Extra 005: Aaryn and Denise

4.2K 142 10
                                    


*****

Aaryn's POV

"Okay, class dismissed. You can have your lunch now."

Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasara ng zipper ng bag ko nang may humawak sa balikat ko. Awtomatikong napalingon ako dito at naramdamang tumusok ang isang daliri sa pisngi ko.

Umangat ang aking tingin at bumungad ang mala-Diyosang mukha ni Denise, na nakangiti sa akin.

Naging abnormal na naman ang heart beat ko dahil sa ngiti niya. Hindi ko alam kung kailan ako naging ganito kaharot.

Bumalik ako sa pagsasara ng zipper ng aking bag at humarap sa kanya. "Nandito ka na agad." Hindi ko alam ang sasabihin!

"Well," Humawak siya sa kanyang baba at tumingin sa kisame. "Nagpaalam akong magsi-CR tapos tumunog 'yung bell kaya hindi na ako bumalik." Nagumiti siya ng malapad.

Nag-CR tapos dala 'yung bag?!

Hindi naniniwalang tinapunan ko siya ng tingin. "Okay..."

"Okay! Let's go!" Bago pa man tumabi sa akin si Denise ay may kumalabit sa kanya na kaklase kong lalaki.

Humarap naman sa kanya si Denise at hinintay itong magsalita. "Ano... umm..." Nagkamot ito ng batok na tila nahihiya. "P-puwede bang magpa-picture? Please! Idol kasi kita."

"Sure!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Denise. "Where's your phone?"

Nagliwanag naman ang mukha ng lalaki at inilabas ang smartphone niya.

Palihim naman akong ngumuso habang pinapanood silang nagse-selfie. Hmp.

"Thank you po, Miss Denise!" Nagniningning ang matang sabi ng lalaki at nagpaalam.

Agad na tumabi sa akin si Denise at ipinagsalikop ang mga kamay namin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at sinubukang alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Pero hindi siya nagpatinag. "Why, Aaryn?" Nagtatakang tanong ni Denise.

"Everyone will see..." Mahina kong sagot.

Tumaas ang isa niyang kilay. "So?"

Hindi ako nakasagot kaya nagsimula na siyang maglakad palabas ng classroom. Gulat na napasabay na lamang ako sa paghakbang niya habang nanatili pa ring magkahawak ang mga kamay namin.

Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid at naramdaman ang mga titig nila.

Ang hirap naman ng may sikat na girlfriend!

"What do you want to eat?" Ang tanong ni Denise habang naglalakad patungong cafeteria.

Nag-isip naman ako ng gusto kong pagkain nang maputol iyon ng isa na namang pagtawag kay Denise.

"Miss Denise! Puwede po bang pasulat ng name ko dito tapos pa-autograph na rin? Number one fan mo po talaga ako!" Humarang ang isang cute na babae na may pixie haircut, hawak-hawak ang isang sketchpad at pentel pen. Katulad kanina ay napakasaya ng itsura nito habang nakatuon ang atensyon kay Denise.

"Uhh, sure." Binitiwan ni Denise ang pagkakahawak sa kamay ko upang ku'nin ang sketchpad at pentel pen sa babae at nagsulat.

Napatingin na lang ako sa malayo habang nakatayo sa tabi ni Denise. I guess this will happen a lot. I should get used to it.

"...ryn. Aaryn!" Napakurap ako at naramdaman ang init ng kamay sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Denise. She's cupping my face right now.

Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Wala na rin 'yung babae.

Bigla ay hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa mga mata niya. Pakiramdam ko kasi mababasag ang boses ko kapag once na magsalita ako.

Shit, bakit naman ako maiiyak?

"What's wrong?" Maamo niyang tanong.

Umiling lang ako.

Tinitigan niya lang ako pagkatapos. Halos manginig ang tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya. Parang nilalamon nito ang buong pagkatao ko.

Ngunit mabilis na naputol ang lahat ng iyon nang sakupin niya ang labi ko.

Right here. Right now. Sa harap ng mga taong humahanga sa kanya.

Napatayo na lang ako, ni hindi magawang isara ang mga mata dahil sa gulat. Kitang-kita ko ngayon ang kahabaan ng pilikmata niya.

Napakaganda. Nakakatunaw.

Hindi ko na binigyang-pansin ang mga singhap nila. I felt... secured.

Pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas siya at ipinagdikit ang mga noo namin.

Kinagat niya muna ang labi niya bago magsalita. "Always remember this, Aaryn..."

Tumama ang mainit niyang hininga sa labi ko.

"No matter what happens, you'll always be the number one in my heart."

I smiled a happy smile.



*****

Online classes suck.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon