Chapter 2

102K 1.1K 120
                                    


Chapter 2

Sa dalawang araw na namin dito sa Ilocos ay namimiss ko na agad ang Manila. Paano ba naman kasi ay puro bukid ang nakikita ko dito at ang mga kulay berdeng puno sa paligid.

Ang sabi ni Tita Ruth, na asawa ni tito Lennard, ay hindi lang daw bukid ang nakikita dito sa Ilocos may mga dagat din daw kung saan ay madaming nagpupuntang mga turista. Sa Laoag City naman ay doon makikita ang mga mall at kung ano ano pa.

At dahil ni deactivate ko na ang mga social media ko ay wala tuloy akong pinagkakaabalahan. Ni deactivate ko lahat dahil ayaw ko munang kontakin ako ng mga kaibigan ko. Noong tinext ko sila na dito na ako mag-aaral ay hindi ko na sinagot pa ang mga tanong nila.

Wala ding tao dito sa bahay ngayon kundi ako lang. Si mama at CJ ay pumunta sa salon na pagmamay-ari ni mama at tita Ruth. Sila tito at tita naman ay nasa hospital para bantayan si lola na stroke. Si Charles naman at ang dalawa ko pang pinsan na lalaki ay di ko alam kung san gumala.

Bumuntong hininga ako at lumabas sa bahay. Nagbabakasakaling may mapagkakaabalahan. At salamat sa malikot kong mga mata dahil may nakita akong mga mountain bike sa garahe.

Kinuha ko iyong itim na bike at inilabas iyon mula sa garahe. Nang makalabas na ako sa gate ay sumakay na ako at nagsimulang mag pedal. Hindi ko kabisado ang daan dahil bata pa lang kami ni Charles noong huli kaming nagbakasyon dito. But whatever, hindi naman siguro mahirap sundan ang daan pabalik sa bahay. Tatandaan ko na lang yung mga madadaanan ko.

Wala akong ibang makitang tanawin kundi ang mga tanim sa bukid. May mga palay, bawang, tubo, pinya, mais at marami pang iba. Tahimik ang paligid at presko ang hangin na humahaplos sa aking mukha. Siguro ay maganda din tumira dito dahil walang masyadong pollution. Ang ayoko lang kasi ay wala man lang gusali dito na pwedeng pasyalan kailangan pang pumunta sa Laoag kung gusto mong makakita ng mala syudad na lugar.

Sinundan ko lang ang diretsong simentadong daan. May mga nakikita na akong mga bahay at isang sari-sari store. Magaganda din naman ang mga bahay dito pero hindi nga lang ganun kalaki gaya ng mga bahay sa subdivision namin. May nakita pa akong kubo, ang ibang parte nito ay sementado at plywood. Ang bubung nito ay dahon ng anahaw. Hindi kaya to nasisira pag bumabagyo?

Kahit pala mejo taghirap kami ngayon ay maswerte pa rin kami dahil matibay ang bahay na tinutuluyan namin. I should be thankful, right? Because not everyone is as fortunate as me. Kailangan ko lang magtiis pansamantala at babalik din kami sa Manila. Pag maayos na ang lagay ni lola at may trabaho na ulit si papa everything will go back to normal.

Biglang may bumusina sa likuran ko dahilan kung bakit na out of balance ako. Buti na lang ay alerto ako. Naiapak ko agad ang aking paa sa lupa at nasupurtahan ang bigat ng bike. Kung hindi ay sabay kaming bumagsak ng bike ko sa lupa. Woah! muntikan na iyon ah! Sayang ang makinis kong balat pag nagkataon.

Nilingon ko iyong itim na sasakyan. Kumikintab pa ito sa sobrang linis. Pinarada ko sa may gilid ang bike tsaka tumayo sa harap ng Porsche. What an abnoxious driver!

Maya-maya pa ay bumaba na iyong driver. Halos ilipad ako ng hangin nang makita ko ang lalaking nagmamaneho nung sasakyan. Nakasuot siya ng puting sumbrero na may check sa harapan. Naka black v-neck shirt, maong pants siya. Nang tignan ko siya sa mukha ay nakataas ang isa niyang kilay. His eyebrows are on fleek. Para bang pinaayos niya ang mga ito.

He looks familiar parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Mestizo siya. His eyes are soft brown. His nose is straight parang ilong ng americano. His thin pinkish lips are so sexy. His perfect angled jaw. Halata din ang kanyang muscles dahil sa hapit niyang damit. He's almost perfect. But hep hep! I snapped back from reality.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon