Chapter 19

66.7K 865 43
                                    


Chapter 19

"Manong sandali!" Sigaw ko sa jeepney driver

Tumakbo na nga ako para lang mahabol yung jeep pero hindi ata ako narinig ni manong driver kaya hindi ko na naabutan pa. Naku! Pano ba to? Pag walang kasunod agad yung jeep na yun sigurado akong male late ako.

Naupo muna ako sa waiting shed. Umagang-umaga pinagpapawisan ako. Nasa tamang oras naman ako, pero bakit ang aga niya namang umalis? Isa pa, palagi na din naman akong nakikita nung driver na yun na sumasakay sa jeep niya pero ngayon lang niya ako hindi hinintay.

Biglang may bumusinang sasakyan kaya napalingon ako. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan. And there he is looking good like a King and walking gracefully towards me. Leche! Bakit ba ang hot niya sa mata ko. I mean ang hot niya pala? Bakit ang hot niya?

Ngiting-ngiti siya habang palapit sa akin. Para siyang naglalakad sa ilalim ng rainbow, everything is colorful and beautiful. Parang walang siyang problema na pati ang mundong ginagalawan niya ay perpekto. Kung sabagay, perpekto nga naman talaga ang mundo niya. Masaya silang magkakapamilya. Wala silang masyadong prinoproblema. Siguro ang mga negosyo lang nila ang inaalala nila.

"What?" Tumaas ang kilay ko

"Tss.. Umagang-umaga ang sungit mo" kumento niya

"Pake mo ba?"

Ayoko naman siyang tarayan kaso parang naiinis ako sa kanya, but in a good way. Ugh! Hindi ko na alam kung ano tong nararamdaman ko! Si Dylan lang talaga ang may kakayahang isalang ako sa iba't ibang klaseng emosyon.

"Bumalik na naman yung babaeng araw-araw may regla" bulong niya

"Ano?!" Kunot noo kong tanong sa kanya

"Wala sabi ko sumabay ka na sa akin" kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ito

"Ayoko nga. Naghihintay ako ng jeep" binawi ko ang kamay ko

"Ang tigas mo talaga!" humugot siya ng malalim na hininga "Mahihirapan ka lang. Baka nga ma late ka pa"

"May dadaan pa" siguradong sagot ko kahit na alam kong baka matagal pa bago may dumaan na jeep

"Sige" aniya at umupo sa tabi ko

"Ba't ka umupo? Alis na, baka ikaw pa yung malate" marahan ko siyang tinulak

"At least ako, may sasakyan. Eh ikaw? Mas maganda na yung sigurado para pag walang dumaan na jeep. Sa akin ka na lang sumabay."

"Bahala ka sa buhay mo" bulong ko

Lumayo ako ng kaunti sa kanya pero lumapit pa rin siya sa akin. My God! This guy is so persistent! He doesn't really know when to stop. Paano ako magkakaroon ng panahon para sa sarili ko kung palagi siyang nasa tabi ko? Paano ako makakapag move on kung palagi siyang nandiyan para pasayahin at damayan ako? Paano ako magiging dependent kung palagi siyang nandiyan para saluhin ako?

Ayoko siyang gawing rebound o panakip butas lang. He's a nice guy, at hindi ko kayang gawin iyon sa sa kanya o sa kahit na sinong lalaki. Alam ko na kung ano ang pakiramdam ng masaktan at ayokong gawin iyon sa kahit na kanino.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagising ako sa pag-iisip. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nakita kong number lang iyon. Tinitigan ko iyon saglit dahil parang pamilyar yung numero. Pilit kong iniisip kung kaninong number ito pero hindi ko talaga maalala kung sino ang nagmamay-ari ng number na ito.

"Hindi mo ba sasagutin?" Biglang tanong ni Dylan

"Hindi ko sinasagot pag number eh" kibit balikat ko "Mag-iiwan din yan ng voicemail o di kaya ay text"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon