Chapter 42

50.3K 881 205
                                    



Chapter 42

Alas dos na ng madaling araw, hindi pa rin ako makatulog. I've been restless for days! Even though how much I tried to forget the stupidity that I did two weeks ago, I can't forget it! As if my brain were laughing wickedly at me, and telling me that we're not going to sleep and just keep thinking about that fucking scenario.

Dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, hindi ko na naisip na may mga tao pala sa paligid namin. Hindi ko naisip na baka may makakitang professor o staff ng university. All I wanted was a hug, but I ended up kissing him instead.

Ang tanga ko! That was a wrong move! Nagalit siya tuloy sa akin. Inaamin ko naman na mali talaga ako. Pero sobra akong napahiya noong tinulak niya ako na parang ayaw niya, na hindi siya sang-ayon doon sa ginawa ko.

Sobra akong napahiya dahil para akong isang desperadang babae na humahalik na lang sa kanya. Nakakahiya kasi ako 'yong babae, ako pa 'yong humalik. Halos lahat ng mga estudyante ay kami ang pinag-uusapan nila ng tatlong araw. Buti nga nakalimutan na nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng naghahalikan? How pathetic! At least hanggang doon lang, buti sana kung nagmake out kami sa gitna ng maraming tao, eh kiss lang naman 'yon eh. Mabilis na kiss.

Pero kahit na nakakahiya pa rin! Umikot ako at ibinaon ang mukha ko sa unan. Ayoko na! Gusto ko ng matulog. Pagod na pagod na ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Imbes na wala na akong makita, bumabalik  pa rin 'yong imahe na nakatayo lang kaming dalawa sa gitna ng maraming estudyante. 'Yong mata niyang madilim at malalim. Kunot na kunot pa ang kanyang noo. Gusto ko na noon na lamunin na ako ng lupa, ng sahig pala, ng simento, basta! Kung ano 'yong tinatayuan ko noon gusto ko ng magpalamon.

Mas lalo pa akong nanghina noong tinalikuran niya ako. Ako naman, wala akong nagawa. Gulat na gulat ako, eh. Hindi din ako makapaniwala sa nagawa ko.

Nakatungo akong naglakad papunta sa mga kaibigan ko. Pati din sila nagulat sa ginawa ko. Agad din naman silang nakarecover at hindi na nila 'yon pinag-usapan.

"Bigla mo ba naman kasing tinuka, edi nagulat" tumawa si Thunder

Mas lalong namula ang mukha ko. My God! Kahit na kaming dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan ay hiyang-hiya ako. Hindi ko pa siya matignan ng diretso.

Kaya sa sumunod na araw ay hindi ko siya kayang pansinin. Hinyaan ko na muna. Ang awkward kasi. Hindi ko din alam kung paano siya iaapproach. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Classmate ko din siya sa mga klase ko kinabukasan. Pati din 'yong pesteng si Cathy na dikit ng dikit kay Dylan. Sila din ang magkatabi sa upuan.

Kilala na ni Dylan si Joaquin at alam naman siguro niya na boyfriend siya ni Cathy, kaya bakit okay lang sa kanya na dumidikit si Cathy sa kanya? Bakit okay lang sa kanya na nakikisali sa grupo namin sina Joaquin at Cathy?

Sa lumipas na dalawang linggong 'yon ay hindi ko na siya ulit nakausap. Hindi niya kasi ako pinapansin, ni lingunin o tignan lamang ay hindi niya ginagawa kahit na magkaharap kami hindi niya ako binabalingan ng tingin.

Mas lalo akong nasasaktan kasi hindi ako sanay na ganoon siya kalamig sa akin. Akala ko isang araw o dalawa lang ang ibibigay sa kanya pero nagtuloy-tuoly na ang hindi namin ulit pag-uusap.

'Yong makita siyang nakikipagtawanan sa iba, pero pag dating sa akin ang cold niya. Mas lalo pa akong naiinis dahil pumapapel naman 'tong si Cathy.

Pag wala si Joaquin sa tabi niya akala mo kung sinong nakawala sa hawla niya. Lingkis ng lingkis kay Dylan. Isa din 'tong si Dylan. Hinahayaan niyang landiin siya ng maCathy na 'yon.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon