*****The NERD's POV
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang booth talaga namin. Which is a food booth, since we are the Cookery Club.
Kaharap ko ngayon ang President ng aming club na si Alyx, naka-crossed arms ito bago tumingin-tingin sa paligid. "Oh, baka naman may manghuhuli pa sa'yo, nahihiya pa," mataray niyang pahayag.
Napakamot ako sa aking sentido at apologetic na ngumiti. "Pasensya na," tangi kong naisagot.
Umirap lamang ito at pinapasok ako sa loob ng food stall namin.
"Siya, ito iprito mo..." Tumangu-tango na lang ako sa mga sunod niyang sinabi.
I sighed. Ang daming nangyari sa akin, umagang-umaga pa lang.
And I don't want to remember those. Feeling ko mababaliw na ako. Gulong-gulo na ang nararamdaman ko. Hays.
*****
Pagdating ng lunch time ay dumagsa ang mga estudyanteng bumibili sa food stall namin kaya naman hindi na kami magkanda-ugaga dito sa kusina.
Pawis na pawis na ang itsura ko at nag-moist na ang eyeglasses ko na hindi ko na alintana. At higit sa lahat, nanghihina na ako sa gutom. Dapat pala inagahan ko ang kain, hindi ko naman masyadong nakain 'yung pagkain doon sa dating booth kanina.
Mga past one o'clock na siguro bago kami maubusan ng ibebenta. Pinayagan naman kami ni President na mag-ayos ng sarili at kumain muna.
Walang gana akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas. Agad namang humampas sa akin ang simoy ng hangin. Para akong nakahinga. Gosh.
Maliligo muna ako dahil ang dugyot ng itsura ko. Amoy street food pa ako. Lumipas na rin naman ang gutom ko.
Hindi nagtagal ay nasa harapan na ako ng pintuan ng kwarto namin ni Joana. Kumatok muna ako dahil baka nandoon siya sa loob.
"Joana, nandiyan ka ba? Si ate 'to. Papasok na ako, ha?" Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko ang sigaw nito.
"Wait! N-nagbibihis pa ako. Sandali lang." Parang may naring akong something na nagkakagulo sa loob kaya naman nagtaka ako.
Napakibit-balikat na lang ako at naghintay sa kanya.
Maya-maya lang rin ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin.
I felt my left eyebrow raise a bit. "Parang pawis na pawis ka?"
"Hmm? Hindi naman. Mainit lang dito sa loob," sagot niya at binigyan ako ng daan para makapasok.
Humakbang naman ako papasok at tumayo agad balahibo ko sa lamig na galing sa aircon. Paano naging mainit dito sa loob?
Naghihinala na talaga ako dito kay Joana. May hindi sinasabi 'tong babaeng 'to, eh.
"Sige. Maliligo lang ako. Paki-lock na lang ng pinto kung lalabas ka," bilin ko.
Sakto namang may nagbukas ng pinto namin nang walang katok-katok.
"Hi, Sweetheart!" Bungad ni Lianna sabay halik sa labi ni Joana.
The heck?
"Lianna!" Saway ni Joana at tinulak ito ng bahagya.
Saka lang ako tinapunan ng tingin ng Italyana. Lumiwanag agad ang mukha nito. "Oh, nandito ka pala, sorella!"
Lalapit sana ito sa'kin ngunit itinaas ko kaagad ang isa kong kamay. "Ops, bawal lumapit. Hindi pa ako maka-move on sa paghalik mo sa kapatid ko. Kayo na ba, ha?" Taas-kilay kong tanong at nilipat-lipat ang tingin sa dalawa. Si Joana naman ay parang kamatis na sa pula pero hindi naman nagsasalita.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...