Chapter 15

58.7K 888 126
                                    


Chapter 15

"Miss ikaw to, diba?" Tanong ng isang lalaki sabay pakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya

Nagulat ako ng makita ko ang isang picture na nagsasayaw ako sa isang club. Nakasuot ako ng hapit na off shoulder dress na ang haba ay  hanggang sa taas ng tuhod ko. Nakataas ang dalawang kamay ko habang nakahawak sa buhok ko. Nakapikit ako at nakasandal kay Jenny na isa sa mga kaibigan kong taga Manila. Ang alam ko ay noong last year pa ito.

Pero mas nagulat ako sa caption na nakalagay sa picture "I'M A STINKING FILTHY WHORE." Naramdaman ko ang init na gumapang sa buong mukha ko papunta sa tenga at batok ko. Who the hell did this?!

"Eto pa miss" aniya

Sa larawang ito ay kasama ko si CJ at Dylan ngunit nakatalikod sila mula sa camera. Mukha ko lang ang nakikita doon dahil nakaharap ako sa kanila. Nakangiti ako habang kausap silang dalawa. Kahapon lang ito ha? Kagaya doon sa isa ay may nakalagay din dito na "TEENAGE MOTHER. WAG GAYAHIN DAHIL HINDI NIYA ALAM KUNG SINO ANG AMA NG BATA"

Pasalamat yung taong gumawa nito dahil hindi kita ang mukha ng kapatid ko because I will send them to hell if they showed his face. Malaman ko lang kung sino ang may gawa nito God knows what I can do to them.

Sa sobrang galit ko ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Halo halo na ang ang emosyong nagraragasa sa damdamin ko. Pero mas nananaig ang galit. If they hate me so much why do they have to do this?! Bakit kailangan nila akong siraan at ipagkalat iyon sa social media?!

"Ana!" Tawag ng tatlo kong kaibigan habang tumatakbo sila palapit sa akin

"Oh my gosh, are you okay?!" Tanong ni Kara

"Nakita mo na ba? Don't worry! Mananagot ang sino mang gumawa nito!" Galit na sabi ni Angie

"Huwag mo ng pansinin iyon. Na report na namin 'to sa student affairs at dean" hinahaplos ni Enna ang likod ko

"Salamat" walang emosyong sagot ko

They want to hurt me? That's fine with me as long as they won't include anyone in this mess but me. This is too much. They've crossed the line by spreading this hideous rumor.

I took a deep breath to calm myself. None of it is true. Kaya wala akong dapat ika guilty. All I have to do is show those losers that I am not affected. I am not gonna give them the satisfaction to watch me cry because of what they did.

Ngumiti ako na parang wala lang iyon sa akin. Truth is I'm burning inside! My blood is boiling and hot rage is flowing through my veins. I want to lash out at everyone especially to the person who did this. But I need to keep my cool. Walang magagawang mabuti ang galit ko para masolve ang issue na ito.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko. Tinignan ko ang lahat ng mga tao sa paligid. Sige lang, pagpiyestahan niyo lang ako, diyan naman kayo magaling lahat eh. Ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Ang maniwala kung ano ang nasa internet.

"Sayang crush ko pa naman yan" rinig kong sabi ng isang lalaki

Wala akong pake! Mukha ka namang unggoy kaya hindi kita papatulan.

"Haayy! Kawawang Dylan. Ang dami kasing nagkakandarapang babae sa kanya. Diyan pa siya sa babaeng ganyan nagkagusto" maarteng sabi ng babae

I compose myself "Let's go?" Ngumiti ako sa kanila

I walked with my head up high. Why should I be ashamed? Why should I feel small when I know I am better than what is on the caption of those pictures? Kahit ilang beses ka pang pilit hilain pababa ng mga taong galit sayo, huwag na huwag kang papayag. You should pull back and stand up high.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon