Chapter 43

55.4K 912 163
                                    



Chapter 43

"Sama ka ha. Punta tayo sa Paraiso mamaya, doon tayo mag-iistay hanggang Monday." Ani Kara

"Busy ako" walang gana kong sagot

"Busy ka diyan!" Sabat naman ni Angie "Biyernes naman tsaka walang pasok sa lunes"

"Marami nga akong gagawin" niligpit ko ang libro at notebook ko sa bag

"Birthday ni Dylan sa Linggo" lumingon si Kara sa pwesto nila Dylan "Sumama ka na"

Shit! Sa 19 na pala ang birthday niya. Hindi pa ako nakakabili ng regalo. Kahit na naiinis ako sa kanya bibigyan ko pa rin siya ng gift. Di ko nga lang alam kung ano.

"Ipapadala ko na lang 'yong regalo ko" nilagay ko sa balikat ko ang aking bag "Hindi ako invited nakakahiya naman kung makikisabit lang ako"

It's so annoying that he personally asked Cathy to go to his birthday, samantalang ako hindi niya ako inimbita! Gustong-gusto ko silang pag-umpigin sa mga oras na 'yon. Hindi lang ako naasar sa mga panahong 'yon, sobra sobra akong nagseselos.

Alam na nga niya na nagseselos ako kay Cathy inimbita pa niya. Sige, magsama sila! Ayokong pumunta sa birthday niya na hindi naman ako inimbita ng may birthday! Bwisit! Hanggang ngayon asar na asar pa rin ako.

Umalis na ako at naglakad. Hindi na gaya ng dati na pwede lang akong sumama sa kanila. Teritoryo 'yon ni Dylan no. Baka pag nakita niya akong nandoon ipakaladkad pa niya ako sa mga guwardiya.

"Ana!" Tawag nila pero hindi ko sila pinansin

Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Mula ulo hanggang talampakan ang nararamadaman kong inis. Nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya, pero nakatitig lang siya sa akin noon at nakaawang pa ang labi! Ang sarap ipasok sa bunganga niya 'yong kutsarang hawak niya!

Sa pangalawang pagkakataon napahiya na naman ako kahit na dadalawa lang kami. Wala man lang siyang sinabi. Para akong baliw na umiiyak-iyak sa harapan niya tapos titigan lang niya ako.

"San ka pupunta?" Nasa tabi ko na pala si Thunder

"Uuwi na" mas binilisan ko ang paglalakad

"Teka" hinawakan niya ang braso ko "Hindi ka uuwi. Pupunta tayo sa Paraiso"

"Hindi mo ako kailangan ihatid" binawi ko ang braso ko "Kung gusto niyong pumunta, edi pumunta kayo."

"Sasama ka" pamimilit niya "Nakapagpaalam na sina Angie sa mama mo, pumayag siya. Naayos na din ni Enna 'yong mga damit mo"

Biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Lumabas si Marvin mula doon at hinawakan ang kamay ko. What the hell is happening?! Pati din si Thunder ay hinawakan ako sa balikat.

"Tulong!" Napasigaw ako. Paulit ulit akong sumisigaw pero nakatingin lang 'yong mga dumadaan sa amin.

Stupid people! Paano kung totoong kinikidnap na ako? Wala pa rin silang gagawin?

Pwersahan nila akong pinapasakay sa sasakyan. Pilit akong nanlalaban, pero anong laban ko sa dalawang 'to?! Halos hindi ko mabawi 'yong kamay ko na hawak ni Marvin. Pumasok siya sa likod habang hawak-hawak ang kamay ko. Noong sinubukan kong sipain si Thunder ay hinawakan niya agad ang paa ko at dahil doon mas madali nila akong naipasok sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay agad na pumasok si Thunder sa loob ng sasakyan.

Wala na. Nakulong na ako. Dalawa lang ang pintuan ng sasakyan ni Axel. Kailangan kong dumaan muna doon sa upuan ni Thunder bago ako makalabas dito.

"Kainis!" Hinampas ko si Marvin na nasa tabi ko.

"Traydor!" Hinampas ko din si Thunder "Akala ko ba magkaibigan na tayo?!"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon