Chapter 25Nakatayo pa rin ako sa labas ng bahay na puno ng katanungan ang aking isipan. Ano ba talaga ang dating ugnayan ng pamilya namin sa mga Dela Fuente? Bruhang matandang yun! Kung ano-anong sinasabi tungkol sa pamilya ko.
Tumingala ako sa kulay na asul na ulap kasabay nun ang paghinga ko ng malalim. Pinakawalan ko ang galit na nararamdaman ko at mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Siguro may tamang oras din. Malalaman ko din kung ano yung totoo.
Dumiretso ako sa pintuan at pumasok na sa bahay. Tutal wala naman akong gagawin, huhugasan ko na lang yung mga pinagkainan namin ni Dylan. Habang naghuhugas ako ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa sobrang kakulitan niya kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na marunong siyang magluto.
Hindi kaya pinaglalaruan na naman ako ng panaginip ko? Baka nanaginip na naman ako gaya kanina? Binasa ko ang kamay ko at winisikan ng kaunti ang mukha ko para magising. Hindi pa ako nakuntento at tinampal tampal ko ang aking mga pisngi. Napangiti ako. Hindi ako nanaginip. Pumunta talaga siya dito para dalawin at ipagluto ako. Bigla akong nakaramdam ng init sa aking puso. Dati-dati ayoko ng ganito dahil nakakaumay, masyadong cheesy pero kay Dylan, sobra ko iyong naappreciate.
I know, I like him, but I cant fall for him. Ganito naman talaga yung nararamdaman ng isang tao pag nag eeffort yung taong gusto niya, hindi ba? Right. Hanggang doon lang yun. Nothing more, nothing less.
Nang matapos na akong maghugas ay umakyat na ako sa hagdanan. Balak ko sanang magbasa ng mga libro ko para kahit papaano ay hindi ako mahuli sa mga klase ko.
Pagkapasok ko sa hagdanan ay narinig ko ang pag ding ng cellphone ko. Pinulot ko yun mula sa bedside table ko at binuksan.
Dylan:
Thank you
Bigla ko na lang naramdaman ang pag-angat ng gilid ng aking labi. Gusto ko iyong pigilan ngunit hindi ko kayang kontrolin. Para akong kinakalaban ng sarili kong katawan.
Ako:
Hindi ba, ako dapat ang magsabi niyan? Kaya
Thank you :D
Ilang segundo lang ay nag reply na siya agad. Ang bilis naman!
Dylan:
You're welcome :D basta ikaw. Malakas ka sakin eh
Ako:
Sus! Ganyan ba palagi ang sinasabi mo sa mga babae mo?
Dylan:
Hindi. Dahil ikaw lang naman ang babae ko ;) ikaw lang. Wala ng iba
Tinakpan ko ang bibig ko. Gusto kong tumili dahil.. Dahil.. Dahil kinikilig ako?
Ako:
Bolero!
Dylan:
Hindi ako bolero. Gwapo lang. Nagustuhan mo ba yung niluto ko?
Natawa ako dahil sa sinabi niya
Ako:
Oo! Hindi ko ni expect na magaling ka pa lamg magluto
Dylan:
Magaling kaming magluto ni Greg, yung panganay na kapatid ko. Si Denisse lang naman ang hindi marunong, senyorita yun eh.
Ako:
Eh hindi din naman ako marunong ah. Pang breakfast lang kasi yung alam kong lutuin.
Dylan:
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...