*****The NERD's POV
The bell rang.
Yeeesh! Tapos na klase. Gusto ko ng humiga kahit sa sahig lang ang higaan ko. I feel so tired. Nag-quiz kami sa Math, Physics at sa English. Buti na lang lagi akong may stock knowledge at pinakamababa ko na ang 2 mistakes, which is in English. Hehe.
Inalis ko sandali si pareng eyeglass at kinusot ang mata ko. Pagkatapos nun ay ibinalik ko na rin agad sa mata ko. Inayos ko ang gamit ko at naghandang lumabas ng classroom.
Lalabas na sana ako ng pigilan ako ng isang, "Waaaiiit!" na mula sa isang pamilyar na boses. Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko si Claire na nagmamadaling pumunta sakin.
Agad siyang lumingkis sakin at nginitian ako ng malaki. Err.
"Tara na!" Hyper niyang tili.
Hinila niya ako palabas ng classroom namin. Ako naman ay nagpapaanod lang dahil bukod sa malaki rin siyang babae ay pagod na ako para pigilan siya sa paghila sakin. Kaya nagsalita na lang ako, "Saan tayo pupunta?" Na sinundan ng isang hikab. Eh sa pagod na nga kasi ako!
"Awe, you're so adorable!" Tili niya ulit at kinurot ako ng mahina sa pisngi. Napanguso naman ako dahil dito.
Isang bata ba ang tingin niya sakin? Porket maliit ako, ah!
Hindi nasagot ang tanong ko sa kanya at patuloy pa rin siya sa paghila. Magtatanong sana ako ulit nang biglang...
"Ate?" Tawag ni Joana na kasalubong namin. Agad na tumigil sa paglalakad si Claire at nakapagtatakang pinagkatitigan ng maigi ang kapatid ko.
Napanganga siya at nanlaki ang mga mata. Pagkatapos ay may ibinulong siyang hindi ko naman gaanong naintindihan. "So she's asdfghjkl... qwertyuiop crush zxcvbnm..." bulong nito at lalong naintriga ng mapansing namula ng bahagya ang mga pisngi nito. I smell something.
"Saan ka pupunta ng, um... kasama mo?" Tanong pa ni Joana kaya nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya.
I cleared my throat. Saan nga ba kasi kami pupunta? "Well... ano," patay ako sa kapatid ko kapag nalaman niyang basta na lang ako nagpapahila tapos hindi ko naman alam kung saan pupunta. Over-protective pa naman siya.
"Hi! I'm Claire Lim, you're sister's friend! We're just gonna hang out for a bit... um," binitawan ni Claire ang kamay ko and cutely scratched the back of her neck.
"Joana," may paghihinala sa boses na pakilala ng kapatid ko. Err.
"Yea, Joana! I'm just gonna borrow your sister for a while. Nice to meet yah!" Hyper niyang sabi bago ilahad ang kamay sa harap ni Joana.
Medyo ang awkward pa nung una dahil tinitigan lang ng kapatid ko ang nakalahad na kamay ni Claire. Muntik ng ibaba ni Claire ang kamay niya kung hindi lang nagpasya si Joana na tanggapin ito. Napalitan ulit ng happy face ang mukha ni Claire na parang nawawalan na ng hope kanina.
"Okaaay... sige mauna na 'ko, ate. And... Claire." Parang hesitant na paalam ni Joana dahil hindi pa rin binibitawan ni Claire ang kamay nito. I really smell something dito kay Claire na 'to. She seems nice, though.
Sumagot lang ako ng isang okay bago siya umalis sa harapan namin. Hinawakan muli ni Claire ang kamay ko at hihilain na sana ako ulit ng may pumigil na naman dito.
"Ms. Cordova?" Si Ms. Hope!
"Ms. Hope!" Masigla kong bati bago ayusin ang salamin sa mata. Ang ganda pa rin ni Ms. Hope. Kyaaa!
Ginawaran niya ako ng isang ngiti pero agad iyong nawala at parang nanigas sa kinatatayuan nito ng mapadako ang tingin sa katabi ko. Naramdaman ko namang himigpit ang kapit ni Claire sa kamay ko at nakapagtatakang... lumamig iyon.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...