*****Sumimsim siya ng kape sa kanyang tasa at pinagmasdan ang huling kabanata ng kanyang manga, na hawak-hawak niya sa kaliwang kamay.
Bigla itong hinablot ni Rikki Valles, ang kanyang pinsan na kararating lamang, bago umupo sa kanyang harapan. Nagpangalumbaba ang babae at naningkit ang mga mata pagkatapos. "Minadali mo 'yong ending," wika nito.
"Hindi ko—"
"Hep!" Lalong pinaliit ni Rikki ang mga matang nakatutok sa manuscript na hawak. "At hindi ito katanggap-tanggap na ending. Dapat magkatuluyan sila Arohi at Lyle, or kahit magkita man lang sila ulit," pagpunto ng babae.
Humigpit ang hawak ni Aaryn sa dulo ng suot niyang T-shirt at nanatiling nakadikit ang tingin sa kanyang mga hita. "Pero ganiyan naman sa totoong buhay. Hindi naman nag-e-exist ang happy ending," mahina niyang tugon.
"Ewan ko sa'yo! Hopeless ka na nga, bitter ka pa!" Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo si Rikki para um-order ng kape.
Si Aaryn Javier ay isang simpleng college student na kumukuha ng kursong Fine Arts sa Claro Institute of Technology, isang private school pero abot-kaya ng karamihan ang tuition fee.
Nandito si Aaryn ngayon sa isang coffee shop na hindi kalayuan sa kanilang school, para tapusin ang assignment nila sa Animation. Tinawagan niya nga ang pinsan niyang si Rikki na kumukuha naman ng Industrial Engineering para ipakita ang natapos niyang manga na may title na The BITCH, the BRAT and ME.
'Hindi naman ako hopeless,' sambit ni Aaryn sa kanyang isip. 'At lalong hindi rin ako bitter!'
Bumalik si Rikki na may dalang tray na naglalaman ng isang Caffè Americano at isang platito ng strawberry shortcake. Bago pa ipatong ng babae ang tray sa lamesa ay may sinundan ito ng tingin sa may entrance. "Girl, pumasok na 'yong Honeybunch-sugarplum-pumpy-umpy-umpkin mo!" Bulong ng babae na sapat lang para makarating sa pandinig niya.
Alam ni Aaryn na nagsasabi ng totoo ang kanyang pinsan dahil four o'clock na ng hapon, ang shift ni Denise Mortera bilang isang barista ng coffee shop na ito. 'Ang O.A. lang ng nickname ni Rikki kay Denise!' dagdag niya sa kanyang isip.
Si Rikki ang isa sa pinakamalapit kay Aaryn. Kay Rikki siya nagsasabi ng lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Mayroon siyang mangilan-ngilang mga kaibigan pero si Rikki lang talaga ang kanyang pinagkakatiwalaan, sa ngayon. Kilala siya sa section nila bilang Silent but Excellent dahil consistent Top 1 siya. Kaya naman wala masyadong kumakausap sa kanya dahil nga sa pagiging matipid niya sa salita.
Hindi na nag-abalang lumingon sa kanyang likuran si Aaryn dahil nga sumuko na siya sa little crush niya para kay Denise. Hindi na niya itinanggi kay Rikki na inihalintulad niya ang mga karakter ng kanyang manga sa totoong buhay, tutal, kilalang-kilala naman na siya ng kanyang pinsan.
Hindi mapigilang maalala ni Aaryn ang reaction ni Rikki nang malaman na siya si Jasmine Santos sa TBTBAM. "What?! May galit ka ba sa'kin? Bakit may cancer ako?! At... at paanong obsessed ako kay Arohi? Eew!" Napahagikgik ng palihim si Aaryn sa naalala.
Napaigtad naman siya nang may mabigat na brasong umakbay sa kanya. "Nandito ka lang pala!" Ginulo ng lalaki ang kanyang buhok na ikina-simangot niya.
Na napal'tan ng isang buntong-hininga.
"Ay, grabe ka naman! Gan'on ka ba ka-down sa presensya ko? I am so hurt!" Nag-aktong humawak sa kanyang dibdib ang lalaki na ikinatawa ni Rikki.
Jonathan Nikihama—ang best friend ni Aaryn, not until malaman niyang nililigawan nito si Denise. Iniiwasan niya ang lalaki dahil ayaw niyang malaman nito na may crush siya sa babaeng nililigawan niya. Nakokonsensya siya dahil naglilihim siya sa kaisa-isang best friend niya kaya naman si Rikki lang ang takbuhan niya.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Fiksi RemajaNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...