*****The NERD's POV
"Kumakain naman po ba kayo ng maayos, Nanang?" Nakaupo ako ngayon sa kamang kinahihigaan ni Nanang Edna. Kaming dalawa lamang ang nasa loob ng kanyang kuwarto ngayong hapong ito.
Ngumiti ng matamis ang matanda sa akin na nagbigay ng kakaibang kirot sa puso ko. "Oo naman, anak. Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Alam mo namang pasaway ang mga anak ko, wala nang magbabantay sa kanila kapag nawala ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umubo siya. Lumalamig na kasi ang panahon.
Pinigilan kong mapaluha at pilit na ngumiti. "'Yon, oh. Dapat palaban, 'Nang!" Ang sabi ko na lamang.
Ang hindi niya alam, inaaresto na ngayon ang panganay niyang anak na si Kuya Jari sa kasong murder. Pinakiusapan ako ni Arkin na samahan muna si Nanang dahil hindi niya p'wedeng malaman ito. Bawal kay Nanang ang makaramdam ng extreme emotions dahil sa sakit nito sa puso.
"Kuya Jari?" Bulong ko nang sundan ang tinititigan ni Arohi habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha.
"Him... he-he's one... of t-them..." Nanginginig na sambit ni Arohi, ramdam na ramdam ko ang takot sa kanyang boses.
Mabilis akong tumayo at niyakap siya, completely blocking her view. I caressed her back gently. "Calm down, Arohi. I'm here. Kaya mo bang sabihin kung anong problema?" I softly asked her.
Hinayaan ko siyang humikbi sa aking dibdib at matiyagang naghintay sa kanyang sagot.
After a while, I secretly peek into my back to see if Kuya Jari's still there, at kumalas kay Arohi nang makitang wala na ito. Tumahan na rin si Arohi, at ang tanging makikita na lang sa kanyang mga mata ay galit at hinanakit.
"Isa siya sa mga pumatay sa parents ko noon. At sigurado ako doon dahil hinding-hindi ko malilimutan ang mukha niya—nila, kahit kailan."
Napasinghap ako sa narinig.
At kahit mabigat sa kalooban, kailangang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang ni Arohi, dahil iyon ang tama.
Dahil kilala ko si Kuya Jari, na-ireport agad namin siya sa pulisya. Pumunta na rin ako sa bahay nila Arkin at sinabi sa kanya ang lahat.
Nanghina siya sa narinig at muntik pang matumba, inalalayan ko pa siya sa upuan. Doon siya umiyak ng umiyak. "Bata pa si W-Wenwen... buntis si Ate Ronnie. Si K-kuya Jari lang ang bumubuhay sa kanila!" Pero bingi ang mga pulis at pinasok ang bahay na naranasan kong maging tahanan noong mga bata pa kami.
Lumabas silang kasama si Kuya Jari na nakaposas, ang kanyang mukha ay punong-puno ng takot at pagsisisi. Nakabihis na siya ng pantrabaho. Kumaway-kaway pa si Wenwen na tila nagpapaalam pa sa kanyang ama, inaakalang babalik rin ito mamayang gabi, habang nasa tabi ng kanyang inang tahimik na umiiyak.
"Aba'y parang may naririnig akong wangwang ng pulis kanina. Parang nasa malapit nga lang. Sa tingin mo'y dito lang 'yon?" Bigla, ay nagtatakang tanong ni Nanang Edna, na pumutol sa mga iniisip ko.
Parang may biglang humarang sa aking lalamunan. "Ah, wala po iyon. Baka napadaan lang." Pilit kong sagot.
Tumangu-tango lamang sa akin si Nanang at bumangon mula sa kama. Inalalayan ko siyang tumayo.
"Salamat, 'nak. Mabuti na lang at nandito ka. Naku, tignan mo nga, hindi ko alam kung saang lupalop na naman ang mga anak ko!" Nag-stretching pa ito na hindi ko napigilang ikangiti sa kabila ng lungkot na nadarama.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...