Chapter Seven

72 5 9
                                    

Chapter Seven: Anong pakiramdam na 'yung crush mo ay may crush din sayo?

"Oh my gulay!! Ayaw ko na!!" Sabi ko sa sarili ko at saka umupo mula sa pagkakahiga.

Tabi pala kami nung girl na nagsabi sa'kin kanina na ang cute ko raw pag nagsmile. Ang kulit niya matulog. Haha. Ay, wait! Enough na muna kay ateng cute! Ako muna, huhu~ Ilang oras na rin makalipas yung confession ni Montague. At hanggang ngayon mulat na mulat pa rin ako ng dahil sa mga sinabi niya!

Banat na banat na nga ang mukha ko dahil sa kaka-ngiti e. Hindi ko alam kung ano ang gagawin! Tina-try kong matulog pero itong mga mata ko na-hypnotize na ata talaga ni Montague. Ang laki kasi ng epekto e! Hay...

"Baka bumagsak ako nito sa mga exams namin bukas! Sayang yung pag-aaral ko!!! Kakaloka, anong oras na ba?" mahinang tanong ko sa sarili at saka humanap ng orasan.

Actually hindi ko alam kung maawa ako sa sarili ko, pagkakita ko kasi sa orasan nila president nakita kong alas kwatro na ng umaga. Wala na, wala na talaga akong chance para bumawi pa ng tulog! Huhu. Maya-maya magsisibangunan na rin yung iba. Kaya nagdecide na lang ako na maglakad-lakad muna doon sa mini garden malapit doon sa pinagaralan namin kanina— este kahapon pa pala yun. Ayun, pagdating ko doon, halos lumuwa naman ang mata ko sa takot dahil sa nakita ko.

"A-anong--" Hindi ko magawang ituloy yung sasabihin ko. Eee, kasi naman... Nakita ko si Montague na nakaupo doon sa isang bench, tapos ayun. Pagdating ko napatingin siya sa'kin. Kaya nakita ko rin yung full view ng mukha niya. Mukha siyang zombie!!! Kakatakot!! Baka mamaya kainin na niya yung brain ko! Huhu.

"H-hindi ka rin nakatulog??" Tanong niya sa'kin sabay turo sa mga mata ko.  Hm, nakakahiya... Pero... eh?! Napatingin na lang tuloy ako sa taas, sa mga ulap at bituin... Kinikilig kasi ako! Hay, Lord, ganito pala yung feeling na yung crush mo may crush din sayo!!! Ang sarap pala sa pakiramdam!

"Hm... b-bakit hindi ka nakatulog?" Amp! nagtanong ka pa Montague? Dahil kaya sayo kaya ganito ang aking tantalizing eyes! Huhu. Mukha na naman akong zombie. The last time na ganito ako, dahil din yata sayo.

"D-dahil ba sa mga sinabi ko kagabi?" dagdag niya. Hm, anak ng makulit 'tong si Montague.. Hay... Opo, di ako nakatulog ng dahil sayo!

"K?"

"K?"

*poke*

*poke*

*poke*

Napatingin ako... Nung una blangko lang ang ekspresyon ko, pero nung mapagtanto ko kung gaano kalapit yung mukha ni Montague sa'kin? Parang umakyat lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa mukha ko.

"S-sorry" Sabi niya saka umiwas ng tingin.

"Nakatulala ka kasi tapos nakangiti e. Natakot akong nababaliw ka kasi liligawan pa kita e."

"P-PO?" Ano ba yan hindi pa ko nakakrecover sa nangyari kagabi pati kanina, tapos ngayon meron na naman?! Lord, thank you so much po!!

"Oh? Mukhang seryoso kayong dalawa diyan ah?" Pareho naman kami ni Montague na napatayo sa gulat. Dumating kasi si president, huwaygolay!

"Oh? Bakit tumayo kayo?" Tanong niya at saka naglakad papalapit sa amin ni Montague.

"Hm? Bakit namumula ata kayong dalawa?" Tanong niya at saka hinipo ang mga noo namin.

"Hindi naman kayo nilalagnat. Hm? Pareho rin pala kayong nangingitim ang ilalim ng mga mata. Teka, kayong dalawa???—" hindi pa natatapos na magsalita si President ng bigla namang hilahin ni Montague ang kamay ko at saka tumakbo palabas ng mini garden. Narinig ko na lang si President na sumigaw ng...

"Saan kayo pupunta??? Hoy, Vance!!!! Papasok na tayo!!!—" tapos ayun, hindi na namin narinig yung ibang sinabi niya.  Tumakbo lang talaga kami. Tapos nung mapagod ako, huminto na ko. Awtomatiko rin naman siyang napahinto at tumingin sa akin.

"Hm, pa-god... na.... a-ko..." hinihingal na sabi ko. Tumawa naman siya.

"Hm? May nakakatawa ba?" Tanong ko. naku-curious kasi ako kung bakit siya tumatawa e, wala namang nakakatawa.

"Hahaha! Tignan mo yung paa mo, hahaha!" Sabi niya na turo-turo yung paa ko. Siyempre ako naman tinignan ko.

"Ugh? Nasaan na yung tsinelas ko???" nagtatakang tanong ko. E kasi, nawala ko siguro nung tumakbo kami. Ang clumsy ko talaga!

"Hahaha! Pasensya ka na, ha? Oh ayan, nag-uusap na tayo ng normal." sabi naman niya at saka ngumiti.

*LUB.DUB.LUB.DUB*

Lagi talaga niyang pinapatibok ng ganito yung puso ko...

"O-oo nga e." Sagot ko naman.

"Pasensya ka na kung nagtapat ako sa'yo ng ganun. Alam ko, hindi ko dapat ginawa yun. Lalo na ngayon na nakasalalay sa exams na ito yung pagpasa mo this year." Sabi niya ng diretso sa mata ko. "Pero..." nagulat ako ng may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Nang tingnan ko, hawak na pala niya yung kamay ko.

"Hindi ko kasi mapigilan 'to e." Sabi niya at saka itinuro ang left chest niya. I guess yung nasa loob nun ang di nya mapigilan.

"Natotorpe kasi talaga ako sa'yo noon pa. Hay..." buntong hininga niya at saka ginulo ang buhok ko. "Huwag mo na muna isipin yun. Ang isipin mo ngayon ay yung exams natin, kailangan mong ipasa 'yun ha?"

“She blushed and so did he. She greeted him in a faltering voice, and he spoke to her without knowing what he was saying.”

― Voltaire, Candide

  

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon