Chapter 30

57.5K 829 108
                                    



Chapter 30

Merry Christmas! 🎄 😊 💕

Tiningnan ko ng masama si April. Sigurado ako siya ang nagsumbong. Tumingin din siya sa akin ngunit ibinaba din niya iyon agad. You little bitch! Dapat pinapakain to ng sili eh. I don't really care about Joaquin and his threats. But what she did can cause chaos, mas lalo lang akong guguluhin ni Joaquin.

Pasimple pa siyang tumitingin sa gawi namin ni Dylan. Gusto niya pang makakuha ng information na gusto niyang ibalita kay Joaquin at sa ahas niyang kaibigan? I'll give her that. I could care less of what they think about me. Nandito na ang buhay ko. Aalis na din naman sila at wala akong dapat ipagpaliwanag sa kanila.

Hindi ko na pinansin yung mga nasa kabilang table at bumalik sa pagkain. Itinunga ni Dylan ang bote ng beer habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin. Napansin kong may barbeque sauce sa gilid ng kanyang pisngi at labi. Kumuha ako ng tissue at pinunasan iyon. Natigilan naman siya at tinignan ako. I smiled at him while wiping off the stain on his cheek.

"Ang gulo mo kumain" medyo diniinan ko ang pagpunas

Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya para mahalikan. Nakarinig kami ng ilang tukso galing sa mga kaibigan namin.

"Kainis kayong dalawa!" Pabirong maktol ni Kara "Papuntahin ko nga dito yong boyfriend ko para hindi lang kayo yung sweet"

"Nakakaumay! Mamaya na nga yang dessert niyo" pambabara ni Thunder

"Bat di mo din kasi subukan" Pinandilatan ko siya ng mata "May dumi din sa labi ni Angie oh! Punasan mo"

Nilingon at inabutan lang niya ng tissue si Angie "Hmm. Matanda ka na kaya mo ng punasan sarili mo" Suplado niyang sabi

Nalaglag ang panga ko dahil sa inasta niya. Wala man lang ba siyang kasweet sweet kahit kunti sa katawan niya? Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Nalukot ang maganda niyang mukha at tinignan ako ng masama. Inirapan ko lang siya. Ngunit biglang naagaw ang kanyang atensyon at siniko-siko niya ang katabi niyang si Axel.

"Nice rack" he whispered and nodded the direction at my back.

Tumingin silang dalawa doon habang hinuhuhbaran nila sa paningin nila kung sino man ang nasa bandang likod namin nila Dylan. Pati si Marvin ay nakisali na din. Pasimple akong lumingon at nakita ko ang apat na babaeng kumakain sa hindi kalayuang lamesa. Mukhang kasing edad lang namin sila ngunit hindi sila nakasuot ng uniform. Ang mga suot nila ay blouse na hapit at nakaluwa ang mga cleavage pati ang maiikling shorts nila at skirts ay hapit na hapit. 

I'm not against anything pero minsan dapat din magkaroon tayo ng self respect. Dahil ang pagrespeto nagsisimula yan sa sarili natin. Hindi nababastos ang isang tao dahil lang sa suot nila. May mga likas lang na tao na bastos na talaga, pero gaya ng sinasabi ko dapat respetuhin at alagaan natin ang sarili natin na itago yung mga dapat itago.

Narinig ko ang pagsitsit nila kay Dylan. Tumingin si Dy sa kanila at nginuso naman nung tatlo yung sa direction sa likuran namin.  Nang mahuli kong palingon na sana siya ay agad kong hinawakan ang kaliwang pisngi niya at iniharap sa akin.

"Sige" sinimangutan ko siya "Subukan mo. Aalis ako dito"

Kumunot ang noo niya. Ang mukha niya ay punong-puno ng pagtataka. "Why?"

"Ay tangina! Kaya ayoko muna magka girlfriend eh. Masyadong clingy mga babae" mapang-asar na sabi ni Thunder

"Kaya nga eh daming bawal" Axel groaned

"Kaya ako. Magbubuhay binata muna ako" Itinungga ni Marvin yung bote ng beer

"Tignan natin" taas kilay na sabi ni Kara "Mamaya mas malala pa kayo kay Dy"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon