Chapter 45Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinusot ko ang aking mata. Umaga na pala. Parang kanina lang madaling araw palang.
Nasa likod ko si Dylan. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang natatakot siyang takasan ko siya. Dahan-dahan ako umikot para harapin siya.
Boyfriend ko na siya. Napangiti ako. Walang paglagyan ang nararamdaman kong saya ngayon. Last night was amazing. Hanggang ngayon pagod na pagod pa rin ako. Pati din yata siya ay napagod. Ang himbing nga ng tulog niya.
Hinaplos ko ang pisngi niya. My Dylan. Ang gwapo niya. Pinakapaborito ko 'yong labi niyang eksakto lang ang thickness nito. His lips know how to pleasure me. Gumapang ang init sa pisngi ko nang maalala ko 'yong nangyari kagabi.
Naramdaman kong naiihi ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko at tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Nilagay ko 'yong unan sa tabi niya para hindi niya mapansin na wala ako sa tabi niya. Ayokong maistorbo ang tulog niya.
Damn! Hindi ako masyadong makagalaw. I'm so sore. Ang sakit ng legs ko, lalo na 'yong sa pagitan nito.
Muntikan akong ma out of balance nang sinubukan kong tumayo. Kada galaw ko ay nakakaramdam ako ng hapdi at kirot.
Parang tumigas 'yong muscles ko sa legs ko kaya hindi ako masyadong makakilos. Kahit na masakit pinilit ko pa ring maglakad.
Inabot ko 'yong robe na nakasabit doon sa coat rack at sinuot 'yon. Hot shower or hot bath lang siguro katapat nito.
Nang matapos akong gumamit ng banyo ay pinulot ko ang dress at bra ko. Sinuot ko ang mga 'yon. Hindi ko alam kung nasaan 'yong panties ko. Kanina ko pa 'yon hinahanap pero wala.
Naalala ko na nasira na pala 'yon dahil pinunit ni Dylan, pero kailangan ko pa ring mahanap 'yon kahit na sira na. I'm sure pumupunta dito 'yong mga kaibigan niya at mga chambermaid na maglilinis dito. Baka sila pa makakita nun pag nagkataon.
Sumuko na ko sa paghahanap dahil talagang ang hapdi ng legs ko. Sobrang sakit pag gumagalaw ako.
Pinulot ko din ang cellphone ko at susi ng kubo namin na nasa sahig. Shit! Sina Angie! Binuksan ko 'yong cellphone ko. Ang dami nilang missed calls at text. Sigurado akong nag-aalala ang mga 'yon.
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama at hinalikan ang pisngi ni Dylan. Inayos ko ang kumot na nakatakip hanggang sa bewang niya. Gusto ko pang manatili dito at humiga habang yakap-yakap siya, pero kailangan ko ng bumalik sa kubo namin.
Wala pang masyadong tao sa paligid noong lumabas ako. May mga naglilinis sa paligid.
"Good morning, Ma'am!" Bati pa sa akin ng isang matandang babaeng nagwawalis
"Good morning po" ngumiti ako sa kanya
Maganda ang araw ko ngayon at sana, please lang, sana walang kokontra. Sana maging maganda ang buong araw ko ngayon.
Teka! Ano nga ulit 'yong room number namin? Napatingin ako doon sa susi na hawak ko. May keychain naman pala iyon ng kubo at doon nakalagay ang room number. 219.
219 pala ang room number namin hindi 216. Napagbaliktad ko lang. Okay lang buti nga at sa kubo ni Dylan ako napadpad. Hindi sa isang stranger.
Pagkapasok ko sa loob ay tahimik pa. Ibig sabihin tulog pa sila. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa kwarto namin ni Kara.
Mahimbing siyang natutulog habang yakap-yakap ang isang unan. Humiga ako doon. Shit! Humahapdi na naman 'yong legs ko.
Pagkatapos ay bumangon ulit ako. Ginulo-gulo ko lang 'yong parte ng higaan ko para kunwari ay dito ako natulog. Kinuha ko 'yong mga kakailanganin ko at dumiretso na sa banyo.
BINABASA MO ANG
Fall Again
Ficción GeneralFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...