Chapter 6Natapos ang lunch time namin na puno ng asaran at biruan ng mga boys. Nalaman ko din na si Jojo pala iyong binara ko kanina. I didn't recognize him because of his new haircut. Uso ata ang magpagupit bago ang pasukan. Bakit si Dylan at Marvin hindi man lang naisipan magpagupit?
Humingi din ako ng pasensya kay Jojo at nag sorry din siya sa akin. Samantalang yung tatlong clowns ay masama pa rin ang tingin nila sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nakipagtawanan na lang sa mga bago kong kaibigan.
Habang naglalakad ako sa may corridor papunta sa next class ko ay nakita ko yung tatlong clowns. Yung isa ay nakasandal sa pader samantalang yung dalawa naman ay nakasandal sa may railings at nakatanaw sa magandang tanawin.
Hindi ko sila pinansin at diretso lang akong naglakad. Bigla akong napaluhod sa sahig dahil may humarang sa paa ko. Narinig ko ang tawanan nung tatlong clowns. Alam kong tinisud ako nung babaeng nakasandal sa pader dahilan kung bakit ako nadapa.
Ang sakit ng kamay at tuhod ko dahil sa pagkakalanding ko sa magaspang na sahig. Agad akong tumayo at inayos ag palda kong medyo nagusot. Gagantihan ko sana sila nang biglang may magsalita.
"What's going on here?"
"Ah. Wala naman Denisse" malambing na sabi nung isang babae.
"Lucy, Bernia, Devon" isa-isa niyang tinignan yung mga tatlong clowns. "I saw what you did. Wag niyong gagawin yung mga ginagawa niyo noong high school tayo because I won't think twice na ireport kayo. We're in college already, you three should grow up and stop fooling around." Seryosong sabi nung babae
"Okay!" Plastik na ngumiti yung Lucy at sila tsaka nag walk out
"Are you okay?" Tanong nung mestizang babae
Sa sobrang ganda niya ay pwede mong mapagkamalang siya si Aphrodite. Her features were almost foreign. Her eyes are the softest brown, she has a natural long and thick lashes. Matangos ang ilong, and she has red full lips. She has a long honey brown hair.
Tumango ako at ngumiti ng tipid "Yeah. Thanks"
"I'm Denisse" aniya sabay lahad ng kamay niya
"Ana" ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya
Sumulyap ako sa wrist watch ko. Malapit na mag start yung class ko "Sige. Mauna na ako"
"Sige" tumango siya
Sumulyap ulit ako sa wrist watch ko. Shit! 3 minutes na lang. Ayaw na ayaw ko pa namang nale late. Nakakaagaw kaya ng attention yung ang tahimik nilang lahat tapos bigla ka na lang papasok.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang panghuli kong subject sa araw na ito. I sighed in relief when I entered the room. Salamat naman at wala pa yung professor namin. Ang kaso wala na namang upuan. Luminga-linga ako para makahanap ng silya. Napangiti ako nang may nakita akong libreng upuan sa may gitna ng row. Ngunit napawi din iyon nang makita kong nakaupo si Dylan sa tabi ng upuan na iyon.
Bakit kaklase ko na naman siya?! Tumingin ulit ako sa paligid at may nakita akong upuan sa may likod. Naglakad ako papunta doon. Akma na sana akong uupo ng biglang magsalita iyong babaeng ngumunguya ng bubble gum.
"May nakaupo na dyan. Nag cr lang" aniya
Then I don't have a choice but to sit next to Dylan. Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit sa kanya.
"Is this seat taken?" Tanong ko kay Dylan
"Nope. So am I" he grinned
Umirap lang ako at nilapag sa table ang bag ko tsaka umupo. Two students per table ang style ng classroom na ito. Rectangular ang table na may dalawang monobloc chair.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...