Chapter 39Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakalimutan pala nilang isara 'yon kagabi. Gising na si Kara sa tabi ko. Nakangiti siya habang nagtitipa sa kanyang cellphone.
"Good morning! Nagising ba kita?" Malawak ang ngiti niya
Umiling lang ako. Kung siya masaya, ako naman ramdam ko pa rin ang lungkot dahil sa nangyari kagabi. I don't want him to give up on me. Para akong nadudurog sa tuwing naalala ko 'yong mga sinabi niya sa akin at kung paano niya ako tignan.
Kinuha ko 'yong cellphone ko para tignan kung may text si Dylan. Pero wala. Ni isa wala siyang text.
"Halla!" Bahagya siyang bumangon "Bat ganyan yang mata mo? Umiyak ka no?"
"H-ha? Hindi ah" pagde deny ko
"Bakit?" Bulong niya at humiga ulit
"Wala. Hindi ako umiyak" tumingin ako sa kisame
"San kayo nagpunta ni Dylan kagabi? Hinanap kaya namin kayo. Pagkatapos naming magsayaw, hindi na namin kayo nakita doon." Pangungulit niya
"Sa tabi-tabi lang. Naglakad-lakad" simple kong sagot.
Bumangon ako at bumaba sa kama "Maliligo lang ako"
Wala na din naman siyang sinabi noong umalis ako sa kama. Kinuha ko 'yong mga kailangan ko at pumasok na sa banyo. Nahagip ko sa salamin ang hitsura ko. Medyo puffy nga ang mata ko, halatang umiyak kagabi.
Nang matapos ko ang after bath routine ko ay lumabas na ko. Mahimbing pa rin na natutulog sina Enna at Angie sa kabilang kama. Nakita ko si Kara na nasa kama namin. May puting tuwalyang nakasabit sa balikat niya. Hanggang ngayon ay nagtetext pa rin siya habang nakangiti. Siguro 'yong boyfriend niya 'yon.
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin. Agad niya akong nilapitan.
"Huwag kang aalis. Dito ka lang. Hintayin mo ko" tsaka sya tumakbo papasok sa loob ng banyo
Napaupo ako sa couch habang sinusuklay ang buhok ko. Gising na kaya si Dylan? Puntahan ko kaya siya sa kwarto nila? Napapikit ako at napabuntong hininga. Baka ayaw na niya akong makita ulit.
Sumikip na naman ang dibdib ko dahil sa isipang iyon. Paano kung galit nga talaga siya sa akin? Hindi ko yata kakayanin 'yon. Ayokong tuluyan siyang maging malamig sa akin.
Kinuha ko 'yong cellphone ko mula sa center table at ni dial ang number ni Dylan. Nagring 'yon ng ilang beses hangang sa tumigil. I dialed his number again, but he didn't answer. Baka natutulog pa maaga pa naman eh. Tama. Siguro tulog pa siya. 'Yon na lang ang iisipin kong rason kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
"Hike or massage?"
Napalingon ako kay Kara. Nagsusuklay siya ng buhok. May suot din siyang robe.
"Huh?" Nagtataka kong tanong
"Para mag relax. Gusto mo maghike tayo sa Paraiso's Peak or massage sa Santuario de la Mente?" Umupo din siya sa couch
"Wala naman tayong damit at sapatos pang hike eh. Tsaka okay lang ako. Hindi ko kailangan ng massage" isinandal ko ang ulo ko sa couch at pumikit
"Anong hindi? Halata kayang stressed ka. Basta magpapamasahe na lang tayo" tumayo siya "Hintayin mo ko dito. Magpapalit lang ako"
"Hindi natin isasama 'tong dalawa?" Tinuro ko sina Angie at Enna
"Natutulog pa eh. Baka mainis lang sila satin pag ginising mo" sagot niya
Mabilis na nagpalit si Kara. Kahit na tinatamad ako ay talagang hinila niya ako palabas sa kwarto namim.
BINABASA MO ANG
Fall Again
General FictionFirst heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal ulit. Na hindi na sila ulit magpapaloko. Isa na dyan si Anastasia Kismier Sandoval. Her relationship with her boyfriend was perfect. Wala masy...