*****The NERD's POV
Nag-concentrate ako sa aking postura at huminga ng malalim.
Nagsimula akong maglakad, iniingatang hindi malaglag ang tatlong magkakapatong na libro sa ulo ko. Ang hirap naman nito, phew.
"Okay, okay, you're doing good. Okay, okay! Great job!" Palakpak ni Adriane, ang leader namin sa group performance na ito. Sa wakas, naperfect ko rin ang paglalakad ng tuwid. Binibigay ko talaga ang best ko sa pagrampang 'to, since ito na lang ma-iaambag ko sa grupo namin kahit hindi naman ako bagay sa pwestong 'to.
Since this is an all-girls school, babae rin ang ka-partner ko sa pagrampa. Pero dahil mas matangkad at mas well-built ang katawan niya ay siya ang mag-a-act as the guy. Okay lang naman daw sa kanya. "'Di naman nabawasan kagandahan ko," sabi nga niya na nasundan ng malakas na tawa.
Siya si Sherlie Ho. Ang haponesa kong kaklase na biniyayaan ng sobrang confidence. Pero pa-humble pa rin naman ang babaita. "Ang galing mo," puri niya na may ngiti sa labi. Ngayon lang kami nagkausap sa ilang buwan naming pagiging magkaklase.
"Hindi naman. Mas magaling ka pa rin." Namumula kong sagot. Ang bilis ko talagang ma-flatter.
She chuckled and pinched my nose.
"Relaira, you can take your break for now." Tawag-pansin ni Adriane. Tumango ako at nagpasalamat. In-excuse rin ni Sherlie ang kanyang sarili.
"Ateee!" Akmang yayakapin ako ni Joana na bigla na lang sumulpot sa kung saan pero inagapan ko agad ito.
"Op! Pawisan ako, no hugging." I said while crossing my fingers.
"Ay, oo nga. Ang baho mo. Here!" Iniharang niya sa aking mukha ang isang bote ng lychee-flavored Mogu Mogu. Nagningning ang mga mata ko at kinuha agad iyon, hindi na pinansin ang panglalait niya sa akin.
Inaya ako ni Joana na maupo sa isang bench.
Mukhang hindi pa tapos sa pagpa-practice 'tong mga dancers namin. Si Lianna, wet na wet na dahil sa pawis kakasayaw. Infairness naman, marunong palang gumiling ang bruha.
Kasalukuyan akong lumalagok ng Mogu Mogu nang mapadako ang tingin ni Lianna sa pwesto namin. Nagkataong nasa part iyon kung saan gigiling sila paupo at ako lang ba o bakit parang may pa-lipbite pa siyang nalalaman?! At bakit ganito ang step?! Diba festival dance 'to?! Bakit parang pang-prostitute 'yong sayaw nila?!
Pasimple akong tumingin sa kapatid ko na mukhang nakainom ng isang boteng hot sauce sa sobrang pula ng mukha. Nakita ko pa ang paglunok na ginawa nito.
Hay nako, hindi naman pala ako ang pakay ng batang ito. Kabataan talaga ngayon.
Hindi ko na sila pinansin sa malalagkit nilang titigan at in-enjoy na lang ang Mogu Mogu ko. Yiii!
*****
Natapos ang practice namin at exactly 5 P.M.. Never akong nagreklamo na pagod na ako dahil alam kong mas mahirap ang practice ng mga dancers!
Buong practice ay hindi umalis si Joana sa isang tabi. Nagpumilit pa nga itong ihatid ako sa dorm pero pinanlakihan ko lang ito ng mata at napasunod ko na rin ito na dumiretso na lang siya sa kwarto niya. If I know, gusto niya lang makasabay si Lianna, e.
Na ngayon ay kasabay kong maglakad papunta sa dorm namin. "So, boto ka na sa akin, sorella?" Simula ng malaman niyang kapatid ko ang labidabs niya ay panay sorella na ang tawag nito sa 'kin, Italian word para sa ate, sabi niya. Ang feeling close na niya sa 'kin, kakilabot! Parang binu-bully niya lang ako dati, eh!
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...