Chapter 17"Sino ang napili mong trabahador para sa kilos?" Tanong ng seksing host sa celebrity player nila sa araw na ito.
Kailangang hulaan nung celebrity player kung sino sa apat na trabahador ang totoong nagbebenta ng hot cake. Ang hula ko ay yung number four dahil malinis ang pagkakagawa niya ng hot cake.
Napagdesisyonan ko na manood na lang kaysa humiga sa kama ni Dylan. Tutal naka on na lang din naman yung tv niya kaya nanood na lang ako.
Sana hindi maging awkward mamaya. Kung bakit kasi naisipan niyang kilitiin ako. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung mukha niya sa leeg ko. Pati yung mainit niyang hininga na humahaplos sa balat ko ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Biglang tumaas lahat ng buhok sa katawan ko. Damn you! Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?
Narinig kong bumukas ang banyo ngunit pinilit kong huwag lumingon. Alam kong nakatapis lang siya at basa pa ang katawan niyang matipuno. Ganoon na ganoon yung mga napapanood kong eksena sa teleserye.
"Let's go" aniya habang nagpupunas ng buhok
May suot na siyang tattered jeans at simpleng white t-shirt. Sa isang kamay niya ay hawak niya ang uniporme ko. Nakalimutan ko pa lang ilabas yun kanina. Pinatay ko na ang tv at lumapit sa kanya. Ganito na lang kami papasok sa school?
"Nagugutom ako. Anong gusto mong kainin?" Sumulyap siya saglit sa salamin at inayos ang buhok
"Hmm.. Kahit ano" nag-iwas ako ng tingin
"Okay. Let's go?" Kinuha niya ang kamay ko
Nang makababa kami ay may nakasalubong kaming nakaunipormeng dalaga. Bumaba ang mata niya sa magkahawak naming kamay at bahagyang lumaki ang kanyang mga mata.
"M-maglilinis lang po ako sa taas, Sir Dylan" namumula ang kanyang mga pisngi
"Okay.. Pakilabhan ang mga ito" ibinigay niya ang mga damit at sapatos ko.
Humigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko dahil pilit ko itong binabawi. Baka isipin ng katulong nila na may relasyon kami at may ginawa kaming kababalaghan sa kwarto ni Dylan.
"Sino palang tao sa kusina?" Tanong ni Dylan sa papaalis na sanang katulong
"Si manang Cita at si manang Dory lang po"
Kumunot ang noo ko dahil hindi siya makatingin ng diretso kay Dylan. Mas lalo pang pumula ang pisngi niya. Right, sino nga ba ang makakatakas sa makamandag na kagwapuhan ni Dylan?
May nadaanan muna kaming isang malaking lamesa na may maraming upuan bago kami pumasok sa kusina. Nadatnan namin ang dalawang matanda na nagkwekwentuhan. Pareho silang nakasuot ng apron habang naglilinis sa kusina.
"Naku! Ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon!" anang isang medyo matabang matanda
Tumikhim si Dylan kaya naagaw niya ang atensyon ng dalawang matanda. Lumipad ang mga mata nila sa kamay naming magkasiklop.
"Oh, hijo. Nandito ka na pala? Hindi ka ba pumasok ngayon?" Nagtatakang tanong nung matandang medyo payat at kumukupas na ang kulay ng buhok.
Ganoon na ba kalaki tong bahay nila na hindi nila napapansin kung nandito ba ang isa sa mga amo nila o wala? Sabagay, kung ganito nga talaga kalaki ang bahay namin baka hindi na kami magkita kita.
"Si Ana nga po pala" pakilala sa akin ni Dylan "Ana, si Manang Cita at Manang Dory"
Si manang Cita ay nasa mid 60s na siguro, medyo payat siya at matangkad. Kumukupas na ang kulay brown niyang buhok. Samantalang si manang Dory ay medyo mataba at hindi katangkaran. Itim ang kulay ng buhok niya, siguro ay nagpakulay ito. Tansya ko ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni manang Cita.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...