eighteen

6.5K 283 98
                                    


*****

The BITCH's POV

Sinilip ko ang bintana ng kotse at nakita ang walang-malay na pigura ni Joaquinne. Pumasok ako at umupo sa driver's seat, nagdadalawang-isip kung gigisingin ko ba siya o hindi.

I fought the urge to look at her face pero hindi ko napigilan kaya ito ako ngayon nakatitig lang sa payapa niyang mukha.

Hindi ko alam kung paano nangyaring nasa pisngi na niya ang kamay ko, dinadama ang lambot nito. Kung may nanonood sa akin ngayon iisipin nilang minamanyak ko si nerd. Pero dahil wala, susulitin ko na.

Napadako naman ang tingin ko sa nakaawang niyang labi. Believe me, kung kayo ang nasa pwesto ko m-maaakit talaga kayo! Letse, bakit kasi ang... ang pula saka mukhang malambot!

Naalala ko tuloy n'ong nahalikan ko siya, first kiss ko 'yon pero hindi ako nagdalawang-isip na ibigay sa kanya. At french kiss pa! Hindi ko nga alam kung saan ko natutunan 'yon, e!

Huling beses na 'to. Promise! Huling beses ko na 'tong gagawin ko. Sorry, Joaquinne.

Pumikit ako ng mariin at inilapit ang mukha sa kanya. Dahan-dahan ay lumiliit ang espayo sa pagitan ng mga labi namin. This is the last time!

Kumabog ang dibdib ko sa kaba at hindi sinasadyang napamulat ng bahagya ang nakapikit kong mata kanina. Saka naman biglang nagmulat ang mga mata ni Joaquinne. Fu--?!

Para akong nagteleport at mabilis na inilayo ang mukha at katawan sa kanya. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at hindi makatingin sa direksyon niya. What the hell just happened?

Maya-maya ay nagsalita siya. "Saan na tayo, Claire?" Humihikab pa siya ng itanong niya iyon. Nakahinga ako ng maluwag. Thank you, Lord! Hindi niya ako nahuli!

"Bakit hindi mo ako--" Naputol ang sasabihin niya nang maramdaman ko paglingon niya sa akin.

"A-Ar--?"

"She stole my car keys and left me here. In her car. With you." Napahilot ako sa aking sentido. Kagagawan itong lahat ni Claire, e! Muntik na talaga ako doon! Phew!

May naramdaman akong pumatong sa hita ko, suddenly. Napatingin ako at nakitang isa itong kamay! Kamay ni nerd. Para namang nagkaroon ng giyera sa tiyan ko.

Napansin niya sigurong nakatitig ako doon sa kamay niya kaya mabilis niyang inalis. "A-ah, eh. Sorry." Hindi ako sumagot. "Dapat kasi hindi na lang ako sumama kay Claire. Hindi ko naman alam na dito niya ako dadalhin."

Hindi ko na naintindihan 'yong mga sinabi niya kaya nagbuntong-hininga ako at sinalubong ang mga mata niya. Una siyang nag-iwas ng tingin at bakas sa kanyang mukha ang pagkailang.

"I guess we can't do anything about it." Pagsuko ko at lumabas ng sasakyan.

Hinintay ko siyang lumabas dahil ang awkward kung pagbubuksan ko siya. Hindi naman ako manliligaw or whatsoever.

Ngunit inabot na yata ng dalawang minuto ay 'di pa rin siya nalabas kaya nilapitan ko na. Sinilip ko siya sa bintana at nakitang nakaupo lang siya doon. Ano pang hinihintay niya? World peace?

Kinatok ko ang bintana. Pero mukhang hindi niya alam kung paano ibababa 'yong glass kaya dahil sa pagmamadali ay binuksan niya na lang ang pinto, dahilan upang mauntog ako.

Hindi agad ako nakapag-react at napaatras lang habang sapo-sapo ang nauntog kong noo.

"O-ouch." Bulong ko sa aking sarili. Sana naman hindi ako magkabukol!

"Hala! Sorry! P-patingin nga!" Naramdaman ko na lang na malapit na siya sa akin at dahan-dahang inalis ang nakatakip kong kamay. Napamulat ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Joaquinne. Dumulas ng kaunti ang kanyang salamin kaya itinaas niya ito gamit ang isa niyang kamay. How cute.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon