance, nilayuan ko na rin si Zoren. Pakiramdam ko tuloy bumalik ako sa Klarrize noon na walang kaibigan. Na nag-iisa lang...
"Ms. Buentaje, bakit nandito ka pa? Hindi ba't pinababa lahat ng estudyante?"
"S-Sorry po Sir Jack. Bababa na po ako."
Ganito kadalasan ang nangyayari sa'kin simula noong araw na sabihin sa'kin ni Vance ang mga salitang iyon. Natutulala. Parang nasa space at hirap bumalik sa earth dahil sa lalim ng iniisip ko. Mabuti nga at hindi ako bumabagsak sa exams at quizzes e. Mabuti na lang talaga... Nandito na ako ngayon sa pila ng section namin. Pero ganoon pa rin ako. Wala sa sarili. Nagulat na lang ako nang hawakan ni Vance ang kamay ko at dalhin ako sa stage.
"A-anong..." magtatanong pa sana ako kaya lang hinarap naman kami ng principal. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Pero si Vance, nakangiti siya. Nakatingin lang ako kay Vance, wala akong naririnig kundi yung heart beat ko. Iyon lang, wala ng iba. Hanggang sa kamayan ako nang principal at isuot sa akin ang medalya.
"Congratulations hija." nakangiting sabi nang principal kaya naman nginitian ko rin siya kahit na hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Kinukuhanan na kami ng pictures nang biglang magsalita si Vance. Malapit siya sa akin kaya naman kahit pa bulong iyon ay dinig na dinig ko pa rin ang mga salitang inusal niya.
"I am proud of you, Klarrize. I'm sorry for what I did this past few weeks. I've been a jerk. I'm sorry... But believe me, I love you." Nagawa niyang sabihin ang lahat ng iyan sa akin. Nawala ang atensyon ko sa kumukuha ng picture kaya naman ng mag-count down siya at i-press ang shot button ay alam kong hindi ako nakatingin sa camera kundi sa kanya.
Natapos ang klase na nasa tabi ko si Vance, hawak ang kamay ko sa buong klase at hindi binibitiwan kahit pa napupuna kami ng mga teachers. PDA nga raw masyado sabi ng iba. Pero sobrang saya ko para i-spoil ang moment kaya hinayaan ko lang siya. Ang tagal rin kasi noong huli kaming ganito. Noong huli niyang hawakan ang kamay ko. Noong huli siyang ngumiti sa harap ko. Noong huli ko siyang marinig magsalita.
Parang ang tagal -tagal na nang lahat ng iyon. Uwian na at nakangiti pa rin si Vance na abot hanggang tenga. Hindi pa rin nakakalabas lahat ng mga kaklase namin ng bigla siyang magsalita.
"Let's have a date!" Nakangiti niyang sabi habang hawak ang kanan kong kamay.
"H-Ha?" nabigla ako. Masyado kasi siyang vocal ngayon. Pinarinig pa niya sa lahat ang sinabi niya. Ganito ba siya kasaya? "Hm, ok." tanging sagot ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Alam ko namang natural na siyang masigla at masayahin. Kaya lang parang over powering naman ngayon. Sobrang daldal niya at makulit. May hormone imbalance kaya si Vance?? Tingin ninyo?
"Hm, saan tayo pupunta Vance?" tanong ko nang pumara siya ng tricycle.
"Doon sa race ng kaibigan ko. Magaling 'yun, siguradong mag-eenjoy ka na makita siya." sabi niya at saka ako inalalayan papasok. Maya-maya pa ay nakarating din kami doon sa field kung saan gaganapin ang race na sinasabi ni Vance.
"Ah, motor race pala ito." sabi ko.
"Tara, magsisimula na." sabi niya at saka ako dinala sa seats na pinareserve daw niya. Pero hindi pa kami nakakaupo ng i-excuse niya ang sarili niya dahil tinawag na siya noong kaibigan niya. Naka-black clothes and well-geared na ito. Mukhang handang-handa na talaga siya sa race. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa dahil nasa upper seat ako. And nasa baba silang dalawa. Pero nagulat ako nang ituro ako ni Vance na siya namang sinundan ng tingin noong kaibigan niya. Hanggang sa bumalik na si Vance at tinabihan ako.
"Si Xayromie, kaibigan ko." nakangiting banggit ni Vance sa pangalan ng kaibigan niya.
"Ah..." usal ko. Hindi ko naman kasi nakita yung hitsura noong Xayromie na tinutukoy niya dahil bukod sa malayo sila sa akin ay naka-gear na ito.
"Racer talaga 'yun. Iyan nga ata talaga ang talent niya e." huling mga salitang sinabi ni Vance na narinig ko dahil nagsimula ng magsalita ang master of ceremonies.
Nanood lang kami doon ni Vance, prente lang kaming nakaupo doon at pinagmamasdan ang nasa big screen. Nakakatakot nga itong race na ito dahil may mga sumemplang na kanina sa sobrang bilis ng takbo. Umulan na nga rin pero hindi natinag ang mga racers, ganoon rin ang mga nanunuod kasama kami ni Vance na nagpayong lang.
"Tatlo na lang po sila mga kaibigan." narinig kong sabi nung Sports Commentator. "Ayan na at malapit na sila sa finish line, sino kaya ang mananalo??" dagdag pa niya.
"Alam na." narinig kong sabi ni Vance.
"Ha? Alam na ang alin?" tanong ko. Pero imbis na sagutin ako ay nagulat ako nang biglang magtayuan ang lahat at pumalakpak. Napatingin ako sa motor na nakalampas at naunang dumating sa finish line.
"...Mr. Xayromie Perez!!" dinig na dinig ko ang pangalan na iyon na isinigaw na halos ng commentator dahil sa sobrang tuwa.
"Wow, panalo nga siya." bulong ko sa sarili ko. "Ang galing pala talaga niya."
"Oo naman. Sabi ko nga sayo kanina, iyan na ang talent niya." sagot sa'kin ni Vance at saka hinawakan ang kamay ko. "Tara na, hindi na natin yan makakausap. Pipirma pa yan ng mga autographs." usal niya at saka tumingin sa kinaroroonan nung kaibigan niya.
Papalayo na kami 'nun sa kinaroroonan nung kaibigan niya pero parang may humahatak sa aking kung ano para tumingin pabalik. Kaya ginawa ko. I turned, not realizing that his friend was looking at me too. Kinilabutan ako sa tingin niyang iyon, alam kong naka-gear pa siya at hindi tinatanggal ang helmet pero alam kong nakatingin siya sa akin ng mariin. Nang makita kong tatanggalin na niya ang helmet niya ay tumalikod na ako at humabol kay Vance.
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong makita ang mukha niya. Basta isa lang ang alam ko, pakiramdam ko nakita ko na siya. Hindi ko nga lang alam kung saan o kung papaano. Pero alam ko, nararamdaman ko. Nagkita na kami...
“There's an opposite to déjà vu. They call it jamais vu. It's when you meet the same people or visit places, again and again, but each time is the first. Everybody is always a stranger. Nothing is ever familiar.”
― Chuck Palahniuk, Choke
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...