Chapter 3

88.8K 1.1K 105
                                    

Chapter 3

I bit the inside of my cheeks to suppress a laugh. I don't know why, but his name makes me want to laugh. Paano ba naman kasi, kapangalan niya yung...yung. I wonder if he is his long lost son.

"But you can call me-"

"Jeje?" Tanong ko

Tumawa siya ng pagak "no. No. You silly. Jojo. You can call me Jojo. Yan ang tawag sa akin ng karamihan" aniya. Bakas sa boses niya ang filipino accent pag nag i ingles.

"Aah.. Okay" tumango ako

"So. What's your name?" Aniya sa matigas na ingles

"Ana... Uhm Anastasia" sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

Damn his hand feels rough. Binawi ko agad ang kamay ko. Nagpaalam ako sa kanya at tumalikod na. But the guy is persistent. Naglakad din siya at tumabi sa akin. Mejo lumayo ako ng kaunti. I don't want people to think that there is something going on between us.

One more thing, I'm not looking for a new relationship. Kakagaling ko lang sa sawing relasyon. Another heartbreak is the last thing I want lalo nat maraming problema ang hinaharap ng pamilya ko ngayon.

Hindi ko na kinailangan pang hanapin ang cafeteria sa map dahil kasama ko naman si Jojo. Aniyay kabisado daw niya ang bawat sulok ng paaralang ito. I was impressed how big the cafeteria maraming lamesa at upuan. Marami ding pagkain na binibenta.

Mukhang sobra ko atang minaliit ang university na ito. Paano ba naman kasi ay pag nanonood ako ng mga palabas sa tv at pinapakita nila ang mga paaralan sa mga probinsya ay hindi ganoon kaganda.

Dumiretso ako sa mga glass refrigerator. Kumuha ako ng isang mountain dew in can at biscuit. Tatakasan ko sana si Jojo kaso bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko. I groaned inwardly. Naglakad ako papunta sa cashier at nagbayad. Agad kong binuksan ang mountain dew at uminom. Uhaw na uhaw na talaga ako.

"Halika, Anistisia papakikala kita sa mga kaibigan ko" hinawakan niya ang siko ko

The hell? Seriously?  Anisitisia?! Ginawa pa akong pampa numb ng sakit.

Pasimple kong binawi iyon at umiling "next time na lang Jojo. Kailangan ko na kasing umuwi eh"

Tama na ang isang araw na makasalamuha ko ang isang jejemon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang pakisamahan ang mga jejemon niyang kaibigan.

Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya iyon tinuloy dahil mabilis akong naglakad papalayo.

"Sige Jojo! Bye!" Sigaw ko at tumakbo palabas sa cafeteria

Nang makalabas na ako ay may nabangga ako na kung anong matigas. May naramdaman akong malamig na likido sa harapan ng katawan ko. Yumuko ako at nakita ko ang dress kong natapunan ng softdrinks.

"Shit" naiinis kong mura

"I'm so sorry miss" isang baritonong boses ang umagaw sa atensyon ko

Kunot noo ko siyang tinitigan. Ito yung lalaking mayabang kahapon. Yung dahilan kung bakit muntik na akong mahulog sa bike. Nagtagis ang bagang ko. Kumunot din ang noo niya at biglang ngumisi. Damn this dude is effing hot! But no wag magpapaloko sa mga ganyang itsura.

"Ikaw yung....Pinagtatagpo ata tayo ng tadhana" humalakhak siya

Tadhana your face. Corny! Walang ganoon uy!

"look at what you did!" Sabay pakita ko sa dress ko.

I'm aware that its my fault hindi ko kasi tinitignan ang daanan ko but he said sorry first. So, I'll just let him take the blame. Tutal hindi naman maganda yung pinakita niya sakin kahapon kaya hahayaan ko na lang siya na akuin ang nangyari ngayon.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon