Chapter 52Bumangon ako at umupo "Anong ginagawa mo dito?" Buong tapang kong tanong
Kahit na kinakabahan ako pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Mas lalong sumibol ang takot sa dibdib ko noong sinarado niya ang pintuan.
Nakapamulsa siya habang nakatayo. Diyos ko. Sana kung ano man ang iniisip niya huwag niyang gagawin. Tumawa siya, napalunok ako dahil doon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Umupo siya sa sahig at sumandal sa pintuan "I just want to talk" he slurred
Lasing ba siya? Doon ko lang napansin na may hawak pala siyang bote. Tumingin ako sa desk table kung nasaan ang gunting, just in case na may gawin siya sa akin. Shit! Nandoon din pala 'yong cellphone ko.
"Bago ako bumalik sa Manila, may gusto akong itanong sayo" uminom siya mula sa bote "Gusto ko lang malaman kung may pupuntahan pa ba ang mga ginagawa ko"
"Joaquin, ang daming beses ko ng sinabi sayo. Wala. Walang patutunguhan 'tong mga ginagawa mo. Coming here wasn't worth it." Saad ko "Mas maganda ang buhay mo sa Manila kaya bumalik ka na doon. Marami ka pang makikilalang ibang babae"
"Pero ikaw lang ang mahal ko" tumingin siya sa akin
"Open your eyes, Joaquin. Di natin mahal ang isa't isa. Our relationship were full of fun, excitement, and... I wasn't that mature when I had a relationship with you."
"So you're telling me you didn't love me, is that it?" Napayuko siya "Because I did, Ana. Minahal kita. Inaamin ko marami din akong pagkukulang sayo noon at niloko kita, pero minahal kita at hanggang ngayon mahal pa rin kita"
"Naging importante ka din sa akin" sagot ko
"Importante" mapait niyang saad "Mahal na mahal mo 'yong gagong 'yon? Ilang buwan pa lang kayong magkakilala? Nine? Ten? Limang taon na tayong magkakilala. Dalawang taon kitang niligawan at umabot ng isang taon ang relasyon natin."
Siguro nga ganoon na kami katagal magkakilala at siguro hindi pa kami matagal na magkakilala ni Dylan, pero hindi nasusukat ang depinisyon ng pagmamahal sa oras na nakasama mo ang isang tao.
Time doesn't measure the meaning of true love. It doesn't matter how long you've known the person. What's more important is the blooming feeling inside your chest when you're with him. Let's say you spent a long time being in a relationship with a person, but every minute were meaningless. Compare to a one month relationship, that made you feel like you're in heaven.
"I see the way you look at him, the way you smile. You were never like that when we were together. Was it really that bad? Kahit kailan hindi kita napasaya?" His voice broke
"Hindi naman. Napapasaya mo naman ako noon, pero hindi kagaya ni Dylan. Nagrerebelde lang talaga ako noon dahil masyado akong pinaghihigpitan ng mama ko. I wanted to escape from her grip. Nakita kita bilang tulong para magawa ang mga bagay na hindi ko nagagawa." Niyakap ko ang tuhod ko "You were my escape. You've once made me experienced how to be free and live a life to the fullest, pero hanggang doon lang 'yon Joaquin. Hanggang doon lang tayo, Joaquin. I can't offer anything-"
"But you can offer everything to him" matigas niyang pagputol sa akin "kasi mahal mo siya?"
"Mahal na mahal ko siya. He's my life" sagot ko
"Tangina! Ano bang mali sa akin?! At sa tagal nating magkakilala ni minsan hindi mo ako nagawang tignan ng gaya sa kanya. Hindi mo ako nagawang mahalin?!" Sinuntok niya ang sahig
Lumandas ang luha ko. Hindi lang pala ako ang nasaktan, pati din siya at hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya. Nasasaktan siya sa katotohanang hindi ko siya kayang mahalin.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...