Chapter 12

68.5K 885 66
                                    


Chapter 12

"Sir Thunder, tumawag po ako ng pulis dahil wala pong may kayang umawat sa inyo" ani Mang Nestor

"It's okay" malamig na sagot ni Thunder

"Okay lang. Haharapin namin sila" matapang ang ekspresyon ng mukha ni Dylan

Bumukas ang mga pintuan ng mga sasakyan ngunit hindi ko nakita kung sino ang mga nasa van dahil agad akong hinila ni Dylan papunta sa cottage. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa sobrang gulat. Isang minuto ay nagkakasiyahan kami tapos sa isang iglap, may gulo na.

Pinaupo niya ako sa upuan ng cottage na kinuha namin. I'm still stunned! I can't believe he can turn into a beast when he's so mad. Furious even. He raked his hand through his hair. Hindi siya mapakali parang may bumabagabag sa kanya. I want to call his name, but I can't utter a word.

Bigla siyang lumapit sa akin at isinandal ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. His face slowly softened.

"What did he do to you?" His gaze went down to my lips "Did he kiss you?"

Umiling ako dahil yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

"Sinaktan ka ba niya?" Hinaplos niya ang aking braso

Umiling ulit ako.

Tumayo siya at dinungaw ako "Did I scare you?" He whispered

Umiling ako "H-hindi" I swallowed the lump in my throat

He didn't scare me. I'm just shaken by the amount of violence I witnessed earlier. Sobrang dami nilang nagsusuntukan kanina na akala mo ay nasa isa kang digmaan.

Tumalikod siya sa akin at huminga ng malalim. "I'm sorry" he whispered

Tumayo ako at naglakad sa harapan niya. I wrapped my arms around his waist tightly. I don't know what pushed me to hug him. All I know is that I want to calm him down. I want to assure him that he didn't scare me.

Naramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap sa akin. In an unexplainable feeling, I feel safe. It feels right hugging him. Parang ayoko ng humiwalay pa sa kanya. Because it feels like I belong in his arms.

Naputol ang pagyayakapan namin ng pumasok sina Angie sa cottage. May narinig akong ilang tikhim galing sa kanila.

"Dylan" ani Axel

Nagkatinginan silang dalawa na para bang nagpapalitan sila ng mensahe at sila lang ang nakakaintindi nun.

May kinuhang puting tuwalya si Dylan sa may upuan at inilagay iyon sa balikat ko.

"Babalik agad ako" pagpapaalam niya

Pinanood ko siya habang naglalakad siya papalayo sa amin. Humugot ako ng malalim na hininga. I hope everything's gonna be okay. Sana hindi sila mapahamak.

"Okay ka lang?" Hinila ako ni Angie para maupo

"Yeah" I barely whispered

"Hay naku! Kung wala kasing malandi, edi wala sanang gulo" pagpaparinig ni Lucy

Nagkatinginan kami ni Kara. Umigting ang kanyang panga. Alam kong hindi aatrasan ni Kara si Lucy kaya umiling ako para senyasan siyang wag ng patulan.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Enna

"Ano pa! Edi nakipaglandian yang dalawang kaibigan mo doon sa mga lalaki. Kapag nandyan si Dylan akala mo kung sinong santa. Pero kanina, may pinuntahan lang si Dylan saglit, ayon! Kung kani kanino na nakiki-"

I couldn't take her words anymore. My patience running out and rage boiled through my entire system. Because my temper was flaring, I didn't have control over my sanity. All I could think was a way to shut her filthy mouth.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon