Chapter 53

49.7K 742 133
                                    



Chapter 53

"Ana, ready?" Tanong ni mama habang nag-aayos ako ng gamit

"Opo" tumango ako at sinarado ang maleta

"Good. Nagka period ka na ba this month?" Tanong niya

Nagulat ako sa tanong niya, pero hindi ako nagpahalata "Noong eleven po"

"Mabuti kung ganoon" aniya "Sige na, kung tapos ka na. Bumaba ka na"

"Ano pong gagawin natin sa Manila? Bakit ang tagal po nating magi stay doon?" Ano bang importanteng gagawin namin sa Manila at kailangan hanggang two weeks kami doon?

"Basta. Malalaman mo din pag dating natin doon" pagkatapos ay umalis na siya

Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pag-empake ng mga iba pang kailangan ko. Dinala ko din ang mga gamit ko sa school. Magse self study na lang ako. Mahirap bumalik ng walang alam.

"Sa likod ako" sigaw ko at tumakbo papasok sa loob ng sasakyan namin.

Nagtulakan kami ni Charles, pero hindi ako nagpatalo buong lakas ko siyang hinila at tsaka ako humiga sa pinakalikod na upuan.

"Tumigil kayong dalawa diyan!" Awat ni Mama

"Si Charles kasi eh. Sabi na ngang dito ako sa likod nakikiaagaw pa" sumbong ko

"Aning-aning!" Asik niya tsaka ako sinuntok ng mahina sa braso

Sinipa ko nga sa pwet. Pagkatapos ay hinampas ako sa hita. Si CJ naman ay umupo lang sa pinakagitnang upuan. Wala siyang reklamo. Buti nga at bata pa siya. Paano na lang kung magkakasunod kami ng edad, edi tatlo na kaming mag-aagawan dito sa likod.

Binaba nila 'yong sandalan ng upuan nila para makahiga sila. Nilabas ko ang aking iPad at nilagay sa holder na nakasabit sa headrest ng upuan nila Charles.

Pinindot ko ang FaceTime at tinawagan si Dylan. Sinuot ko ang earpods para walang makarinig sa pag-uusapan namin. Humiga ako at nagkumot. Hindi nagtagal ay sinagot na din niya ang tawag ko.

Nakahiga siya at walang suot na t-shirt. Nag-adjust siya saglit pagkatapos ay ngumiti sa akin.

"Hello" bati niya

Kinuha ko 'yong mic at tinapat sa labi ko "Hello" mahina kong bati

"San na kayo?"

"Kakaalis lang namin sa bahay" sagot ko

"Bakit daw kailangan niyong pumunta sa Manila?" Tanong niya ulit

Nagkibit balikat ako "Di ko din alam. May pa suspense pang nalalaman mama ko eh. Arte-arte. Di na lang sabihin para matapos na. Malalaman din naman namin. Pinapatagal pa" umirap ako

Natawa siya "Malay mo, may surprise talaga siya"

"Siguro" tamad kong sagot

"Baka susunduin niyo papa mo" aniya

"Hmm... I don't think so. Pwede naman na sa Laoag International Airport na lang namin siya sunduin, bakit sa Manila pa? Tsaka kung susunduin namin siya, bakit kailangan naming umabsent ng dalawang linggo, ang tagal nun." Saad ko

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon