*****The BITCH's POV
Biglang tumunog ang alarm hudyat na tapos na ang isang oras namin para manatili sa loob ng tent na ito.
I will surely remember this moment.
Pumasok ang mga Grade 7 students at may hawak pang Instax camera 'yung isa. Great, kukuhanan nila kami ng pictures. Maybe for remembrance, basta h'wag lang nilang subukang i-display iyon sa public kung ayaw nilang makalbo ko sila.
"Smile po kayo, ateng mag-jowa! One, two, three..." Itinapat ng babae ang camera sa amin at dahil hindi ako photogenic ay nanigas lang ako doon na parang nagpapakuha ng ID picture.
"Smile naman po! Parang na-e-ebak kayo na hindi malaman, eh. Um, suggest ko na lang na mag-titigan kayo. Yiiieee!" Pangangantiyaw pa nito na ginatungan pa ng mga kasama niya.
"A-ah, eh..." Pag-aalinlangan ni Joaquinne.
Bumulong ako sa kanya. "Let's just get this done para makaalis na rin tayo rito. A'right?"
"Sige n-na nga." Mahina niyang tugon.
Unti-unti niyang ibinaling ang kanyang ulo pakanan kung saan nakapatong ang aking ulo. Hanggang sa nagpapalitan na kami ng sariling hininga sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa.
I stare at her eyes, deep and searching for nothing in particular. Until I found myself lost in it.
"'Yown! Oh, girls, h'wag muna kayong magulo, ha. Baka ma-distract sila!" I don't even understand anything now. All I could think of is how beautiful and moving Joaquinne's eyes are. And do you know what the scary part is?
Her eyes... it is painfully familiar. And I feel so stupid for noticing it just now.
But it was too surreal to happen. I am surely just imagining things. Seriously, I need to know how to move on.
"Wow! Great pose! Parang nasa pictorial ang peg!" Nagtawanan ang mga ito dahilan upang mapaiwas ng tingin sa akin si Joaquinne, gayundin naman ako.
Sinusian nila ang mga handcuffs namin bago kami tulungang alisin ang telang nakatali sa katawan namin kanina.
Lumabas kami sa tent at sinalubong ang ingay ng mga estudyante at medyo mainit na sinag ng araw. Tumingin ako sa aking gilid, only to find out na wala na si Joaquinne. Ang bilis naman niyang makaalis.
Bago ako umalis palayo ay kinuha ko ang picture naming dalawa ni nerd. Kasama na 'yong unang pic na mukha raw kaming na-e-ebak. I don't know what that means pero mukhang fit naman siya sa itsura naming dalawa ni Joaquinne. Nasa ikalawang picture naman ang intense na staring game naming dalawa.
Mukhang tanga akong nagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa picture namin, still here near the Chain Booth. At bago pa man ako mamula or anything ay mabilis kong itinago sa bulsa ang naturang pictures.
I exhaled some air and kept my usual poker face.
Hmm, saan ba rito ang tent nila Jasmine?
Naglakad-lakad ako at hindi pa nakakalayo sa Chain Booth ay may humawak na namang dalawang kamay sa magkabilang braso ko.
Out of reflex ay iwinaksi ko ang mga ito at tumakbo ng mabilis palayo. Not fucking again!
Ngunit dahil gulong-gulo ang isip ko ay nakabangga ako ng isang babae at pareho kaming napaatras. Sabay kaming nag-angat ng mukha at nagtama ang aming mga mata.
Brat.
Hindi na ako naghintay na makapagsalita siya at mabilis siyang nilampasan. Ngunit nagulat ako nang hawakan ako ni Cassie sa braso at hinila ako pabalik sa kanyang harap.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Fiksi RemajaNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...