Chapter 24

65.5K 860 81
                                    


Chapter 24

Tinampal tampal ko pa ang pisngi ko dahil sa panaginip ko. Bakit ganoon? Ang pangit ng panaginip ko! Gusto ko iyong kalimutan ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon buburahin sa memorya ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon para matignan kung sino ang nagtext.

May 69 missed calls galing kay Dylan at may mga message din galing sa kanya at kina Angie. Binuksan ko ang mga message para mabasa ang mga iyon.

Dylan:

Bakit wala ka?

May sakit ka daw sabi ni Angie

Bibisitahin kita mamaya

Nabitawan ko pa ang cellphone ko dahil bigla iyong tumunog. Sinilip ko iyon at ang pangalan ni Dylan ang nakadisplay sa screen. Gamit ang nanginginig kong kamay ay sinagot ko iyon.

"H-hello?" Nauutal kong bati sa kanya

"Nasan ka?" Tanong niya

Narinig ko ang pagbuhay ng makina ng sasakyan. Aalis siya sa school?

"Nasa bahay. Bakit?"

"Huwag kang aalis diyan. Pupuntahan kita" sagot niya

"Huh? Bakit? Huwag na!" Diretso kong sabi

"Hindi ako mapapakali hanggat hindi ako siguradong okay ka" narinig ko ang pag-aalala sa boses niya

"Okay na ako. Promise"

Ayokong pumunta siya dito dahil... Paano kung magkatotoo yung panaginip ko? O baka biglang dumating sina mama. Baka may makakita sa kanyang ibang tao at kung ano pa ang isipin nila. Malisyosa pa naman ang mga ibang tao.

"Hindi" matigas niyang sabi "Sa ayaw at sa gusto mo, pupuntahan kita sa bahay niyo"

"Sa-"

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hinawakan ng mahigpit ang kumot ko. Damn you, Dylan! Hindi man lang niya ako pinatapos binabaan na lang niya agad ako ng cellphone para hindi na ako makalaban.

Sa huling pagkakataon ay humugot ako ng malalim na hininga at bumangon na. Kinuha ko ang aking tuwalya na nakasabit sa towel bar sa dingding ng kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower.

Pawisan na din kasi ako. Nakakahiya naman kung humarap ako kay Dylan na magulo ang buhok at mabaho.

Habang nagsha shampoo ako ay naalala ko na naman yung panaginip ko. Shit! Ayoko na. Ayoko talagang maalala yun. Paano ko ba iyon makakalimutan?

Nang nagawa ko na lahat ng ginagawa ko sa tuwing naliligo ay nagbanlaw na ako. Kinuha ko ang aking tuwalya at ibinalot iyon sa katawan ko.

Nang makarating ako sa kwarto ay nag-ayos na ako at nagbihis. Nagding ang cellphone ko at kinuha ko iyon para matignan kung sino ang nagtext.

Dylan:

Bat di mo sinasagot ang tawag ko?

Ako:

Naliligo ako

Lumapit ako sa salamin at tinignan kung ayos na ba ang itsura ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa hagdanan.

"Hi!"

Napatalon ako sa boses ni Dylan. Nakaupo siya sa couch na parang sarili niyang pamamahay ito.

"Paano ka nakapasok?" Gulat na tanong ko sa kanya

"Next time, make sure all the doors are locked. Paano kung masamang tao yung nakapasok dito? Edi napahamak ka pa" Masungit niyang sabi

Napakunot ako ng noo. Anong problema niya at ang sungit naman niya ngayon? Tsaka kasalanan ko ba kung hindi naka lock yung pintuan? Wala naman sigurong magtatangkang manloob. Mukha namang mababait ang mga tao dito.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon