Chapter 22

56K 880 60
                                    


Chapter 22

"Ana!" Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Denisse sa aking braso

"Dy, hihiramin ko muna si Ana. Saglit lang" ngumisi si Denisse

Hinila na lang niya ako bigla kahit na hindi pa ako sumasagot.

Pumasok kami sa pool house kung saan kami natulog ni Dylan noon. A wave of nostalgia swept over me. Dumiretso kami sa isa sa mga kwarto. Nandoon sina Angie, Kara, at Enna.

"Isuot mo to" iniabot ni Angie sa akin ang isang itim na two piece

"Huh? Bakit ko naman susuotin yan?" Tanong ko.

"Duh?! Syempre magswi swimming tayo. Alangan namang yang uniform mo ang susuotin mo?" Singit ni Kara

"Tinatamad akong mag swimming" Of course gusto kong mag swimming, lalo na't ang init ng panahon.

Ayoko lang mag swimming dahil andiyan si Denisse. She's nice, but I can't be with her in one place without feeling insecure. Parang napaka perfect niya... Perfect girl para kay Dylan.

"Please, Ana. Ngayon lang kita makakasama eh. Gusto sana kitang mas makilala pa, please" pagmamakaawa ni Denisse

I don't really know what's with this girl. Naiinis ako sa kanya pero magaan din ang loob ko sa kanya. Maybe I'm overthinking.. Tatanungin ko na lang siya o kaya si Dylan mamaya, tatanungin ko sila kung magkaano-ano sila para mawala na tong kung ano man itong inis na nararamdaman ko.

"Okay" tipid akong ngumiti sa kanya.

"Yay! Thank you!" Maligaya niyang sagot at niyakap ako

Humiwalay ako sa yakap at dumiretso sa banyo. Tinanggal ko isa isa ang mga damit ko pati ang underwear ko, pagkatapos ay isnuot ko ang itim na two piece. Nang masigurado kong ayos na ang suot kong bikini ay lumabas na ako.

"Oh my gosh!" Sigaw ni Kara

Napatingin sina Denisse, Angie, at Enna sa akin dahil sa sigaw ni Kara. Unti-unting lumaki ang mga ngisi nila.

"Ang sexy mo!" Compliment ni Denisse "Bagay sayo yang two piece"

Naramdaman ko ang init na gumapang sa aking pisngi. Siya pa talaga yung nagsabing sexy ako.

"Agree!" Ani Enna

"Ana, dito mo na ilagay yang uniform mo" iniabot sa akin ni Denisse ang isang puting paperbag

Kinuha ko iyon at inilagay ang uniform ko doon.

"Tapos ito yung mga pamalit mo pagkatapos nating mag swimming" may ibinigay siya sa aking pants, tshirt, at undies.

"Thanks" ngumiti ako sa kanya.

"Tara na?" Excited na sabi ni Angie "Maglalaway na naman si Dylan niyan!"

Umirap lang ako sa kanya. Talagang pinagtutulungan nila ako. At isa pa ang lakas naman ng loob niyang sabihin iyon lalo na ngayon na kasama namin si Denisse. Hindi ba nila alam na may something sila ni Dylan? Ako lang ba yung nakakita?

Sabay sabay kaming lumabas mula sa pool house. Nag iihaw pa rin yung mga lalaki at ang mga girlfriend nung ibang boys ay nasa swimming pool.

Naglakad kami patungo sa gilid ng swimming pool. I saw the boys' heads slowly turned toward our direction. Hindi mapagkakaila ang pamimilog ng kanilang mga mata. Except for Dylan who recovered quickly. Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi. He slowly and seductively bit his lip.

Inirapan ko lang siya. Umupo ako sa gilid ng swimming pool at isinawsaw ang aking mga paa. Maya-maya ay may umupo sa tabi ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Dylan na may suot na shades, wala siyang suot pang-itaas at naka trunks na lang.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon