Chapter 35

58.7K 857 68
                                    



Chapter 35

Happy New Year!

Kinabukasan maaga kaming pumunta sa school para tumulong na ihanda 'yong booth namin. Kumpleto na din ang mga kakailanganin gamit at ingredients. Patapos na ang mga lalaki sa paggawa ng booth namin, kami na lang ang maglalagay ng designs.

Dalawang booth per team ang kailangan na itayo para daw mas madami, tutal madami naman daw ang mga members bawat team. Wala na kaming maisip na ibang itayo noon kaya napagdesisyonan naming isang barbecuehan at yung napripritong street food na lang ang gagawin namin.

Para mas maganda, ginawa naming joint ang booth. Mas mahaba at mas malaki ang space. Pag ganoon kasi atleast maraming pwedeng pumasok sa loob at tumulong. Habang yung iba ay nasa labas at nagco convince na bumili sa booth namin.

Sa right side ay ang mga mapripritong klase ng street food gaya ng, empanada, kwek-kwek at iba pa. Sa left side naman ay ang mga iihawin. Samantalang sa gitna naman ay ang mga juice at sago't gulaman. Sa likod naman ay may nakasabit doon na malaking colored paper na may magandang lettering na LION'S STREET FOOD.

Naglagay din kami ng tali na pinagdugtong namin sa poste ng booth. Gumamit kami ng wooden clothespin at sinipit ang mga iba't ibang colored paper kung saan nakasulat doon ang mga ibebentang pagkain at ang presyo ng mga ito. May mga polaroid film din kaming sinabit sa mga poste at sa tali. Picture naming mga red team 'yon na kumakain ng iba't ibang klase ng street food.

Pagkatapos maikabit ang mga designs ay inayos na din namin ang mga kagamitang kakailanganin. Wala na kaming masyadong ginagawa kaya medyo nakakaramdam na 'ko ng inip. Yung mga may alam lang ng paggawa ng street food ang nasa loob ng booth at nagpre prepare.

"Pwedeng tumulong?" Tanong ko kay Leni

May-ari sila ng isang empanadahan sa plaza kaya magaling siyang gumawa nito. Tumango siya sa akin at ngumiti. Naawa din naman ako sa kanya kasi walang tumutulong, yung dalawang lalaki kasi na may-ari din ng emapandahan at nagvolunteer noon na gagawa ng empanada ay hindi pa dumadating.

"Paki shred na lang yung papaya" malambing ang boses niya

Kinuha ko yung shredder at nagsimulang ikaskas yung papaya. Madali lang naman pala 'to. Ang sabi niya pagkatapos ko daw i-shred yung papaya ay i-mix ko daw iyon sa monggo, luto na 'yon. Tumingin ako sa gawi ni Leni, busy pa rin siya sa paggawa ng dough na kulay orange. Pinagpatuloy ko na lang din ang ginagawa ko. Habang tumatagal pala ay nakakangalay 'to.

"Masarap ba yan?"

Napatalon ako ng marinig ko ang boses ni Dylan. Sumimangot ako. Halos tumalon din ang puso ko dahil sa biglaang pagsulpot niya sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. May mga butil ng pawis sa noo niya na gumagapang pababa sa mukha niya.

Kinuha ko yung panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang mukha niya. Siguro sila din ang gumagawa ng booth nila kaya siya pawisan ngayon. Hinuli niya ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya para halikan. Ang hilig-hilig talaga nitong halikan ang likod ng kamay ko. Napakasweet, mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko pag ganoon 'yong ginagawa niya.

"Patikim niyan mamaya" ngumiti siya

"Pwede mo naman tikman eh, basta magbayad ka lang" sagot ko

Humalakhak siya "Kung gusto mo, pakyawin ko lahat ng tinda niyo para hindi ka mahirapan magbenta." Inipit niya ang takas na buhok sa likod ng tainga ko

"Excuse me" nahihiyang sabi ni Leni "Ana, pwedeng paki knead naman nitong dough. Tumatawag kasi yung mama ko"

"Sige" tumango ako,

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon