Chapter 56

58.6K 999 281
                                    



Chapter 56

"Happy monthsarry!" Bati ko sa kanya nang marating namin ang picnic area dito sa Paraiso

Kaninang hapon ay pumunta kami dito nila Thunder at Kara para ayusin ang surprise ko para sa kanya. Sinabi ko din kay Mang Tony ang mga ipre prepare niya para sa dinner namin ni Dylan.

Gusto kong bumawi sa kanya dahil sinurprise niya ako noong Valentines day. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit na sa ganitong paraan lang. Gusto kong mag-effort para sa taong mahal ko.

"So ganito pala 'yon?" Tumaas ang kilay niya

Napairap ako. Wala ba talaga siyang alam sa mga monthsarry? At huwag niyang sasabihing nakalimutan niya dahil magagalit talaga ako. Nag-effort ako dito tapos nakalimutan pala niya. Noong January 19 ko tinanggap ang kanyang proposal kaya I considered that 19 is our monthsarry.

Binitawan niya ang kamay ko at lumapit kay Ben na may hawak na bouquet.

"Happy monthsarry" binigay niya sa akin 'yong flowers at hinalikan ako "I love you"

"I love you too" hindi ko napigilang ngumiti

Hinila ko siya para maupo sa banig. Dumating ang mga magse serve sa amin at nilagay sa table ang platong may steak at pasta. Nagsalin din sila ng wine sa bordeaux glass namin.

"Dumating na ba 'yong visa niyo?" Sumimsim siya sa kanyang wine

Tatlong linggo na ang nakalipas, pero wala pa namang sinasabi si mama kung dumating na ba 'yong visa namin. Noong pinaka final part na kung saan ay sasabihin kung ano ang gagawin pagkatapos ng interview, biglang nag tantrums si CJ at inutusan ako ni mama na samahan siyang maupo muna. Hindi ko tuloy alam kung hanggang kailan namin hihintayin 'yong visa namin.

"Hindi ko alam" kibit balikat ko "Baka wala pa kasi wala pa namang sinasabi si mama"

"Hmm" tumango siya "Sabihan mo na lang ako kung kailan kayo aalis para makabili na din ako ng ticket"

"Alam ba nila Tita Verna?" tumingin ako sa kanya "Pinayagan ka?"

"Hindi pa" buntong hininga niya "Humahanap pa ko ng tiyempo"

Tipid akong ngumiti "Sige. Basta magpaalam ka ng maayos baka mag-alala sila sayo. Sorry kung naiipit ka sa sitwasyon natin. Sorry kung kailangan mong gawin 'to" hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa

"It's okay" he squeezed my hand "I told you I'll do everything to be with you. Why do we have to have a long distance relationship when I can go to the US with you. Ilocos is my paradise, but you're my world, my home. Everything feels shit without you by my side. Kaya kahit saan ka man magpunta, susundan at susundan kita."

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan. Hindi ko din kaya ang ldr dahil sobra ko siyang mamimiss. Oo nga't nakakusap at nakikita ko siya, pero sa screen lang 'yon. Ang gusto ko 'yong nahahawakan ko siya.

I wasn't ready to love him before, but now, I'm willing give up everything for him. I'm ready to fight for him. His love took my heart and without him, I don't think I'll be able to survive.

"You filled my gloomy world with happiness" I brushed his hair with my fingers "You have no idea how thankful I am that you came into my life"

"Well you brought happiness into my life too" he smiled "I know how it feels. You're the only girl I want to be with until my last day in this world. I didn't ask for you, but you came into my life without warning. Before I knew it, I was falling in love with you"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon