Chapter 54

48.9K 753 169
                                    



Chapter 54

"Maya-maya lang po ay pwede na po namin kayong papasukin. Pakihanda po ang inyong mga requirements na kakailanganin" anunsyo ng guard

Agad namang binuksan ni mama ang kanyang bag at nilabas ang apat na brown envelope. Sa likod ng mga ito ay nakasulat ang mga pangalan namin. Iniabot niya sa amin ang mga iyon.

"Kumpleto na ang lahat ng mga nandiyan. 'Yong mga documents na may paper clip na green, 'yon ang ipapakita niyo sa guard" aniya

"Ma para saan po 'to?" Tanong ko "Anong pong ginagawa natin dito?"

"Magpapamedical" sagot niya "Next week na 'yong interview natin sa embassy"

"Pupunta na tayo sa America?" Parang nabuhayan ng dugo si Charles

"Oo" ngiti ni mama

Taliwas ang nararamdaman ko sa pagka excite nilang dalawa. Kung dati ay gustong-gusto ko na ding pumunta sa California, ngayon ay parang naglalaban ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya kagaya nila o dapat bang makaramdam ako ng lungkot? Ginagawa ba nila ito para malayo na ako ng tuluyan kay Dylan?

Kaya ba ako tinanong ni Charles kahapon kung pipiliin ko ba si Dylan kaysa sa kanila? Sana lang hindi humantong ang sitwasyon namin sa ganoon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawain ko, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko.

Kagaya ng sabi ni mama ay pinakita ko sa guwardiya ang mga documents na kailangan: three visa pictures, two photocopies of appointment confirmation interview from US embassy, photocopy of a letter from embassy that contains my case number, and my passport. Nilagyan niya ng stamp 'yong ilang documents.

Pagkatapos ay nakapasok na kami sa waiting area at binigyan kami ng Patient Data Sheet. Sa taas nito ay nakalagay ang St. Luke's Medical Center Extension Clinic.

Sinagutan ko ang mga alam ko at nang matapos ay pina check ko 'yon kay mama. Siya na din ang sumagot sa mga hindi ko nasagutan.

Pinakita namin 'yon sa guard at tsaka niya nilagyan ng stamp ang likod ng kamay namin. Inabutan niya din kami ng number. Pang 34 kami. Bumalik kami sa waiting area at naghintay na itawag ang number namin.

Ang lamig dito sa loob. Buti na lang ay nagdala ako ng jacket. 'Yong ibang nandito ay mukhang excited, samantalang ang iba ay parang kinakabahan.

Kinailangang gisingin si CJ dahil kailangan naming magpa picture. Nagsimula ng magtawag ng number 'yong guard. Ten numbers in a batch ang tinawag niya. Hanggang sa nasa thirties na ang numbers.

He instructed us to fall in line in front of the digital photo room. Inilabas ulit namin 'yong PDS, passport, at pictures namin. Binigay namin ang mga iyon sa kumukuha ng litrato. Tsaka niya kami pinicturan isa-isa.

Nang matapos 'yon ay pumunta kami sa releasing counter at pumila. When its our turn, the screener asked my mom a few questions about our medical history. Pagkatapos ay inistaple niya ang mga pictures namin sa kanya-kanyang PDS.

"You have to pay for your fees at the cashier's office which is located at fifth floor" ngiti niya sa amin

"Okay. Thank you" ani mama

Naglakad kami papunta sa elevator at pinindot ang fourth floor. May mga nakasabay din kaming papunta doon. Mabilis naming nahanap ang cashier dahil malapit lang 'yon sa elevator.

"The medical fee for fifteen years old and older is sixteen thousand forty-two and fifty cents. Eight years old and younger is eight thousand six hundred. So, your total is fifty two thousand, seven hundred seventy two and fifty cents." Saad ng cashier

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon