thirty-three

4.3K 177 88
                                    


*****

The NERD's POV

Hila-hila pa rin nila akong dalawa habang naglilibot kami rito sa open field kung saan maraming rides. It almost looked like a theme park rather than a school. And there is so much students!

It's strange though, ngayon na lang 'ata ako ulit nakakita ng lalaki inside an all-girls school (except Mr. Sebastian, of course), and I pertain to the operators of the rides.

"Okay, bitiwan niyo na ako, para namang makakatakas ako, 'no," sabi ko kay Lunar at Amber na kung makapulupot sa aki'y akala mo'y mga ahas.

"It's strangely comfortable clinging onto you," diretsong saad ni Amber.

"Mm-hmm, mm-hmm." Pagsang-ayon naman ni Lunar.

So, ginawa nila akong walking pillow, ganun?

So, ang ending ay hindi nila ako tinantanan at pirming pumulupot ang dalawa sa magkabila kong braso na parang mga batang takot mahiwalay sa ina. At ang malala talaga nito ay ang mga pamatay na titig na natatanggap ko. Aba naman kasi! Bakit ba dinidikitan ako ng mga d'yosang bumaba sa lupa!

"Aha! Let's ride that!" Sinundan namin ang itinuro ni Lunar na isang... roller coaster.

"AGAD?!" Magkasabay pa naming naisagot ni Amber kay Lunar. "Baka naman mawala agad lahat ng kinain natin," dagdag pa ni Amber.

"Hindi 'yan. You two are such a chicken," pang-aasar ni Lunar.

"H-hindi pa kasi ako nakaksakay diyan kahit kailan," I said truthfully.

"Then this will be your first time! It's fun, I promise."

"Huwag kang maniwala sa bampirang 'yan! Maiiwan kaluluwa mo doon!" Tanggi ni Amber.

"Ang sabihin mo hanggang carousel ka lang!" Panunuya pa ni Lunar.

"Ano?!" Naghahamong sigaw ni Amber.

And after a few minutes of bangayan, Amber surprisingly won kaya naman nakapila kami ngayon sa carousel. Napapansin kong parang ang daming mag-jowa na nakapila rito at ang iba naman ay sumakay lang para mag-picture. Ano pa nga bang aasahan, eh pambata lang naman kasi talaga ang carousel. Which is good, takot ako sa extreme rides. Ehe, ehe.

Tahimik lang akong nakapila habang nag-uusap ang dalawa tungkol sa SSG stuff, when I suddenly caught a glimpse of Arohi's figure sa may harapan. I squinted my eyes, trying to confirm kung siya nga iyon. Na-interrupt lang ako nang mag-move ang pila and lost track of her.

Soon enough, nakumpirma kong si Arohi nga ang nakita ko dahil umakyat na siya sa platform at sumakay sa kabayo...

...with Jasmine on her side.

Then, I was struck with this excruciating feeling I've never felt before. The feeling of many tiny needles penetrating my heart.

Is this how she felt when I turned her down?

With that question in mind, it even felt worse. The idea of her being hurt miserably because of me.

Why? Why am I feeling this now when... when...

...it's already too late.

"H-hey, Joaquinne, right? Are you alright?" I was stunned for a moment when Lunar puts her hand on my shoulder.

Don't tell me...

I touched my face and my fingers were instantly wet by the liquid coming out of my eyes.

I am so pathetic.

"I'm-I'm sorry. I got to go." Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Amber sa pangalan ko nang mabilis akong humakbang papalis sa pila, papalayo sa kanila. Sa kanya.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon