Chapter 41

46.7K 766 117
                                    



Chapter 41

Maaga akong nagising. Hindi pa naga-alarm 'yong cellphone ko gising na ako. Napangiti ako. Makikita ko na ulit siya.

Sabi ni Thunder dumating na si Dylan. Nag-inuman daw sila kagabi doon sa bahay nila Dylan. Simula noong umalis siya, si Thunder na ang naging source ko sa mga balita tungkol sa kanya. Mas naging close na din kami ni Thunder dahil doon.

Lalong maganda ang tulog ko dahil hindi na kami ulit nagtabi ni Cathy sa kama ko. Hindi naman niya binangit kay mama ang pagtulak ko sa kanya sa kama. Ayaw pang pumayag ni mama na magtabi sina Cathy at Joaquin, pero nagpumulit itong si Cathy kaya pumayag na lang si mama.

Hinila niya ako noon papunta sa kwarto ko at pinagsabihan. Napairap ako. Ganyan siya, pag may nakikita siyang hindi maganda, palagi akong sinsabihan na huwag gayahin.

"Huwag na huwag kang tutulad diyan sa pinsan mo. Hindi magandang tignan na magkasama ang lalaki at babae sa iisang kwarto lalo na pag dalaga at binata. Maraming masasabi ang mga tao."

Hindi na lang ako umimik. Baka masampal pa niya ang bunganga ko pag sinabi ko sa kanyang hindi naman ako kagaya niyang si Cathy na makati. Kung sino sino na lang pinapatulan.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kwarto ko para masimulan ang after bath routine ko. Nahagip ng tingin ko ang cellphone ko sa bedside table ko. Gusto kong kunin iyon at batiin siya ng good morning. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa personal ko na lang siya babatiin.

Naghahanda ng umalis sina mama noong nakababa ako at papasok sa dining room para mag breakfast. Nandoon sina Cathy at Joaquin, kumakain ng breakfast. Ang sweet nga nila eh. Nilalagyan ni Cathy ang plato ni Joaquin ng fried rice. I'm happy for the both of them.

Habang kumukuha ako ng fried rice ay biglang tumikhim 'tong si Joaquin.

"Kung gusto mo, pwede kang sumabay sa amin papuntang MASU" sumimsim siya sa tasa niya

"No, thanks" ngumiti ako sa kanya

Ayokong sumabay sa kanila. Paano pag nakita kami ni Dylan na magkasama, baka isipin niya nagkabalikan kami. Ayoko ng ganoon. Baka mas lalo lang siyang magalit sa akin.

"Anong 'no, thanks?'" Sabat ni mama "Sumabay ka na sa kanila. Sayang ang pamasahe"

Hindi na ako umimik. Mamaya, pag nasigurado kong nakaalis na sila. Sasabihin ko sa dalawang 'to na hindi ako sasabay sa kanila.

Tinawagan ako kanina ni Thunder. Sabi niya, susunduin daw niya ako. Sabi ko nga hindi na kailangan pero nag insist siya. Libre daw kasi 'yong gasolina niya pag susunduin niya ako. Hindi ko 'yon naintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Noong tinanong ko kung bakit ay iniba niya agad ang usapan. Binalewala ko na lang 'yon. Baka malaki 'yong allowance na binagay ng lolo niya kaya ganoon.

Lumabas ako sa dining area at pumunta sa salas. Bahagya kong binuksan ang kurtina para panoorin ang paglabas ng sasakyan namin hanggang sa tuluyan ko ng hindi makita iyon. Satisfied na ako, sigurado akong hindi na sila babalik kaya naglakad ulit ako patungo sa dining area.

"Hindi ako sasabay sa inyo" simple kong sagot at umupo sa upuan ko

"Hindi ba, sabi ni Tita sasabay ka samin? Breaking the rules again, Ana?" Ngumisi si Cathy "Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago"

"May susundo sa akin" nagfocus ako sa pagkain. Baka dumating na si Thunder

"Sino? Yong bago mong boyfriend? Si Dylan?" Pagkwestyon ni Joaquin

"Pake mo?" Sinubo ko ang natitirang pagkain sa plato ko "Siguro dito kayo nakatira ngayon sa amin, pero that doesn't mean you can interfere in my life. You do whatever you want, and I do whatever I want. Hindi ko kayo pinapakialaman, kaya huwag niyo din ako pakialaman. As simple as that. Pag natuto kayong manatili sa linya niyo, hindi tayo magkakaproblema."

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon