*****The BITCH's POV
Her familiar eyes...
The man in the suit...
Joaquinne's real father...
Lyle's disappearance...
No... no!
Am I just being crazy?
Bakit konektado ang lahat?!
Posible bang... si Lyle... at... at... Joaquinne...
I screamed. Out of frustration. I need to know the truth. Hindi ako matatahimik.
I need to talk to her.
Joana.
*****
The NERD's POV
Kung hindi ko kasamang lumaki si Joana, hindi ko malalaman na may tinatago siya sa akin. Magaling siyang umakto, pero kilalang-kilala ko na siya.
Kaya hindi gagana sa akin ang pagtanggi niya.
Tumaas ang dalawa nitong kilay at ngumiti ng bahagya, animo'y isang inosenteng bata.
"Bakit, ate? Wala lang ang kahong 'yon. Lagayan ko lang iyon ng mga luma kong kagamitan n'ong nasa probinsya pa tayo nakatira," kalmado nitong saad at nakipagtagisan pa ng titig sa akin.
Kilala kita.
Sinuklian ko rin ng isang ngiti si Joana. "Nakita ko kasi na parang ang daming papel. Mga sulat ba ang mga iyon? Kanino galing? Kay Inay at Itay ba ang mga 'yon?" Tanong ko.
Pakiramdam ko...
Pakiramdam ko kasi, ang mga sulat na iyon ang bubuo sa pagkatao ko. Kahit anong pilit ko na iwaksi ang isipin na may kulang sa akin, meron talagang kulang. Ayoko nang ikaila dahil iyon ang totoo.
"Ah, wala lang 'yon. Naalala mo ba si Obet? 'Di ba patay na patay sa akin 'yon tapos lagi akong sinusulatan kahit sabihin kong tigilan na niya dahil wala siyang pag-asa sa akin. Natatawa lang ako sa mga ala-alang 'yon kaya naitago ko ang mga sulat niya." Ang mahaba niyang kuwento a aming nakaraan.
Oo nga, tanda ko ang makulit na lalaking iyon pero...
Tandang-tanda ko rin 'yung ilang beses ko siyang nahuli na tinatapon ang mga sulat sa kanya dahil hindi siya interesado.
Nagsimulang mamasa ang mga mata ko dahil sa ideyang matagal na akong niloloko ng sarili kong kapatid.
"A-ate..." tawag nito sa akin ngunit nanatiling nakatayo sa kanyang puwesto.
Naramdaman ko naman ang pag-aalala ni Cassie nang hawakan ako nito sa aking likod.
I clenched my jaw to stop my tears from falling. "Alam kong may kulang sa akin... ramdam ko na dati pa na hindi buo ang pagkatao ko. Na may dahilan kung bakit inaasar akong ampon ng mga kaklase ko noong bata pa ako kahit hanggang paglaki. Hindi ko kamukha sila Inay. Hindi tayo napagkakamalang magkapatid sa unang tingin," pigil na pigil ang paghikbi ko sa pagpapahayag ko sa matagal ko nang mga kinikimkim. "At higit sa lahat, hindi ko matandaan ang pagkabata ko. Ang alam ko lang ay naaksidente kami ni Inay sa pagsakay ng jeep at ako lang ang nabuhay. At pagkatapos noon? Sabi niyo nagka-amnesia ako dahil sa matinding pagkakabagok. Pero sa pagtagal ng panahon, gabi-gabi akong naiyak sa mga nagfa-flash sa utak ko na mga pangyayaring hindi ko naman naranasan. Hindi ko alam kung saan at kung sino ang mga kasama ko. Hanggang sa lumala at madalas ko na ring mapanaginipan."
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib dahil sa kawalan ng paghinga dahil na rin sa sobrang pagpigil ng iyak. "Hinihintay ko lang, Joana." Nanginig ang aking boses at sa puntong ito ay hindi ko na kinaya at hinayaan na lang na umagos ang aking mga luha. "Hinihintay ko lang kayo na ipakilala kung s-sino ba talaga ako. Pero nang mawala si Itay, nawalan ako ng pag-asang may makapagsasabi pa sa 'kin. Pero ngayon... alam ko... alam kong kilala mo ako. Please, sabihin mo kung sino ba talaga ako."
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...