Chapter 14I blinked a couple of times. Wow! Apol really did a great job! Kung dati ay gwapo siya paano naman ngayon? He looked like he was hand carved by the Greek God.
The long hair is gone and his new clean haircut made him 100 times better. For sure dadami na naman ang magkakandarapa sa kanya.
"Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman masyadong ipahalata" ngumisi siya
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "May sinabi ba ako?"
"That's the point. Hindi ka nakapagsalita, ibig sabihin nagu gwapuhan ka sa akin" confident niyang sabi
"Wow grabe! Ang hangin!" Umirap ako "Magbayad ka na nga lang"
Kinuha niya ang kanyang wallet mula sa bulsa at tsaka inabot sa akin ang card niya. Ikinaskas ko iyon at binigay sa kanya ang resibo at card.
Naglagay din siya ng tatlong one thousand bill sa tip jar. Lumaki ang mata ko dahil sa laki ng tip na binigay niya. Three thousand is too much! Yung iba nga twenty pesos ang binibigay. Ang pinakamalaking tip na nilalagay sa jar ay 100.
Dinukot ko yung tatlong libo at ibinalik sa kanya. Sobra sobra ito. Kung parte pa rin ito ng panliligaw niya ay nakakainsulto na. Okay pa sana kung date eh, pero yung magbibigay siya ng pera? Para na rin niya akong binabayaran. Para na rin siyang nagbabayad sa panliligaw sa akin.
"We can't accept this!" Inilagay ko ang pera sa kamay niya
"But that's my tip" pakikipagtalo niya
"Three thousand? Ang laki naman ng tip mo. 20 pesos is enough" pilit kong tinutulak ang kamay niyang papalapit na naman sa jar
Huminga siya ng malalim at tinignan ako "I liked the service of your salon. This is my way of saying thank you for everyone's good service"
"You can just say thank you or give 20 or 100 pesos. Dylan, you have to understand that that is a big amount for a tip!"
"Wala akong ibang cash" pinakita niya sa akin ang loob ng kanyang wallet na puro one thousand bill ang laman "Ito lang ang meron ako"
"Then, just smile and say thank you. That's it! Doon lang alam na namin na nagustuhan mo ang service namin."
"But-"
"Pag pinagpilitan mo pa, hinding-hindi na kita kailanman papansinin!" Pagbabanta ko
"Pero-"
"Hindi ka na pwedeng manligaw"
Shit! Where did that come from? I need to take it back! Baka mas lalo siyang umasa! Baka mas lalo niyang isipin na pwede nga siyang manligaw! Sa dinami dami kasi ng pwede kong sabihin bakit iyon pa?!
Kagaya ko ay nabigla din siya sa sinabi ko kaya agad niyang itinago ang pera niya. Lumaki ang ngiti niya at mas lalo pang kumislap ang nakaka hypnotize niyang mga mata.
"So, pwede na akong manligaw. Why don't I start today?" He smiled "Let's have lunch?"
"Kailangan kong magbantay dito sa salon" I said without hesitation
"Ako na ang bahala dito" ngumiti si Apol at pumasok sa desk
Isa si Apol sa mga senior hairdresser namin dito sa salon at pinagkakatiwalaan din nila mama. Pero hindi ako basta basta pwedeng umalis dito. Pag nalaman ito ni mama, patay ako.
"Walang magbabantay kay CJ" pagpapalusot ko
"Pwede naman natin siyang isama. Okay lang sa akin" nakipag high five pa siya kay CJ na nakaupo sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...