****Happy 133 reads! XD
****Putakte 'yan, oh. Mukhang mabo-botcha ako ngayon, ah. Double dead!
*tug-dug* *tug-dug*
One...
Two...
Three...
"Oops. Not so fast, nerdy." Ang nakakalokong sabi ni brat bago harangan ang pinto ng silid. Akala ko makakatakas ako. Halp meh!
Umabante siya papunta sakin kaya naman umatras ako. Isinara niya ang pinto sa likuran niya ng hindi nalingon at patuloy pa rin sa pag-abante. Natigil lang ito ng may mabangga ako sa likod.
Fùck.
Si sungit. Nakalimutan ko si sungit! Patay na talaga 'ko. Wala na! Paano na ang mga pangarap ko? Paano ko mapagtatapos sa pag-aaral ang nag-iisa kong kapatid at pamilya na si Joana? Bata pa siya! Hindi niya kayang wala ako! Oh, eh paano na rin yung--
"And who are you?" Ang tanong ni sungit na napabalik sakin sa reyalidad. Napalingon naman ako sa gawi niya pero hindi siya sa akin nakatingin kundi kay... brat. Obviously, siya ang tinatanong.
"You don't care. I just came here to pick her up." Iyon lang at hinawakan ako ni brat sa braso at hinila sa tabi niya. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya. Napatingin naman ako kay sungit with pleading eyes. Kahit ngayon lang, iligtas mo ako sungit!
Nanatiling neutral ang face expression ni sungit, but I can sense na hindi niya nagustuhan ang sagot ni brat. Hinila ako ni brat palabas sa pinto, ako naman pilit siyang pinipigilan. Bago pa man mahawakan ni brat ang door knob ay may naramdaman akong humawak sa kaliwa kong braso para pigilan kami.
Agad napalingon pabalik si brat kay sungit. "Leave her alone." She said flatly.
"And why?" Ganting tanong ni brat. Mukhang magkakaroon ng world war III. I don't wanna be involved!
"You don't care."
"Right. I don't care. Now, if you'll excuse us."
Hinila ulit ako ni brat pero hindi ako binitawan ni sungit. Hinila niya rin ako sa tabi niya. Nakita ko namang nagkonekta ang mga kilay ni brat bago ako hilahin pabalik.
Hila.
Hila.
Sumasakit na braso ko. Mga kingina 'tong mga 'to ayaw na lang ako pakawalan! Putek 'yan.
"Bìtch!"
"I know."
"Let her go! She is MINE!"
"She's not."
"She is!"
"No."
"TEKA, TEKA!" Sigaw ko na nagpatigil sa paghila nila sakin pabalik-balik. Nakakahilo, ah! Ano bang problema ng mga babaeng 'to?! Ganun ba sila ka-desperadang makuha ako para parusahan? Why? WHY?!
"Kung mag-aaway kayo, pwedeng 'wag niyo naman akong hila-hilahin? Masakit kaya." Sabi ko at binawi ko sa kanilang dalawa ang braso kong may mga bakat ng kamay. Hinaplos ko ito at mangiyak-ngiyak dahil masakit.
May narinig akong kakaibang tunog. Pagkatapos ay may naramdaman akong humawak sa magkabila kong pisngi at... *tsup*
Nanlaki ang mata ko ng ma-realize na hinahalikan ako ng pervert na si ungol girl. As in, sa lips! Sakop na sakop. Yung narinig ko pala kanina ay ungol na mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...