*****Their arrangement ended up with Aaryn lying down on her bed, and Denise on the mattress on the floor.
Pagkatapos ng mahaba nilang diskusyon, nanalo pa rin si Denise at napilit na siya na lang ang matutulog sa sahig.
"Sana makatulog ka ng ayos, Denise," bulong ni Aaryn habang nakatitig sa kisame ng kanyang kuwarto.
"Oo naman. Malambot pa nga itong hinihigaan ko ngayon kaysa sa kama ko sa kwarto ko," hagikgik ni Denise na nakatingin rin sa puting kisame, sa gitna ng kadiliman.
Ang lampshade na lang sa tabi ng kama ni Aaryn ang nagsisilbing liwanag sa apat na sulok ng kuwarto. Dahil wala naman silang guest room at mas lalong ayaw naman niyang hayaang matulog si Denise sa living room, ganito ang kinalabasan nila.
"I changed my mind, Denise. Y-you can sleep here beside me. Malawak naman ang space," sabi ni Aaryn na nakatingin na ngayon sa direksyon ni Denise.
"Nah, I'm fine. Alam ko namang hindi ka comfortable na may katabi lalo na kung hindi mo naman kilala masyado." Ang sagot ni Denise na nanatiling nakatitig sa kisame.
"But..."
"It's really fine. Besides, kumportable naman dito. Saka na kita tatabihan kapag girlfriend na kita." May kasiguraduhan ang boses ni Denise ng sabihin iyon.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni Aaryn ng sabihin iyon ni Denise. Mayroon ding kakaibang pakiramdam sa sikmura niya na hindi niya maintindihan.
"A-anong sabi mo?" Nauutal na tanong ni Aaryn.
"Hmm? What part?" Kasunod niyon ay isang hikab mula kay Denise.
'Baka mali lang ang pagkakarinig ko? Maybe she meant, girl friend. Babaeng kaibigan, right?'
"Ah, nothing. Inaantok ka na yata. Should I turn off the lights now?"
"Whatever you prefer, Aaryn. I'm fine with anything."
'Is it also fine to not confuse my feelings anymore?' Napangiti na lang ng tipid si Aaryn sa naisip. Ngiting may halong lungkot.
Pinatay na lang ni Aaryn ang lampshade dahil kumportable sa kanyang pakiramdam ang kadiliman. Nakatutulong rin ito sa kanya para makatulog agad. Pero ngayon, iniwan niyang nakabukas ang kurtina ng bintana niya especially to watch the stars.
Mahilig siyang mag-stargazing dahil pinangarap niya rin namang mag-aral ng Astronomy minsan sa kanyang buhay.
"The sky is so pretty after it rains." Komento ni Denise nang magawi ang tingin sa bintana na natatakpan ng salamin.
Sumang-ayon naman si Aaryn sa pamamagitan ng pag-hum.
"Weekends pala bukas 'no? Sleepovers are not meant for sleeping y'know. It's meant for late night talks," Denise said in a soft voice.
'I like that.' "You sure? Parang inaantok ka na, eh," tugon ni Aaryn.
"Mawawala antok ko kapag may pinag-uusapan na tayo."
"Okay, then. So... how do you start this?" Nahihiyang tanong ni Aaryn.
"Why not ask questions to each other? I did say na gusto pa kitang makilala," suhestiyon ni Denise.
"Oh... okay. Um, ikaw na mauna?"
"Sure. Hmm, ano ba..." Denise paused for a little while before continuing. "Basta kapag ayaw mong sagutin, puwede namang hindi sumagot. So, my first question will be a common one. Sinong crush mo?"
Para namang nasamid sa sarili niyang laway si Aaryn sa tanong ni Denise sa kanya. Sa dinami-rami ng puwedeng itanong, iyon pa.
'Ikaw, okay. Ikaw! Bakit kailangan mong itanong sa'kin 'yan!'
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...