Chapter 55Nagising ako dahil naramdaman kong gumalaw ang kama ko. Pagkamulat ko ng mata ay nakita ko sina Jenny, 'yong mga kaibigan ko noong high school.
"Gising na, gurl! Hapon na!" Niyugyog ako ni Jenny
"What are you guys doing here?" I asked groggily
"Lalabas tayo!" Excited nilang sagot "Gaya dati"
Hinila ko ang kumot hanggang sa ulo ko. Inis na inis ako kay Dylan dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Buong araw ko siyang tinatawagan kahapon, pero wala! Hanggang kaninang umaga wala pa din. Ano na kayang nangyari doon? Nag-aalala ako.
Ayoko namang mag-isip ng kung ano, pero sa tuwing hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano.
Hinila ni Liz ang kumot ko "Gising na! Sige na!" Pamimilit niya
"Pumayag na mama mo" ani Janice "Pagbigyan mo na kami. Baka ito na 'yong huli nating pag hang out"
Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako tatantanan ng mga ito hanggang hindi nila ako napapapayag. Inirapan ko sila at tsaka bumangon.
"Fine!" I groaned "Maliligo lang ako"
Tutal wala namang dahilan para hindi ako lumabas ngayong gabi. Tutunganga na naman ako dito pag hindi ako sasama sa kanila. Hanggang ngayon talaga nabo bother ako sa hindi niya pagsagot sa mga tawag ko.
Tinawagan ko na 'yong iba naming kaibigan. Sabi nila hindi din daw nila alam kung nasaan si Dylan. Pag tinatawagan ko ulit sila, hindi na sila sumasagot. Nakakainis!
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na kami. Nandoon sa salas si mama. Nagpaalam kami sa kanya at sinabihan lang kaming mag-ingat.
Sumakay kami sa sasakyan nila Liz at pumunta sa bahay niya. Ganito kami dati. Kunwari mag-sleep over sa bahay ng isa sa kanila. Naka simpleng pantalon at t-shirt kaming aalis sa mga bahay namin, pero pag nasa bahay na kami ni Liz ay magpapalit kami ng dress.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at chineck kung may text sila o tawag, pero zero! As in wala talaga. Ano bang ginagawa ng mga 'yon at hindi sila nagpaparamdam?
Nang makarating kami sa bahay nila Liz ay agad kaming dumiretso sa kwarto niya. Binuksan niya ang kanyang closet at kumuha ng iba't ibang dress.
Pinili ko ang isang black of shoulder dress at black stilettos. Kinulot ko ang aking buhok at naglagay ng kunting make up.
Nang ready na ang lahat ay umalis na kami at sumakay sa sasakyan. Nagpahatid kami sa driver dahil wala pa naman sa amin ni isa ang may license.
Kinuha ko ang cellphone ko, isang beses pa. Pag hindi siya ulit nagreply, naku! Lagot siya sakin
Ako:
Lalabas ako. Kasama ko mga kaibigan ko.
Nang marating namin ang XL nightclub ay bumaba na kaming lahat sa sasakyan. Bago kami pumasok sa loob ay chineck ko ulit ang cellphone ko.
Bakit wala pa rin siyang reply?! Inis kong pinatay ang cellphone at binalik sa bag. Kung ayaw mo kong kausapin di huwag! Kainis!
Wala naman kaming pinag-awayan kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin. Noong huling nag-usap kami, ayos pa naman kami.
Inis kong sinundan sina Jenny. Gusto kong tanggalin ang pag-aalala ko sa kanya at i-enjoy ang gabing ito, pero hindi ko kaya. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko naririnig ang boses niya at hanggang hindi ko nalalaman kung okay siya.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...