Chapter 46

57.9K 939 159
                                    



Chapter 46

"Shut up and eat!" Nakangiting sabi ni Dylan. Pagkatapos ay tumingin siya sa mga staff na nakaupo sa gilid "Ben pakidagdagan ang mga plato at baso"

Tumango lang si Ben at umalis. Mabilis din siyang nakabalik dahil malapit lang naman ang Paraiso café. Doon siya kumuha ng plato.

"Ana, uminom pala kayo ni Denisse kagabi? Naaalala mo ba kung anong nangyari kagabi? Lasing ka ba noon?" Tanong ni Kara

Uminit ang pisngi ko. Alam ko naman kung anong tinatanong niya, pero iba ang naaalala kong nangyari kagabi, Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dylan. Palihim ko siyang siniko.

"Oo. Hindi naman ganoon kadami ang ininom namin" diretsong sagot ko

"Ano ibig sabihin nito?" Tinuro kami ni Angie "Okay na kayo?"

Inakbayan ako ni Dylan "Kami na" ngumiti siya ng malawak

"OH MY GOSH!" Nagtilian sila

"Congrats! Sa wakas!" Sabi naman nung tatlong lalaki at nakipag apir kay Dylan

"Sana pinahirapan mo muna. Sana 'yong umiiyak na nagmamakaawa habang nakaluhod" umirap si Denisse kay Dylan

"Don't worry my twin sister. Matagal akong nakaluhod kagabi" ngumisi siya

Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil may laman 'yong sinabi niya. Ibang klase ng luhod naman 'yong ginawa niya kagabi. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Kumindat lang siya sa akin.

"Siguradong ikaw 'yong nakaluhod? Baka si Ana pa 'yong pinaluhod mo. Ikaw na nga 'tong may kasalanan" Tumaas ang gilid ng labi ni Axel

"Gago!" Gamit ang malinis niyang kamay ay binato ni Dylan si Axel ng throw pillow

Nagtawanan lang 'yong tatlo. Nagngingisian sila na parang may ibang ibig sabihin nung mga ngisi nila. At silang apat lang ang nagkakaintindihan. Tumaas ang isang kilay ni Thunder parang may tinatanong kay Dylan.

"I know" simpleng sagot lang ni Dylan

What?! Well siguro ganyan talaga pag matalik mong kaibigan. Unting galawan lang alam mo na kung anong gusto nilang iparating. Gaya sa amin nila Kara.

Kumakain pa lang sila nang matapos na kami ni Dylan. Umalis kami saglit para makapaghugas ng kamay sa Paraiso café.

Napasimangot ako noong may mga babaeng halos mabali ang leeg dahil sa kakasunod ng tingin kay Dylan.

"Kamusta po 'yong breakfast, Sir?" Tanong nung medyo matandang lalaki na may suot na uniform pang chef at toque blanche

"Masarap po mang Tony" ngiti ni Dylan habang pinupunasan niya  ang kamay ko gamit ang isang hand towel "Nagustuhan po ng girlfriend ko"

"Ana, ito si Mang Tony isa sa pinakamagaling na head chef dito sa Isla Paraiso." Pang introduce ni Dylan "Mang Tony, si Ana po girlfriend ko"

Nakipagkamayan sa akin si Mang Tony. Tinanggap ko 'yon. Tinitigan niya ang mukha ko. Mukhang nasa 50s na ang edad niya. Halata na ang wrinkles sa kanyang mukha at kahit na may suot itong toque ay may tumatakas na ilang puting buhok doon.

"Pambihira. Parang kelan lang noong takbo ka ng takbo dito at palaging nagpapaluto ng pancake" kinamot niya ang kanyang kilay "Ngayon may girlfriend ka na. Ang bilis talaga ng panahon"

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin "Ang kulit ng batang ito. Diyos ko. Noong maliit pa siya, hindi nagsasawa sa pancake. Yon ang kinakain niya buong araw pag nandito siya sa Paraiso."

Tumawa ako "Hanggang ngayon po makulit pa rin" nakangiti akong tumingin kay Dylan

"Hindi ah" simangot niya

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon