Chapter 40Sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko. Ngayon hindi lang ako ang umiiyak pati na din ang ulap.
Isang lingo na ang nakakalipas simula noong umalis si Dylan, palagi ko siyang tinetext pero hindi naman siya sumasagot. Pati sa FaceTime audio, hindi niya din sinasagot. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Umuwi din si Thunder sa Cebu para doon mag Christmas at mag New year. Siya lang kasi 'yong pinagkukuhanan ko ng balita kay Dylan. Aniya'y nasa LA nga si Dylan. Tinatanong daw niya kung kailan siya babalik pero hindi naman daw siya sinasagot ni Dylan.
Kahit hindi niya sabihin kung kailan siya babalik. Ang importante malaman kong babalik pa rin siya dito. 'Yon lang ang kailangan ko sa ngayon. 'Yong may magsabi sa akin na babalik siya dito kasi handa akong hintayin siya kahit gano pa katagal.
I know it's stupid. Ngayong wala na siya doon ko lang na realize kung gaano siya ka importante sa akin. Na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Mas pinairal ko pa 'yong takot at issues ko kaysa sumubok ulit. I should've took all the chances I had when he was here. I should've fought for him, but I didn't because I was scared.
Sana pagbalik niya, mapatawad niya ako. Sana mahal pa rin niya ako. Kasi ako sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kahit gaano pa siya katagal mawala, siya pa rin ang pipiliin ko, siya pa rin ang mamahalin ko. Hindi na 'yon magbabago.
Kung alam ko lang na si Kara lang pala ang magpaparealize sa akin na mahal ko si Dylan. Edi sana kinausap ko siya noon pa. Siguro masaya kami ngayon. Siguro hindi kami parehong nasasaktan ngayon. Naghintay pa ako ng ibang tao para iparealize sa akin na dapat kahit minsan lang huwag kong isipin ang takot ko at hayaang maging masaya ako.
Natapos ang Christmas na wala pa rin siyang sagot sa mga text ko. Sinubukan ko din siyang ichat sa facebook pero ni seen niya lang 'yon. Hindi niya ako binati ng Merry Christmas. Kahit 'yon lang sana kontento na ako.
Mas lalo akong nasaktan noong may nakita akong picture na inupload niya. May kasama siyang babae. Maganda at mestiza, nakahalik siya sa pisngi ni Dylan. Mukha naman siyang masaya.
Napaisip ako kung bago kaya niyang girlfriend 'yon? Kung girlfriend niya 'yon, ang bilis naman niya akong kinalimutan.
Noong noche buena, pinipilit ko na lang na maging masaya para hindi nila mahalata na malungkot ako. Kahit na mahirap, nakikipagtawanan pa rin ako sa kanila. I have to mask my loneliness, dahil pag nakahalata sila at magtanong wala akong maisip na palusot kung bakit ako malungkot.
Kinuha ko ang laptop ko. Gusto ko siyang makita. Nag log in ako sa facebook at nakita kong online siya. Kahit na sini seen niya lang ako, china chat ko pa rin siya dahil hanggang ngayon, umaasa akong magrereply sya.
Ako:
Hi! How are you?
I miss you
When are you coming back?
As I expected, seen lang 'yon. Wala man lang kahit nung sign na nagta type siya. Napabuntong hininga na lang ako. Pinindot ko 'yong pangalan niya at napunta 'yon sa profile niya.
May bago siyang inupload na pictures. Palagi niyang kasama at kaakbay 'yong babaeng palaging nasa picture na ina upload niya. Pero parang medyo bata ang itsura nung babae. Hindi kaya baby face lang? Or baka naman kamag-anak nila?
I'll just look at the brighter side. Siguro kamag-anak nila. Close cousin niya kaya ganyan sila ka sweet. Iisipin ko na lang na mahal niya ako at hindi niya ako ipagpapalit ng ganoon kabilis.
Tama na tong lungkot na nararamdaman ko. I'll trust him and his love for me. He just need some time and I'll give him the time that he needs.
Mabilis na lumipas ang anim na araw at New Year na. Nag skype lang din si papa. Hindi siya nakauwi dahil bago pa lang daw siya sa trabaho niya kaya hindi siya pinayagan.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...