Chapter 11"Let's go!" Sigaw ni Axel
Nang papalubog na ang araw ay napagdesisyonan na naming pumunta sa Salvatore Dam. Nakapagpalit na din kami ng damit. Dahil biglaan itong lakad namin at hindi ako nasabihan ay pinahiram muna ako ni Angie ng damit at shorts.
"Ipinagbaon talaga kita ng damit" aniya kaninang nagpapalit kami.
Dahil maraming natirang pagkain ay binaon na rin namin para kung sakaling gutumin kami ay mayroon kaming kakainin. May store at barbecue han naman daw doon pero mas maganda na lang daw na mag baon kami sabi ng lola ni Thunder.
Lumapit sa akin ang lola ni Thunder at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya kahit na nawirduhan ako sa kanya kaninang unang pagkikita namin.
Gusto ko sana siyang tanungin kanina kung bakit niya ako tinawag sa pangalan ni mama ngunit hindi ko na siya ulit nakita kanina.
"Mag-iingat kayo!" Paalala niya sa aming lahat
Niyakap niya din sila Thunder, Dylan, Axel, at Marvin.
"Sige po, lola. Mauna na po kami" paalam naming lahat.
Nang makarating kami sa sasakyan ni Dylan ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Kagaya kanina ay sa harapan ulit ako umupo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin ni Lucy. Akala niya siguro ay ikamamatay ko ang matatalim niyang tingin sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Hindi pa siya pumapasok sa loob ng sasakyan, nasa tapat lang siya ng bintana ko. Hindi mo ako masisindak sa mga titig mo! Kung ang ibang tao, kaya niyang apihin pwes ako, hindi! Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya at sa mga kaibigan niya. Bullies are a piece of shit that you have to crush. Kung ipapakita mo sa kanila na mahina ka mas lalo ka lang nilang aapihin.
"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan Lucy?" Malamig na tanong ni Kara
Tumingin siya sa kanila at pinagtaasan ng kilay. Hindi siya umimik at pumasok na lang sa loob ng sasakyan. She should've went to the other car with her friends para hindi siya loner dito. Hindi iyong pinagsisiksikan niya ang sarili niya sa lugar na wala naman siyang pwesto.
"May araw ka din sa akin" bulong niya.
I think we're even. Tinisud niya ako noon kaya ako nadapa, so patas na kami ngayon. I never got myself into a fight before, lahat ng mga tao ay mababait sa akin. Ngayon lang talaga ako nakaranas ng ganito. Yung may gustong manakit sa akin at kinamumuhian ako.
Binuhay ni Dylan ang makina at umalis na kami sa mansyon nila Thunder. Bahagya akong dumungaw sa bintana ng kotse. Halos orange na ang kulay ng ulap dahil papalubog na ang araw. Natatanaw ko din ang malalagong tanim ng mga magsasaka sa bukirin. Tatlong linggo na ako dito sa Ilocos at unti-unti ko ng naa appreciate ang ganda ng lugar na ito.
Mula noong lumipat kami dito ay hindi na masydong sumasagi sa isipan ko sina Joaquin at Kathy. Paminsan minsan ay naalala ko pa rin ang ginawa nila pero hindi na iyon ganoon kadalas gaya ng dati. Siguro ay dahil na din sa pinagdadaanan ng pamilya ko kaya mas gusto ko na lang isipin ang problema namin kaysa sa sakit na ibinigay ni Joaquin.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang Dam ng mga Salvatore. Marami iyong cottage at may mga nakita akong tindahan at mga aleng nag-iihaw. May mga naliligo at mga tao din sa may cottage.
Ang mga lalaki ang nagbuhat ng mga basket at cooler na ipinabaon ng lola ni Thunder.
"Sir Thunder" bati nung isang lalaking medyo may edad na "magandang gabi po"
"Magandang gabi, Mang Nestor" tumango si Thunder "Double cottage po"
Pumasok siya sa loob ng isang store. Ilang sandali lang ang itinagal niya at lumabas din siya agad.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...