Chapter 23

62.6K 929 193
                                    


Chapter 23

Kanina pa ako ikot ng ikot sa kama ko ngunit hindi talaga ako makatulog. Nawala na din ang lasing ko dahil sa halik ni Dylan.

Hindi ako dapat nakakaramdam ng saya dahil doon. Dapat nga ay magalit pa ako dahil basta basta na lang niya akong hinalikan. Pero hindi ko din naman kasi siya tinulak. Kasalanan ko din siguro dahil sa ginawa kong pang-aakit kanina sa kanya. Pero wala ako sa katinuan kanina!

Paano na lang bukas? May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Hindi pa nga niya ako girlfriend nahalikan na niya ako.

Hinampas ko ang alarm clock  na nasa bedside table ko. Ugh! Ilang oras lang ang tulog ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil pilit na bumabalik sa isipan ko ang paghalik sa akin ni Dylan.

Pakiramdam ko ay ayokong pumasok sa araw na ito. Ano kaya ang iniisip niya sa mga oras na to? Nakatulog kaya siya ng maayos kagabi o iniisip din niya yung nangyari? Kung bakit kasi hindi niya napigilan ang sarili niyang halikan ako. Bakit din kasi hindi ko siya nagawang itulak.

Kasi gusto mo din. Sabi ng kabilang utak ko

"Aning-aning! Gising na daw sabi ni mama!" Rinig kong hinampas ni Charles ang pintuan ng kwarto ko

Tinawag na naman niya ako sa pangit kong palayaw. Kainis umagang-umaga nabwi bwisit ako. Hindi lang kay Charles kundi pati sa sarili ko. Magkunwari kaya ako na masama ang pakiramdam ko para hindi ako pumasok sa araw na ito?

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman kung sino yun dahil alam na alam ko sa mga yabag niyang mabigat. Naramdam ko ang bahagyang pagyugyog ng kama ko dahil tumabi siya sa akin.

"Problema mo?" Tanong ko habang nakatulala sa kisame

"Wala. Bakit di ka bumabangon?" Tanong niya pabalik

"Masama ang pakiramdam ko eh. Baka di ako papasok" pagdadahilan ko

Dinama niya ang aking noo at leeg gamit ang likod ng kamay niya. Humiga ulit siya ng maayos.

"Hindi naman, ah?" Nagkasalubong ang kanyang mga kilay "May iniiwasan ka siguro ano?"

"Wala ah!" Agad kong sagot

"Lokohin mo lelang mo. Guilty ka eh" pag-aakusa niya

Biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kami ni Charles mula doon at nakita namin si mama. Basa ang kanyang buhok at bihis na bihis. Siguro ay may pupuntahan na naman silang event.

"Ano hindi pa kayo babangon? Male late na kayo niyan" nakapamewang siya habang dinudungaw kami

"Hindi po ako papasok ngayon, ma. Masama po ang pakiramdam ko" sagot ko

"Sus" bulong ni Charles at bumangon na "Maliligo na po ako"

"Bakit anong masakit sayo?"

Umupo si mama sa gilid ng aking kama at dinama ang aking noo at leeg gamit ang likod ng kanyang kamay.

"Hindi ka naman mainit" aniya

"Hindi ko po alam, basta masama po talaga ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko

Umaasa na lang ako na sana ay hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. Pero medyo totoo naman yung sinabi ko, medyo masama talaga ang pikaramdam ko. Isa pa ay ayoko talagang pumasok. Hindi ko alam kung kaya kong harapin si Dylan pagkatapos ng mga kalokohan ko kagabi at yung paghalik niya sa akin.

"Hmm. Siya sige. Dito ka na lang sa bahay. Magpahinga ka at magpalakas. Mahirap humabol sa klase pag marami masyadong absent."

"Okay po" sagot ko

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon