twenty-two

4.2K 197 10
                                    


*****

The NERD's POV

Papunta ako ngayon sa kapatid ko. Miss ko na rin kasi siya at hindi ko na nakakamusta.

Nasa harapan na ako ng pintuan ng dorm namin at kinatok iyon. Ilang segundo lang ay bumukas ito at iniluwa si Joana na nakapantulog na, which is oversized shirt and short shorts.

Hindi ko pala alam kung anong oras na. Basta-basta na lang akong nang-iistorbo.

"Oh, ate! Naparito ka? Come in." She opens the door for me at agad naman akong pumasok dahil nilalamig ako sa labas.

Kukusot-kusot ang matang naupo ito sa kama niya. Sinilip ko ang oras sa digital clock at nakitang 9:15 na pala ng gabi. Malapit ng mag-curfew, pero wala akong planong bumalik sa dorm na iyon ngayong gabi. Hindi ko pa sila kayang harapin.

Naupo ako sa tapat ng kapatid ko na may nagtatanong na tingin.

"Pasensya na kung naistorbo kita, Joana. Makikitulog lang ako ngayong gabi rito." Inayos ko ang dati ko kama at humiga patagilid para nakatingin pa rin ako sa kanya.

"May problema ba?" Diretsong tanong ni Joana.

Hindi ako agad nakapagsalita. Sasabihin ko ba sa kanya? Na sawi sa pag-ibig ang nag-iisa niyang ate?

Imbis na maiyak sa naisip ay natawa pa ako habang tumihaya ng higa para titigan naman ang kisame. Ipinatong ko ang isang braso sa aking noo at sinubukang mag-ipon ng mga sasabihin. There's no point in hiding it to my sister, anyways.

"Isang araw... nagising na lang ako na litong-lito sa nararamdaman ko sa dalawang magkaibang tao." Panimula ko. Ramdam kong nakatuon ang atensiyon sa akin ni Joana kahit tahimik lang siya sa tabi ko.

"Inis na inis ako sa sarili ko kung bakit kailangan kong maramdaman iyon gayong wala naman akong karapatan. I'm just a nobody, at ang maramdaman ang mga ganoong bagay ay hindi nag-e-exist sa mga plano ko sa eskuwelahang ito. Ang gusto ko lang naman simula pa lang noong una, is to graduate with pride. Na kahit hindi tayo mayaman kagaya ng karamihan dito, hindi naman n'on mababawasan ang kakayanan nating maging matagumpay at makamit ang mga pangarap natin gaano man ito kataas."

I bit my lower lip before closing my eyes. "Kung hindi ko lang sana pinansin 'yong mga ungol sa sulok ng library, hindi niya sana ako hinabol nang may pagbabanta. Hindi sana ako nagpumilit pumasok sa kwarto ng isang estranghera para magtago. Hindi ko sana sila nakilala. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon." Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko, but I did not make any effort to hide my tears.

"Pero alam mo, Joana, hindi naman ako nagsisisi, e. Kasi nabigyan ng kulay ang buhay ko n'ong dumating sila. 'Yong tipong palagi akong nadadamay sa kapahamakan, pero at the end of the day, mararamdaman kong nandiyan sila para protektahan ako. Nandiyan sila para magalit at mag-alala kapag napapahamak ako. Naramdaman ko na mahalaga ako. Naramdaman ko na may mga kaibigan akong masasandalan. Hindi na ako nobody basta't kasama sila." My voice started to quiver but there's no stopping now.

"Pero lintik na 'yan, bakit kailangang pati puso ko, madamay? Bakit... bakit kailangan kong maranasan 'yong mga paru-parong nagliliparan sa tiyan kagaya ng mga nababasa ko sa libro? Bakit kailangan kong maramdaman ang hindi ko dapat maramdaman? Bakit kailangan kong mahulog?"

"Ang bigat sa puso. Ang bigat-bigat. Kasi alam naman ng puso ko kung sino ang tinitibok nito, pero... pero the way she looks at her. Alam ko na agad. Alam ko na agad na hindi magkasabay ang tibok ng mga puso namin. Kaya nilunok ko na lang ang feelings ko. Pinilit ko namang k-kalimutan, e. Pinilit kong mas pahalagahan 'yung pagkakaibigan namin. Pero sabi nga nila, hindi habambuhay kaya mong magpanggap. Darating lagi ang oras na hindi mo kakayanin at sasabog na lang ito bigla." I clutched my chest, hard.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon