*****"Kaya mo ba?" Ipinalibot ni Denise ang kanyang braso sa balikat ni Aaryn nang bumangon siya sa clinic bed. 3:30 P.M. na nang mapagpasyahan nilang umuwi at masiguradong okay na ang pakiramdam ni Aaryn.
"Oo naman, okay na ako. Salamat sa pag-aabalang magbantay sa'kin." Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Aaryn sa gawi ni Denise, na tuluyan na ring nahawa sa kanyang ngiti. "Hayaan mo akong i-treat ka ng merienda pauwi. Nakain ka ba ng mga street foods?" Dagdag ni Aaryn,
"Oo naman! Fan ako ng street foods. Lalo na kapag libre." Tumawa si Denise.
Pakiramdam naman ni Aaryn ay parang may dumaloy na warmth sa puso niya nang marinig ang tawang iyon.
_____
Walking distance lang ang bahay nila Aaryn mula sa school kaya naman araw-araw ay nilalakad niya lang ito. Naging considerate naman siya kay Denise kung gusto nitong mag-commute, na magalang na itinanggi ni Denise.
Maulap ang langit habang tinatahak nila ang daan pauwi, dahilan upang matakpan ang araw at hindi maging mainit ang lakarin nila.
"Sana hindi umulan. Walang masisilungan sa may mga hanay ng street food doon, at wala rin akong payong. Hehe." Nag-peace sign si Aaryn matapos ang matipid niyang tawa.
"May dala akong folding umbrella sa bag ko. Hindi ko lang sure kung magkakasya tayo," tugon ni Denise habang pinagmamasdan ang kalangitan, tinatantya kung aabutin ba sila ng ulan. "Bilisan na lang natin para makauwi tayo agad."
Walang alinlangang hinawakan ni Denise ang kamay ni Aaryn, at nagsimulang hilahin ang babae kasabay ng mabibilis niyang hakbang. Imbis na mag-focus si Aaryn sa paglalakad-takbo ay nagawa niya pang damhin ang magkasalikop nilang kamay ni Denise.
'This is normal! Don't freak out, you idiot.' Sermon ni Aaryn sa kanyang sarili.
Hindi namalayan ni Aaryn na nakarating na sila sa mga hanay ng street foods dahil nasakop na ng magkahawak nilang kamay ang utak ng babae.
Naglaro sa kanilang ilong ang iba't ibang amoy ng mga pinipritong street foods.
"Hmm... I don't know what I want to eat," mahinang sambit ni Denise habang inililibot ang tingin sa mga nakahanay.
Bigla namang kumidlat na may kasamang malakas na kulog, dahilan upang mapatalon at mapayakap silang dalawa sa isa't-isa. Tumagal iyon ng ilang segundo hanggang sa mapawi na ang mabilis na kabog ng mga puso nila.
Agad na kumalas si Aaryn. "Sorry," nahihiyang sabi ng babae.
"Okay lang," tugon naman ni Denise. Tumawa siya ng mahina dahil sa naalalang pagkagulat nilang dalawa sa kulog.
Hindi mapigilang mahawa ni Aaryn kaya't nakitawa na rin.
Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman nila ang maliliit na patak ng tubig sa kanilang mukha at braso. Nagbabadya na ang malakas na ulan at nalimutan nila ito. Mabilisan na lang silang bumili ng iba't ibang street food na makita nila at isinupot na lang, bago tumakbo patungo sa bahay nila Aaryn.
Tumigil sila sa harap ng isang black na gate. Inalis ni Aaryn ang lock nito at inayang pumasok si Denise. Pagpasok nila sa gate ay pinagmasdan ni Denise ang harap ng bahay nila Aaryn. May kalakihan ito, nahalata niyang may-kaya ang pamilya nila Aaryn. Hindi na rin siya nagtaka dahil nalaman niya kay Rikki na Engineer ang ama ni Aaryn, samantalang nurse naman sa ibang bansa ang ina nito. Bukod doon, ay wala na siyang alam.
'Later, I'll know more. Well, maybe,' aniya sa kanyang isip.
Maluwang ang space sa harapan ng bahay na covered ng bermuda grass. May makikita ring mga halaman sa gilid pero malamang ay hindi pa ito ang garden.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...