Chapter 57

50.2K 875 239
                                    



Chapter 57

Narinig ko ang pagsara at pagbukas ng pintuan, ngunit hindi ako bumangon. Nanatili akong nakahiga at nakatalukbong ng kumot.

Kanina ay dinalhan ako ni Charles ng pagkain, pero hindi ko iyon ginalaw. Wala akong gana. Ang gusto ko umalis na dito sa bahay na ito. Ginagawa nila akong preso.

Gusto kong tawagan at kamustahin si Dylan kaso hindi ko magawa dahil kinuha ni mama lahat ng mga pwede kong gamitin para kontakin si Dylan.

"Dito mo daw ilagay mga gamit mo" narinig kong sabi ni Charles "Mag-empake ka na dahil sa makalawa na tatayo aalis papuntang Manila"

Nabigla ako sa sinabi niya "Tulungan mo akong tumakas" bumangon ako at tumingin sa kanya

"I can't t do that" bumagsak ang kanyang balikat

"Why not?" Desperadong tanong ko

"Sundin mo na lang si mama" aniya at lumabas

Humiga ulit ako at ibinaon ang mukha sa unan para ilabas ang inis na nararamdaman ko. Paano niya ako susundan kung hindi ko masasabi sa kanya na luluwas na kami ng Manila sa makalawa? I need to find a way.

I fucking hate this life! I kicked my feet and punched my pillows in frustration.

Bakit di na lang niya kami hayaang maging masaya? Bakit kailangan niya kaming idamay sa galit niya? Wala namang ginagawang masama si Dylan, pero kung tratuhin niya ito ay parang si Dylan ang nagkasala sa kanya.

Pano na lang pag nalaman ng pamilya ni Dylan kung paano siya tratuhin ni mama? Paano kung hindi na nila ako gusto para sa kanya dahil sa gulo ng pamilya namin? Paano kung isipin nila na mas magandang maghiwalay na lang kami para wala ng gulo?

Napabangon ako mula sa kama dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. I don't want to think that way. I want to think something else. I want to find a way to escape from this house.

Napagtanto ko na kahit kailan hinding-hindi kami magiging  malaya ni Dylan habang galit si mama sa mga Dela Fuente. Hindi ko din masasabi kung hanggang kailan niya kikimkimin ang galit niya sa kanila.

As long as she is here we'll never be free. Kahit saan kami magpunta, basta nandiyan si mama hinding-hindi kami magiging malaya ni Dylan. Palagi kaming magtatago sa kanya. Ngayon na nalaman niya ng may relasyon kami ni Dylan, sigurado ako mas magiging mahigpit pa siya.

May kumatok sa pintuan ko. Agad akong bumalik sa paghiga at nagtalukbong ng kumot.

"Ana?" Boses iyon ni Joaquin

Agad akong bumangon "Joaquin, anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot at iniabot lang sa akin ang cellphone niya. Kunot noo kong tinanggap iyon. Pangalan ni Dylan ang nakalagay sa screen.

"Dylan?" Sabik akong marinig ang kanyang boses "okay ka lang ba? I'm sorry"

"I'm okay. You? Are you okay?" May pag-aalala ang kanyang boses

"No.. no I'm not okay" humikbi ako "Gusto kitang makita. Dylan, ilayo mo na ako dito. Ayoko na dito. Please"

"What do you mean?" Litong tanong niya

"Let's runaway" desedidong sagot ko

"We don't have to do that. Kahit na anong gawin ng mama mo susundan pa naman kita sa-"

"You don't understand!" I almost yelled "We'll never be free. Kahit sundan mo ko kahit saang lupalop kung nandiyan si mama, palagi tayong magatatago."

"Ana-"

"Please Dylan!" My voice broke "Sa makalawa na kami luluwas papuntang Manila. Pwede tayong tumakas bukas ng gabi. Pagplanuhan natin kung paano ako tatakas dito"

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon