thirty-five

4.2K 166 32
                                    


*****

The NERD's POV

"Nasa Araneta Coliseum ba tayo?" Manghang saad ni Arkin.

"Yeah, I know." At ang daming tao. Dito kasi gaganapin sa Gym ang lahat ng mga natitira pang events. Bago mag-rave party, may pageant pa tapos awarding sa mga players. At ang mga hosts ay sina Lunar at Amber, looking their bests.

Sa loob ng Gym ay super winner ng mga disenyo. May bar sa magkabilang gilid and tables and all, at may malaki pang disco ball sa gitna. Pak! Galing nila Lunar at Amber!

Nakahanap kami ng mauupuan ni Arkin sa may bandang gitna.

"Good evening, ladies and gentlemen!"

Isang malakas na sigawan ang dumagundong sa loob ng Gymnasium.

_____

Nanalo ang school namin sa Basketball, Tennis at Track and Field. Not bad!

Kumaway pa nga sa akin si Cassie kanina pag-akyat niya sa stage, hawak ang kanilang trophy. Ang talas talaga ng mata!

Hindi ko naman kilala ang mga nanalo sa pageant but yeah, they're all undeniably gorgeous.

"Kaibigan ko nga pala 'yon, si Cassie," paliwanag ko kay Arkin na nag-"Ooh" lang.

"Grabe, bes. Nagkaroon kami ng eye contact n'ong babae sa pageant kanina tapos nginitian niya pa ako! Feeling ko naka-move on na ako kay Karin," pagde-day dream niya.

"Ah, baka type n'un ang exotic beauty," flat kong sagot.

"Naakit 'yon sa mga pandesal ko," pina-husky niya pa ang boses niya ng sabihin 'yon.

"Kilabutan ka nga! Pero..." Kunwaring napatingin ako sa likod niya. "...si Karin ba 'yon?!"

"Saan?!" Daling-daling hinawi ni Arkin pataas ang naka-gel niyang buhok bago lumingon sa kanyang likod.

"Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala nang papalit sa'yo?~" Kanta ko sa kanya.

"Bweset kang impaktita ka!" Piningot niya ako ng mahina.

Sinamaan ko siya ng tingin bago bumulong, "Pa-eye contact ka pang nalalaman diyan."

"This is the most awaited part of Regona High's Sports Fest..." Si Lunar.

"Woooooh! I love you, Lunar!"

"Are you ready to kill it?!" Si Amber.

"Amber, notis meh!"

Then they shouted in unison. "Let the Killer Rave Party... begin!"

Nagsimulang dumagundong ang EDM music sa bawat sulok ng Gymnasium ng Regona High at nag-dim na rin ang buong paligid. Tanging 'yong disco ball at mga nagkalat ng DJ lights na lang ang source of light namin.

Halos lahat ng mga nakaupo sa bleachers ay nagsimulang magpuntahan sa gitna, with their own kind of dance steps.

And yes, this is my first time to ever experience a rave party.

Tumayo si Arkin sa aking tabi. "Lezgaw, Relaira! Tayo na lang hinihintay ng dance floor!" Malakas na sabi ni Arkin.

Unti-unti akong ngumiti dito. "Lezgaw!"

_____

After around twenty minutes siguro, kinalabit ko si Arkin na magbabanyo muna ako. Ayoko siyang abalahin masyado dahil mukhang nakahanap siya ng kasayaw niya.

At saka naiilang talaga ako sa mga glances na nakukuha ko sa mga nasa paligid ko. Hindi ko na lang pinapansin but I really know na nakatingin sila. Nangyari na rin ito n'ong nag-contacts ako n'ong nakaraan imbis na eyeglasses. So my eyeglasses is some sort of... attention... barrier or something. Hahaha.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon