****I considered all of your suggestions para sa cast. Check it out! Don't murder me, jebal~ Afterall, kayo pa rin naman magde-decide kung sinong magpe-play sa utak niyo as characters. :P
(Ang cool nung babae sa cover ko kahit wala siyang kinalaman sa story.♡)
****
The NERD's POV
"Ako naunaaargh! Alis! Shoo, shoo!" Pilit inaalis ni Arohi ang kamay ni Cassie na nakahawak din sa pinto ng CR.
"Bítch, mas nauna 'ko sayo! Fúck off!" Hindi sumusukong sabi naman ni Cassie.
Ako? Nakaupo lang dito sa kama habang pinagmamasdan sila. Naka-uniform na ako kasi inagahan ko talaga ang gising. Alam ko kasing mangyayari ang ganitong scenario. Kaso mukhang napasobra yata dahil medyo marami pang oras bago magklase.
Nag-away sila ng nag-away sa kung sinong mauunang maliligo habang nag-aagawan sa door knob.
Nagulat sila, maging ako, nang bigla itong bumukas at bumungad ang nakatapis na si Lianna. Halata sa mukha nito ang inis. Napaatras silang dalawa at napatingin sa babae. "What the fúck is wrong with you two? Too early to piss me off!" Singhal nito habang magkakonekta ang dalawang kilay.
Hindi nagsalita ang kahit isa sa kanilang dalawa bagkus ay sumipol lamang si Cassie. "Hot." Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang nakatapis na katawan ni Lianna. Perv.
"Pervertito!" Sumugod si Lianna sa direksyon ni Cassie kaya agad itong nagretreat at tumakbo sa buong kwarto, sumisigaw ng"Rè! Rè! Rè!" habang tumatawa ng pang-asar. Napailing ako sa nakikita.
Bumalik ang tingin ko kay Arohi na nag-shrug lang at pumasok na sa CR.
"Lalaine! This is your fault! Naunahan tuloy ako ng bítch na yun sa CR! Hěn fánrén." Huminto sa pagtakbo si Cassie at hinarap si Lianna.
"Oh, no, no, no you won't--AAAHHH!" Ngayon si Lianna naman ang hinahabol ni Cassie, na tumatawa na parang dracula.
Now tell me please if I can stand them at least for another day.
****
Lunch time.
Paglabas ko ng pinto ng classroom namin ay nakita kong nakaabang ang kapatid kong si Joana. Biglang sumigla ang mood ko at in-approach siya. "Joanskiii! Na-miss ka ng maganda mong ate," I said and hugged the hell out of her.
"H-hindi naman ako makahinga!" Reklamo niya kaya kumalas na ako. Inayos ko ang eyeglasses ko at kinagat ang dila ko habang nakangisi.
"Pa-cute ka, ate." Tatawa-tawang komento ni Joana.
Ngumuso naman ako. "Tara na nga! Nagkakainan na mga organs ko sa katawan."
Sabay kaming naglakad patungo sa direksyon ng cafeteria at sinalubong ang maraming estudyanteng papunta rin dito para kumain. Pagpasok sa cafeteria ay punuan kahit ang lawak ng espasyo dito.
Pumila na kami sa counter at inilabas ang card na ibinigay sa amin bago kami makapasok dito. Ipinapakita lamang namin ang card na ito at gets na agad ng crew at bibigyan kami ng kahit anong naisin naming kainin. Ang astig, 'no? Pero siyempre kahit ganun ay hindi namin ito inaabuso ng kapatid ko.
Nag-order ako ng baked mac dahil nagke-crave ako dito. Si Joana naman ay kanin at ulam ang in-order. Habang naghahanap ng mauupuan ay nahagip ng mata ko ang isang table kung saan nakaupo si Cassie kasama ang tatlong babae na hindi pamilyar sa akin. Parang na-gets ko na nilalandi siya ng mga ito ngunit bakas sa mukha niya na wala siya sa mood. At pinipigilan lang ang sariling bulyawan ang mga nakakainis na babae.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...