*****The NERD's POV
Nagulat ako ng hapitin niya ako sa bewang at bulungan ako sa tenga. "Gotcha." Napalunok naman ako dahil ang liit lamang ng distansya ng mga mukha namin sa isa't-isa.
Nakakailang ang paraan ng pagtitig niya sa aking mata kaya naman parang naglaho ang boses ko at nanigas na lang sa aking pwesto. Pababa ng pababa ang kanyang mga mata hanggang sa tumigil ito sa aking labi. Nakita ko ang ginawa niyang paglunok na nagpa-init sa magkabila kong pisngi. Ano bang tumatakbo sa isip mo, Arohi?
Nagulantang ako ng walang sabi-sabing inilapat niya ang mga labi sa akin. Huh? Huh?!
Lalo akong nawindang nang hapitin niya pa ako sa likuran ng aking ulo gamit ang isa niyang kamay. Para akong tuod na nakatayo lang doon, hindi pa rin nagpa-process kung ano bang nagaganap. Tuluyan na nga niyang iginalaw ang kanyang labi sa nanginginig kong labi. Parang mahihimatay na yata ako ng kagatin niya pa ang ibaba kong labi. Hindi ko napigilang ilabas ang isang mahinang ungol. Naramdaman ko ang bahagya niyang pag-smirk sa pagitan ng halik niya sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Sinubukan ko siyang itulak ngunit mukhang alam na niya ang aking balak kaya agad niya itong naagapan. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig at naramdaman ko na lang na napasandal na ako sa malamig na bato. Napaigtad ako dahil sa contact kaya naman medyo nagpanic na ako. Naramdaman niya siguro iyon kaya binagalan at masuyo niya akong hinalikan. Kailanman ay hindi ako tumugon simula ng halikan niya ako. Dahil hindi ako marunong! Gosh!
Parang walang saysay ang malamig na bato sa aking likuran dahil pakiramdam ko nasa oven kaming dalawa. Alam kong ramdam niya rin iyon dahil hindi na tubig ang tumutulo sa mukha at buong katawan namin kundi pawis. ANG INIT!
Anytime ay mapuputulan na akong ng hininga dahil hindi ko talaga alam kung paano ko igagalaw ang labi ko. Parang narinig niya ang naiisip ko dahil pinakawalan niya ang kawawa kong labi at inulanan ako ng mga mumunting halik sa panga pababa sa leeg. Wala na akong lakas para pigilan siya dahil nanlalambot na ako sa ginawa niyang paghigop ng enerhiya ko. Grabe lang.
Feeling ko kulang na lang ay kumulo na ang tubig sa paligid namin sa sobrang init. Paano ba naman po, nasa collarbone ko na ang mapangahas niyang labi at sinipsip pa nga doon! Oh my!
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itulak siya palayo sa personal space ko. Siguro sobrang nakuryente lang ako sa... sa ginawa niya sa akin kanina lang kaya nabuhay ang mga red blood cells ko. OMAYGAD!
Ang itsura namin ngayong dalawa ay parang hinabol ng isang milyong aliens. Habol-hininga.
Nahiya ako ng sobra sa mga nangyari lalo na ng titigan niya na naman ako sa mata. Kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang magkabila kong kamay. Kainis!
Naramdaman kong papalapit na naman siya sa akin kaya inunahan ko na. "HEP! DIYAN KA LANG!" Sabay silip ko sa pagitan ng aking mga kamay. Nang makita kong nakatayo lang siya sa pwesto niya ay umayos ako ng tayo. I crossed my arms at pinanlisikan siya ng mata.
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko, pero 'yung mukha niya ay tipong parang ano... ano bang tawag doon... pa-inosente? Oo 'yon nga! Hrgh.
I cleared my throat at inipon ang lahat ng lakas ng loob sa mundo para itanong ito sa kanya. "May gusto ka ba sa akin?" Mas maganda ang straight to the point! Assume-an na 'to!
Again, binigyan niya na naman ako ng makatindig-balahibong titig sa mata at walang pag-aalinlangang sinagot ang tanong ko.
"Yes." Straight to the point nga!
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Ficção AdolescenteNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...